Chapter 7 Rules and Regulations

28 6 5
                                    

Previousley on chapter 6

Maligayang pagdating matapang na babae.. nakangiting sabi ng misteryosong maskaradong lalaki.

**

Kumpletong narating ng anim ang Rio highschool aka RIOT HIGH.
madaming pagsubok ang hinarap nila bago sila makaabot ng batong hagdan.

Gaya ng first time nila makakita ng higanteng gate na abot hanggang langit ang taas.
At itinulak lang ng isang tao.

May nakaharap din sila mga gutom na asong gubat.
Na akala nila ay nilapa na sila koi at gijah.

At higanteng may masamang itsura. Na nagalit dahil akala nito ay aagawin ang kweba nya.

At may misteryosong lalaki na tumulong kay james.

At nakaharap na din nila ang headteacher na si Mr.lucio brown.

Sa pagpapatuloy ng kwento. Ano ano pang misteryo ang haharapin ng ating mga estudyante sa tinaguriang RIOT HIGH.

***

Mr.lucio brown POV.

Siguradong mga pagod kayo at gutom.. kaya hindi ko muna kayo padidiretsuhin sa inyong mga klase.. padidiretsuhin ko na muna kayo sa aming dormitory dito sa rio high. At syempre magkahiwalay ang kwarto ng mga lalaki sa kwarto ng mga babae. Paliwanag ni mr.lucio sa anim.

Pero hindi ako sanay na hindi katabi ang boyfriend ko 😡 mabilis na sagot ni yhenz na biglang nalungkot dahil sa sinabing iyon ni mr.lucio. si melvin naman ay pinisil na lang ang kamay ng nobya

Sorry miss yhenz. Sundin na lang natin ang rules para wala tayong maging problema. Mahinahon at nakangiting sagot ni mr.lucio

Babes, its okay.. lagi naman akong nasa kwarto nyo e.. pag matutulog lang tayo maghihiwalay.. kaya no need na maging malungkot.. okay? Sambit ni melvin sa nobya habang hinihimas ang pisngi nito. Magsasalita pa sana si yhenz. Pero pinigilan ito ni melvin sa paglagay ng daliri nito sa mga labi ng nobya

Si eris naman ay parang hindi nakikinig sa mga pinag uusapan. Abala ito sa paglingon sa paligid. Na animoy pinag aaralan ang mga daanan at ang mga pasikot sikot.

Ng biglang dumako ang paningin nya kay shaun. Nakatitig pala ito sa kanya.
Nagulat naman ng kaunti si eris.

Bakit ganon, ang talim nya tumingin sakin.. may ginawa ba akong kasalanan sa lalaking to?? Hmmp. Pasalamat ka gwapo ka 😡 bulong ni eris sa sarili sabay irap kay shaun.

Si loris naman ay biglang namungay ang mata dahil sa gwapong katabi ni shaun.

Bess! Tignan mo yung isang guy na katabi ng crush mo oh.. sa tingin mo ba may nobya na sya?? Ang pogi nya no be hihihi. Tignan mo kanina pa sya nakangiti sakin. Oh my god pakiramdam ko matutunaw ako bess.. mahabang sabi ni loris sa bestfriend. Na inatake nanaman ng kadaldalan dahil nakakita ng pogi.

Ay oo nga no.. i think may gusto sya sayo bes. ☺ hayaan mo mamaya tatanungin ko kung may nobya na sya. At pag wala pa. Irereto agad kita bes.. sagot ni eris pero nakatingin parin sa paligid. Sinagot nya lang ang bestfriend para di halatang pinag aaralan nya ang paligid.

naku naku, ingat ka sa mga ganyang lalaki miss loris.. fuckboy yan hahah. Pabirong sabi ni gija kay loris na nakikinig pala sa dalawa.

Hala. Grabe naman fuckboy agad?? Bes oh. Inaasar ako ng mga boys. Sumbong ni loris kay eris.

Ay puta.. kung ako na lang miss loris, hindi pa kita sasaktan. Lagi pa kita isasama sa mga katarantaduhan ko. O diba ang saya non haha. Sundot naman ni koi na tatawa tawa.

RIOT HIGH (Wattys2017)Where stories live. Discover now