Chapter 8 Ang Halimaw na si Kier

39 8 4
                                    


Pagkatapos kumaen sa canteen ay hinatid na ng mga sundo sila eris at ang mga lalaki.

Hindi kalayuan ang dorm ng lalaki sa mga babae kaya hindi na nalungkot si yhenz kase malapit lang naman ang nobyo at pwede sya nitong pasyalan.

May 15th floor ang dorm ng babae at hindi mabilang na kwarto. Kaya hindi siksikan ang mga babae sa magiging kwarto nila.

Pero ang bilang ng tao dapat kada isang kwarto ay apat. Dahil may apat na kama lang ang nasa isang unit.

Kaya dinala ni seff ang mga babae sa room 34. Kung saan may isang babae pa lang daw ang nandoon.

Pagdating nila eris ay wala doon ang babae, nasa klase pa daw ito. Mamayang alas dos pa daw ang uwian ng lahat ng estudyante sa rio high at mag uuwian sa dorm.

Magtatagal pa sana si seff para sagutin ang mga katanungan nila eris. Kaso biglang may tumawag sa telepono nito at mukhang may mas mahalagang ipapagawa kay seff kaya nag paalam na ito sa tatlo.

Naiwan na sila eris at loris .maging si yhenz na halatang nalungkot. Dahil sa school nila ay palagi silang magkasama ng nobyo.

Hmm. Ganito ba talaga kayaman ang eskwelahan na to?? E halos lahat ng gamit dito mamahalin e. Sambit agad ni loris na may alam sa mga mamahaling gamit. Dahil mayaman ang pamilya nito.

Oo bes, mukhang bilyonaryo ang may ari ng paaralang ito. Isipin mo na lang yung higanteng gate na una nating pinasukan dito. dun palang siguradong milyon na ang halaga nun e. Sagot ni eris na kinakapa kapa ang magiging kama

Gano katagal ba tayo naririto? Mahinang tanong ni yhenz habang nakaupo sa sariling kama. Napahinto naman ang magbestfriend. Nagsensyasan ng konti. Tingin pa lang ay alam na nilang kailangan hindi ma op si yhenz dahil. Hindi na nito makakasama ng madalas ang nobyo.

Siguro hindi naman tayo dito magtatagal, baka pag nakita nilang nagpapakabait na tayo ay pabalikin na din nila agad tayo satin mare. 😄 masiglang sambit ni eris na sanay na sanay magpakalma lalo na sa mga malungkuting tao. Gaya ng bes nyang si loris

Malamang sa malamang, kaya kailangan gumawa tayo ng magandang performance para mapansin nila agad tayo. Sundot naman ni loris sabay tabi kay yhenz. Tumabi na din si eris para icomfort ang dalaga

Samantala sa dorm ng mga lalaki.

Naipaliwanag na din ni kier ang mga dapat ipaliwanag sa limang lalaki.

Lima na kayo, kailangan apat lang ang matutulog sa isang unit. Mamili na kayo kung sino sa inyo ang ihihiwalay nyo..dahil marami pa namang kwart.. napatigil si kier dahil biglang nagsalita si koi.

Hay naku naman?! Dami namang kabalbalan ng eskwelahang to? E anong pake nila kung lima kaming matutulog diba? Tangina kahit sampu pa nga kami sa isang kwarto e hindi nila ko mapipigilan hahaha. mayabang na asta ni koi

sabay naman nagtawanan ang lahat maliban kay melvin na malungkot nga kase magkahiwalay sila ng nobya nya.

Biglang tumigil ang tawanan nilang apat ng biglang umangat si koi sa ere ng wala namang humahawak dito.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat.

Lumulutang ka boss koi!! Bulalas ni gija na halos lumuwa ang mga mata

Ughhh.. pucha.. aghkk di ako makahingaa... sambit ni koi na hawak ang leeg. Dahil parang may sumasakal sa kanya na hindi nakikita

Halos manginig ang tuhod nila james, haru. Gija at melvin sa nangyayari kay koi.
Wala silang magawa at ideya sa mga nagaganap. Dahil mamamatay na si koi sa harap nila ng wala silang ginagawa

RIOT HIGH (Wattys2017)Where stories live. Discover now