Kabanata 7

130 11 0
                                    


Lumipas ang mga taon, dalagita na si Clarissa. Fourth year high school na siya. Dahil sa scholarship grant ay sa pribadong high school na rin siya nag aaral. Matalino si Clarissa. Nagtapos siyang Valedictorian sa elementary na ikinarangal ng mga magulang ni Fr. Hernandez at Elsa na lihim pa ring sinusubaybayan ang anak. Patuloy pa rin siyang tinutukso nina Lucero na nagkaroon ng kakampi, si Zarah. Si Reynan lamang ang tanging tagapagtanggol ng dalagita.

Hindi pa rin nagpapalya si Clarissa sa paglalagay ng bulaklak sa imahe ni Mama Mary at paglilinis nito. Tumutulong pa rin siya sa Itay niya sa pagtugtog ng kampana ng simbahan. Kung minsan siya na kapag may karamdaman ang ama.

Naging abala naman si Elsa sa kanilang planta at plantasyon ng pinya. Ang Kuya Eric na niya ang namamahala at siya ang Vice Presidente ng kumpanya. Hindi siya nawalan ng pag-asang magkikita pa sila ni Ruben. Lagi pa rin siyang naghihintay. Lihim siyang nagbayad ng imbestigador para hanapin ang binata sa Maynila pero nabigong matagpuan si Ruben. Kaya para malibang siya, ang plantasyon ang lagi niyang pinupuntahan at ang lawa. Taunan na rin kung umuwi si Marlone na sunudsunuran sa gusto ni Elsa. Naging malapit si Zarah kay Don Roque na sa bawat hingin sa lolo ay binibigay ng matanda. At galit pa rin siya kay Clarissa na kadalasan niyang nakikitang kausap ang kanyang Mommy sa school. Selos na selos siya sa dalagita.

Naging kilala si Ruben sa Europa sa tulong ni Ingrid. Bulag pa rin ang binata. Hindi naging matagumpay ang mga operasyong isinagawa sa mga mata niya sa Alemanya. Kaya nagpunta siya ng Amerika upang magpatingin sa isang dalubhasang Amerikano. At patuloy na umaasa si Ingrid na mamahalin siya ng binata.

****

Lunes ng umaga. Maagang nagising si Clarissa. May lagnat ang itay niya kaya siya na muna ang nagpunta sa kampanaryo. Isang misa lamang ang gaganapin sa tuwing ordinaryong araw. Napalitan na niya ang mga bulaklak ni Mama Mary at napunasan na ang imahe. Tinignan niya ang malaking orasan malapit sa gilid ng altar. Oras na para patugtugin na niya ang malaking kampana. Pumunta na siya sa kampanaryo. Hinawakan niya ang asul na lubid at hinila.

" BONG ! BONG ! BONG! "

Hudyat para pumasok ang mga tao sa simbahan. Napangiti ang dalagita. Dati-rati ay nahihila siyang pataas ng lubid ngayon ay hindi na. Maghihintay na lang siya ng misa ng makapagsimba na rin.

Pagkatapos ng misa ay dagling umuwi ang dalagita. Pagpasok niya sa kanila ay nakita niyang nakahanda na ang almusal sa hapag kainan. Sumilip muna siya sa silid ng mga magulang. Nakahiga ang ama niya at tulog pa. Pumunta siya sa kusina at sumandok ng kanin at kumuha ng sukang sawsawan niya.

" Ikaw na ba yan anak? " Inay niya na naglalaba sa labas ng bahay.

" Opo Inay. Kumain na ho kayo ni Itay? "

" Oo , uminom lang ng kape ang itay mo at mamaya na raw siya kakain." Umupo sa mesa si Clarissa at inalis ang takip ng ulam. Kumuha ng isang tinapang salinas.

" Naka-inom na ho ba ng gamot si Itay?"

" Kanina pa. Bilisan mo anak baka ma late ka na naman." Kumakain na siya.

" Okay naman po ako sa Mam ko sa first period at alam naman po niya na ginagampanan ko muna ang mga trabaho ni itay sa simbahan. "

Pagkatapos kumain ay iniligpit at hinugasan ang kanyang pinagkainan. Naligo na siya at nagbihis ng uniporme.

" Inay, papasok na ho ako! "

" Sige anak. Mag-ingat ka sa paglalakad!"

" Opo Inay" Naglakad na siyang papasok sa school. Pagdating sa kanto ay may humintong sasakyan sa tabi niya.

" Clarissa, sumabay ka na sa amin." Sabi ni Elsa na nakasakay sa harapan at nasa likuran si Zarah na nakasimangot ng makita siya. Napansin ni Clarissa si Zarah na masama ang tingin sa kanya.

"Kampanerang Kuba" ( Book 1 Completed...On Going  Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon