Chapter 4 The Death Forest, Do or Die PART 3

58 6 6
                                    


Pagdating ng anim sa tapat ng kweba.
Isa isa na silang hanap ng pwesto para ilagay ang kani-kanilang mga bag.

Si Eris ay nagpasyang maghanap muna ng panggatong para may gamitin sa magdamag.

Si Loris naman ay nagpaiwan upang may kasama ang magkasintahang si melvin at yhens.

Si james at haru naman ay sinamahan si eris.

Di pa nakakalayo ang tatlo ay madami na agad bumungad na putol na sanga sa daan.
Kaya tuwang tuwang ang tatlo.
Hindi magkandamayaw sa kakapulot ng pang gatong.

Tara na, sapat na tong ganito kadami. Sabi ni haru na may hawak hawak ng limang sanga na singtataba ng braso niya.

Kulang pa yan. Kailangan kase may apoy tayo magdamag. O eto idagdag mo dyan. Sambit ni eris sabay bigay kay haru ng walong pirasong sanga na singtataba din ng braso ng tao.

Naku! Naku ang dami na.. mabigat na.. sambit ni haru

O bakit may angal ka? Babae ako diba? Alangan ako magbuhat nyan? Baka sapakin ko kayong dalawa pag pinagbuhat nyo ko? 😎 sabi ni eris sa dalawa sabay pamewang.

Sundin mo na lang ang ating bagong boss pre hahaha. Anas ni james sa hirap na hirap ng si haru

Tsk! Parang mayores sa kulungan tong babaeng to e. Reklamo ni haru dahil di makapalag

Hoy ! Anong mayores? Babae ako dapat MAYORA! understood?! Simula ngayon ako na ang Mayora sa grupo? Ang di sumang ayon kakaratehin ko! WATCHHAAAA!! sermon ni eris sa dalawa na nakaposing pa ng pang kungfu 😃😂

Nyayy.. opo mayora masusunod! Sabi agad ni james na may bitbit na ding maraming sanga.

Yes mayora! Ikaw na ang boss ng grupo. Tara lets sa kampo este sa kweba 😃 yaya ni haru na halos magkanda tae tae na sa bigat ng binubuhat na sanga.

Pabalik na silang tatlo ng biglang.

Tulooongg!!

May halimaw!!

Tulungan nyo kame!!

Sunod sunod na sigaw mula kanila loris ang pumalahaw.

Nagkatinginan na lang sila eris, haru at james ng marinig ang sigaw mula kanila loris, melvin at yhens.
At dali daling tumakbo.
Sa sobrang taranta ni haru ay nabitbit nya agad agad ang maraming sanga.

Pagkadating sa kweba.

Kitang kita nila ang malaking nilalang na hindi pantay ang tindig ng katawan.
Na nakaharang sa labas ng kweba at galit na galit dahil sumisigaw ito.

GWARRR! GWARRR!

Bulalas ng malaking nilalang na nasa 8feet ang tangkad.
Pumuputok ang mga muscle nito sa laki.
At punit punit ang pang ibaba.
Na kung kukulayan mo ng green ay si Incredible hulk na.

Ay putang inang! Anong klaseng nilalang naman yang isang yan 😱 sambit ni james na takot na takot dahil sa malaking nilalang.

Nanangkupo! Okay na sakin ang aso! Pero tanginangyan. Kung yan ang makikita ko dyuskupo!
Sambit ni haru na nabitawan ang binitbit na sanga sa sobrang takot.

Mga tungaw !wag kayong tumanganga lang dyan! Batuhin! Natin para satin mapunta ang atensyon! Sambit ni eris na mabilis na dumampot ng sanga at ibinato papunta sa malaki at nakakatakot na nilalang.

TOK!..

Sapul sa batok ang dambuhalang nilalang.
Kaya napatigil ito sa pagsisigaw at unti unting lumingon sa kung sino ang bumato sa kanya.

RIOT HIGH (Wattys2017)Where stories live. Discover now