Ako'y sobrang saya ng ika'y aking pagmasdan
'Di mapigilang maakit sa 'yung mata, ngiti at taglay na kagandahan
Kahit palihim kung ika'y aking tinitignan
Walang katumbas ang bigay mong kasiyahan
Pero bigla akong kinabahan
'Di dahil sa lindol na naramdaman
Kundi dahil may takot sa 'yong mata nang ika'y nasilayan
Gusto ko sana agad-agad ika'y puntahan
Teka! Saglit! Anung dahilan
Biglang napaisip, wala pala akong karapatan
Baka sa pagpunta sa'yo tayo'y pagtawanan
Dahil sa sobra na ka-O.Ahan
Ayoko lang na tayo'y pag-usapan
At 'yung maheadline sa mga Tsismisan
Ayoko rin na iyong malaman
Kung ano talaga ang katotohanan
Sa hallway ika'y hinahanap-hanap
Kahit sa loob ng call floor hindi mahagilap
Marami ng taong dumadaan sa aking harap
Nang paglingon ko "Thanks God" ika'y biglang nasulyap
Ako'y biglang natakot at naduwag
Sa aking puso't isipan 'di ko maipaliwanag
Nang nakita ka ako'y nakahinga ng maluwag
'Yung gusto kitang samahan kahit buong magdamag
Sa pinto ng 3rd floor ika'y agad pinagbuksan
Ako'y biglang nakangiti nang ako'y iyong pasalamatan
Hanggang sa parking area ako'y nakabuntot sa iyong likoran
Upang masigurado ko ang iyong kaligtasan
Mas gugustohin ko pa ang mayanig ng kalikasan
Kaysa malaman mo'ng mahal kita at ako'y iyong iiwasan
Itatago ko nalang upang hindi mo matuklasan
Mamahalin nalang kita sa malayo na walang katapusan
YOU ARE READING
The Verse by a Generalist
PoesiaIdadaan ko nalang sa tula at mga letra ang tunay kong nararamdaman.