Kabanata 8

128 9 0
                                    

Sa planta ng pinya ng mga Salviejo naging abala si Elsa. Nakahiwalay ang opisina niya sa opisina ni Eric. Dalawa silang pumipirma ng mga dokumento. Naging mahigpit si Eric sa pagpapalakad ng planta. Marami na ang galit sa kaniya. Kung hindi dahil kay Elsa na mabait sa kanila ay matagal na silang nag-aklas.

Kadalasan ay lumalabas si Elsa at hindi nagtatagal sa plantasyon. Pinipirmahan na lamang niya ang dapat pirmahan ng hindi binabasa para agad siyang makalabas ng opisina. Ngayong umaga ay  may dinala sa kanyang mga dokumento pero kakaiba ang envelope na hindi tulad ng dati na may logo ng kumpanya nila. Naka-upo sa tabi ang sakretarya ni Eric. Parang hinihintay siyang pirmahan na ang nasa loob ng envelope. Kaya binuksan niya at isa-isang pinipirmahan ng may napansin siya. May nakasingit sa gitna na tila kakaiba ang nakasulat. Kaya inutusan ang sekretarya na ikuha siya ng juice muna sa canteen na parang ayaw pang sumunod . Tinignan niya ng masama ang sekretarya kaya lumabas na ito sa silid. Binasa niya ang dokumento.

Nashocked si Elsa sa nabasa niyang dokumento. Nakasaad sa dokumento na ipinamamana niyang lahat ang mga ari-arian ng mga Salviejo kay Eric at Edmond na paghahatian ng dalawa. Bakit kailangan niyang ipamana gayong may ama pa sila at kapatid niya ang dalawa? At si Wilfred. Bakit wala siya sa dokumento? Nahiwagaan si Elsa. Ano ang binabalak ni Eric? Naguguluhan siya sa nabasa . Kailangang malaman niya ang dahilan. Kung hindi niya pipirmahan ay malalaman ni Eric na nabasa niya ang dokumento. May masamang balak na naman ang kapatid niya. Pinirmahan niya pero iniba niya ang pirma. Tumayo siya at pumunta sa copier machine at gumawa siya ng kopya. Ibinalik niya ang dokumento sa dating kinalalagyan. Siya namang pagpasok ng sekretarya ni Eric. Ngumiti siya at iniabot ang envelope saka kinuha ang juice. Lumabas na ang sekretarya na nakangiti.

Naka-upo si Eric sa mesa niya at nagbabasa ng dyaryo ng pumasok ang kanyang sakretarya. Iniabot sa kanya ang envelope.

" Pinirmahan ba niyang lahat?" Nakangiti ang sekretarya.

" Yes sir!" Napangisi si Eric.

" Binasa ba niya?" Biglang kinabahan ang sakretarya.

" Hindi po sir! "

" Ha ha ha! Sige, iwanan mo na ako at may isang buwang bonus ka sa sahod." Lumabas ang sekretarya na lalong ngumiti. Binuksan ni Eric ang envelope at tinignan ang mga dukumento Hiniwalay ang isa at isinilid sa isa pang envelope ng  hindi na binasa ang pirma. Idinikit niya ng paste.

" Ha ha ha! Napakatanga mo talaga Elsa. Katulad ka ni Wilfred, kaya lang kailangan pang mabugbog, pipirma rin pala. Ha ha ha!". Inilabas niya ang kanyang mobile.

" Hello Edmond, ayos na! Atin na ang lahat. Kaya planuhin mo na sila. Ha ha ha!"

Lumabas ng planta si Elsa at ng makita siya ni Mang Fernan ay agad na kinuha ang sasakyan. Nagpahatid siya sa villa. Pumasok siya. Hindi siya mapalagay. Kailangan malaman niya ang katotohanan kung bakit kailangan niyang ipamana ang lahat kina Eric at Edmon. Lamapit siya sa pintuan ng silid ng kanyang papa. Kumatok ng mahina at binuksan. Wala ang papa niya. Tinawag niya ang isang kasambahay. Tinanong ang kanyang papa. Nagpunta raw sa hospital kasama ang private nurse. Muli siyang bumalik sa silid ng kanyang papa. Pumasok. Mula ng maliit siya ay bihira siyang nakapapasok dito. Hindi niya alam kung ano ang hahanapin niya. Nagsimula siya sa drawer ng maliit na mesita sa tabi ng kama. Wala siyang makita maliban sa gamit ng kanyang papa. Binuksan niya ng mga closet isa-isa at puro damit ang mga laman.

"Kung may itatago ka saan mo ilalagay yung hindi kapuna-puna?"
Naisip niya.

Tumingala siya sa itaas ng mga closets. May parang mga cupboards. Binuksan niya ang isa. Mga kahong karton na maayos ang pagkakapatong-patong. Kumuha siya ng isa. Mga lumang litrato ang laman noong maliliit pa sila. Isinara ang karton. Ibinalik at kinuha ang pinaka ibaba. Binuksan. Litrato pa rin. Ang kanyang Mama at Papa noong mga bata pa sila. Buntis ang Mama niya. Inisa-isa ang mga litrato. Sina Eric at Edmon, kasama ang isang babaing hindi niya kilala.

"Kampanerang Kuba" ( Book 1 Completed...On Going  Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon