Unang Kabanata

349 16 0
                                    

Unang Kabanata

Sa Pag-ibig lahat ay pantay pantay. Walang mayaman, walang mahirap, walang maganda at walang pangit. Ang pusong umi-ibig ay walang pinipili, maging sino ka man!

*******

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

*******

" Uha! Uha! Uha!"

Isang iyak ng sanggol ang naririnig ni Mang David nang papalapit na siya sa malaking pintuan ng simbahan para buksan ito. Maaga siyang nagbubukas ng simbahan para sa mga taong maagang nagsisimba. Tinanggal ni Mang David ang malaking trangkahan ng malaking pinto. Binuksan niya. Nakita niya ang isang kahon sa harap ng pintuan.

" Uha! Uha! Uha!"

Iyak muli ng sanggol ang nanggagaling sa loob ng kahon. Inalis niya ang nakatakip na telang lampin. Isang sanggol na tila isang linggo pa lang naisisilang ang nasa loob ng kahong karton. May katabi itong isang bote ng gatas na may laman na mainit-init pa at isang sulat.

"Father, patawarin po ako ng ating Panginoong Diyos sa aking ginawa ngayon, ang pag-iwan sa aking pinakamamahal na anak sa inyo. Hindi ko ho siya kayang pangalagaan dahil sa isang napakalaking kadahilanan. Ini-iwan ko ho siya sa inyo dahil alam kong hindi ninyo siya pababayaan at nakatitiyak na mapangangalagaan ninyo siya ng husto. Clarissa ho ang kanyang pangalan. Maraming salamat po father. Nagmamahal niyang ina."


Tinupi ni Mang David ang sulat at ibinulsa.

" Napakagandang sanggol. Bakit ka kaya iniwan ng iyong ina rito? " bulong niya sa sarili. Tumingin siya sa harapan ng simbahan at kapaligiran. Walang tao. Masyado pang maaga. Nag-aagaw pa lang ang liwanag at dilim. Binuhat niya ang kahon at pumasok sa loob ng simbahan.

Sa hindi kalayuan ay isang babae ang nakakubli sa isang poste. Nakasilip lang siya. Nakatalukbong siya ng isang bandana sa ulo. Nakita niyang dinampot ng katiwala ng simbahan ang munting kahon at pumasok na sa simbahan. Lumuha ang babae.

"Hu hu hu! Patawarin mo ako aking pinakamamahal na anak. Ginawa ko ito para sa iyong kabutihan. Darating rin ang araw na mauunawaan mo rin ako. Clarissa, mahal na mahal kita! Panginoon ko, Kayo na ho ang bahala sa aking anak! Hu hu hu!"

Naglakad na ang babae papalayo sa simbahan. Hawak niya ang kalahati ng lampin na nahati ang nakaburdang pangalang Clarissa.

***

Pumasok si Mang David sa kumbento. Umakyat siya sa hagdang bato. Pumunta sa silid ni Father Hernandez. Kumatok siya sa pinto ng silid.

" Tuloy!" sagot ng pari.

Pumasok si Mang David dala ang munting kahon.

" Uha! Uha! Uha!"

" Mang David, iyak po ba ng sanggol ang naririnig ko? " aniya kay Mang David.

" Opo Father. Eto ho siya!" Inilapit ni Mang David ang kahon sa pari. Tinignan ng pari ang sanggol. Iniaabot ni Mang David ang sulat at binasa ito ng pari.

" Sino kayang ina itong nag-iwan ng anak niya? Napakagandang sanggol pa naman. At Clarissa pa pala ang pangalan! " sabi ng pari. Kinuha niya ang sanggol at kinarga. Nasalat niya ang bukol sa likod ng sanggol. Binaba niya sa kama at tinignan ang bukol.

"Kampanerang Kuba" ( Book 1 Completed...On Going  Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon