Chapter 6 Maligayang pagdating sa RIO HIGHSCHOOL

34 6 1
                                    


Kinabukasan sa death forest.
Alas kwatro pa lang ay gising na si eris at haru.
Hinayaan lang muna nilang matulog sila loris at yung dalawang magdyowa.
Gigisingin na lang nila ito bago mag alas singko.
Dahil may binubuong plano sila eris at haru.

Sige mayora, masusunod ang plano hanggat humihinga ako. Sambit ni haru yayoi kay eris. Halatang kakatapos lang nila pag usapan ang kanilang plano. Kung ano man yon ay sila lang dalawa ang nakakaalam.

Good. Maikling sagot ni eris kay haru habang tinatapik ang balikat.

Kung nasan man sila bossing sana ay masaya na sila. Maluha luhang sabi ni haru.

Ano ka ba naman haru. Ang aga aga mo naman magdrama dyan. Halika sa labas maghanap tayo ng prutas!  Nakangiting sabi ni eris habang pingot pingot nya palabas ng kweba si haru.

Arayyy araagaayy mayora dahan dahan baka matanggal hikaw ko... pigil ni haru kay eris

Paglabas ng kweba nilingon agad ni eris yung pwesto kung san tumalsik yung higante.

Ngunit.

Hindi maari to. Nawala yung higanteng halimaw kung san ito bumalandra kahapon. Masama ito. Gulat na gulat na sambit ni eris habang nili-lingon lingon ang paligid

Imposible.. akala ko namatay na sa sipa yun? Ang tindi naman pala talaga ng halimaw na yun... pano na yan mayora.. sagot naman ni haru na halatang kinabahan nanaman

Siguradong buhay pa yung higante at nasa paligid lang sya. Gisingin mo na sila. Kailangan makaalis na tayo dito ngayun din. Mabilis na utos ni eris kay haru sabay labas ng ballpen. Para gawing sandata.

Opo mayora.. mabilis naman pumasok si haru sa loob ng kweba para gisingin ang tatlo.

Hindi maganda to. Siguradong galit na galit ang higante samin dahil sinipa sya nung lalaki. Bulong ni eris sa sarili habang iniimagine nanaman ang mukha nung lalaki na may kalahating maskara.

Authors note
(Yung style ng maskara ng lalaki is parang gaya ng kay batman. Yung mata lang natatakpan. Tapos kita yung lips. Pero walang sungay na matulis. Dahil sa mata lang natatakpan nito kase labas ang buhok ng lalaki. At kulay puti ang buhok ng lalaki.)

Ilang sandali pa ay gising na ang lahat. Gising agad ang mga diwa nito dahil binanggit ni haru ang higante sa kanila.

Bes.. talaga ba? Nawala yung higante? Ibig sabihin buhay pa ito.. mahinhin na tanong ni loris kay eris

Oo bes. Kaya delikado na ang lagay natin dito kung magtatagal pa tayo. Mabulis na sagot ni eris

Kung ganon may sa pusa pala ang higanteng yon. Biruin mo nagawa pa nyang mabuhay sa tindi ng sipa nung nakamaskarang lalaki kahapon? Sabi ni melvin kay haru habang akbay akbay ang nobyang si yhenz.

Oo pre. Nagulat din ako e. Wala na dun yung higante. Kung ordinaryong tao lang yun baka bali bali na buto non. Sa lakas sumipa nung lalaki. Na parang si goku sumipa. Diba sabi mo yun kahapon sakin pre? Parang si goku sumipa?  Mahabang sabi ni haru.

Oo pre. Kitang kita ko mga maaangas na galaw nung lalaki na parang si goku ng dragong ball. Kung ganon lang din ako kabangis. Maipapagtanggol ko kahit kanino ang babes ko.. papoging sabi ni melvin sabay tingin kay yhenz. 😉

Sus. Ikaw talaga aga aga mo. Dumadamubs ka nanaman dyan. Sagot ni yhenz sabay pingot sa matangos na ilong ni melvin.

RIOT HIGH (Wattys2017)Where stories live. Discover now