Chapter 5 The Death Forest, Do or die PART 4

44 8 0
                                    

The continuation of part 3

Eris bes! Yun na lang na lng ang huling narinig ni eris sa nag aalalang tinig ng kanyang bestfriend na si loris at tuluyan na itong nawalan ng malay.

Makalipas ang ilang minuto.

LORIS POV

bessy! Gumising ka na please! Pag aalalang sambit ni loris kay eris habang nakapatong ang ulo nito sa kanyang hita.

unghh.. mahinang tinig mula kay eris na dahan dahang minumulat ang mata.

Ayan nagkamalay na sya. Eto ipainom mo sa kanya. Sabi ni melvin sabay abot ng bote ng mineral water kay loris

Thanks god. Shes okay 😣 sambit naman ni yhenz na halatang nag alala din.

itinutok lang ni loris ang nguso ng mineral water sa bunganga ni eris. Ng biglang dinakma agad ito ni eris na animoy isag taon na hindi nakatikim ng tubig.

Glug..glugg..
Gluggg...gluggg..
Ahhh.! 😀 woooooh!
anyaree? 😃 sambit ni eris na parang walang nangyari. Habang tinataktak pa ang bote ng mineral na halos walang pumatak na tubig dahil said na said.

Biglang niyakap ni loris si eris. Mahigpit.

Natigilan naman saglit si eris sabay ngumiti.

Okay lang ako bes, salamat sa pag aalala mo ☺ bulong ni eris habang hinihimas ang likod ni loris dahil nangingilid na ang luha nito.

Ng biglang maalala ni eris ang naganap kanina lang.

Oo nga pala! Si james tinangay nung misteryosong lalaki! Bigkas ni eris na nanlaki ang mga mata.

Oo kitang kita namin yung biglang paglaho nung lalaki matapos nitong bitbitin si james kanina. Sabi ni yhenz

Sino kaya yung lalaking yun? 😡 bakit nya kinuha si james?
Alalang sambit ni loris

Tangina pasensya na kung wala man lang akong naitulong, naunahan ako ng takot e. Pasensya na. Sambit ni haru na kanina ay tumakbo dahil natakot sa higante

Ikaw ang laki laki mo napaka-matatakutin mo! Banatan kita dyan e. Amba ni eris kay haru na napayuko na lang

Sorry na mayora. Dispensa ni haru habang nakaluhod

Unti unti tayong nababawasan 😓😓 natatakot na ko sa lugar na ito.. hindi naman to shool e. This is hell 😢 i dont want to stay longer here ... mahinhin na sambit ni loris sa harap ng mukha ni eris habang magkahawak ang mga kamay, Pero bakas ang pagkatakot sa mga mata.

Napayakap ng mahigpit si eris sa matalik na kaibigan. Hindi na alam ni eris kung pano pakakalmahin ang damdamin ng bestfriend kaya yakap na lang ang nagawa nya.

Bes, hindi tayo makakaalis dito kung magiging mahina tayo sa mga ganitong klase ng sitwasyon lang.. ang pinakamagandang gawin natin ay lumaban.. nagsakripisyo na ang tatlo para mabuhay tayo..kaya dapat lumaban tayo para sa kanila... mahabang paliwanag ni eris kay loris para mamotivate ito at hindi kainin ng pagiging negative.

Salamat bes at ikaw ang naging kaibigan ko.. dahil kung hindi baka nabaliw na ako dito.. thank you bes! Sabay yakap ni loris kay eris na bahagya ng umaliwalas ang mukha. Napangiti naman sila yhenz at melvin pati na din si haru na nasaksihan nilang pagpapalakas ng loob ni eris kay loris.

RIOT HIGH (Wattys2017)Where stories live. Discover now