Katapusang Kabanata ng Unang Aklat.

215 17 3
                                    


Napa-upo sina Elsa at Ruben mahabang upuan. Tumabi sa kanila si Zarah na umiiyak. Tumatangis rin si Aling Rowena na kayakap ni Mang David.

Naka-upo da likuran nilang mahabang upuan sina Reynan at mga kaklase nila. Nag-iiyakan na rin sila.

May humawi ng kurtinang berde sa bintanilya ng pintuan ng ICU. Napatayo si Elsa nang makita at dagling lumapit sa pinto. Sumilip sa bintanilya. Kasunod niya si Ruben.

Halos hindi  na humihinga si Elsa habang sumisilip  sa salaming bintana ng ICU. Nakayakap sa likuran niya si Ruben. Pinagmamasdan nila ang nangyayari sa loob. Tumutulo ang mga luha nila. Nasa tabi ni Clarissa ang doktora, pina-pump ng mga kamay ang dibdib ni Clarissa. Isang guhit na mahaba ang nasa heart monitor. May ini-abot na heringgilya ang isang nurse sa doctor. Isinaksak ang adrenalin sa puso ni Clarissa. Inilapit ang CPR machine at nakikita nina Ruben na inilagay ng doctor sa dibdib ni Clarissa at umalsa ang katawan ng dalagita. Lumapit si father sa kanila.

" Halikayo, magdasal tayo!" Sumunod silang lahat kay father sa waiting room. Nagsimula silang magdasal. Nag-iiyakan silang lahat. Maging si Ruben.

Natapos ang dasal nila ay mabilis na tumayo sina Elsa at muling  lumapit sa bintanilyang may salamin. Natatabingan na ito ng kurtinang berde sa loob. Napayakap siya kay Ruben.

" Ruben! Hu hu hu!"

" Shhhh! Huminahon ka na mahal ko. Alalahanin mo buntis ka pa naman. Makasasama sayo mahal ko ang labis na pag-alala. Hindi mawawala ang anak natin. Mahal siya ng Diyos."

Imupo sila katabi  sina Rowena at David. Nanaig ang katahimikan. Lahat ay naghihintay at patingin-tingin sa pintuan ng ICU.

Lumipas ang dalawang oras ay lumabas ang doktora, pinagpapawisan. Nakangiti na sa kanila.

" Ligtas na ho si Clarissa! Akala ko ho kanina iiwan niya tayo. Malakas po ang will niya to survive. " Napangiti silang lahat.

" Salamat po Lord. " sabi ni father.

Nang malaman ng mga kaibigan niya ay nagtawanan na sila. Nakangiti na rin si Reynan na tinitukso ng mga kaibigan. Nilapitan siya ni Zarah at iniabot ang kamay ng dalagita.

" Reynan, huwag mong maloloko ang kapatid ko at ako ang makakalaban mo. Friends?" Nakipag kamay si Reynan.

" Ha ha ha! Asahan mo friend Zarah!

Nagyakapan sina Ruben at Elsa sa tuwa. Lumapit sa kanila si Zarah at nakiyakap.

Ganoon din sina Mang David at Aling Rowena. Napalitan ng mga ngiti ang kanina ay lumuluha sila.

--------

Sa isang private ward, nagtatawanan sina Elsa, Ruben, Rowena at David. Pinapanood nila si Zarah na tinutukso si Clarissa habang sinusubuan ang kapatid. Naka-upo na si Clarissa. Masaya siya dahil may kapatid na siya, si Zarah. Masaya na rin si Elsa. Natawagan na niya si Marlone at sinabihang huwag ipaalam na kay Zarah kahit kailan na siya ay hindi tunay na anak ni Elsa. Sinabi ni Marlone na malapit na siyang umuwi kasama ang bagong asawa. Natuwa si Elsa para sa kanya. Ang dalawang dalagita ay naging malapit na sa isat isa.

" Clariz, sino kaya ang ate sa ating dalawa? Hi hi hi!"

" Gusto mo ikaw na? Hi hi hi!"

Sinubuan niya si Clarissa.

" Ayoko nga! Tatanda akong bigla!"

" Hoy kayong dalawa! Talagang tatanda na kayong bigla! May kapatid na kayo, here!" Itinuro ni Elsa ang tiyan niya.

" Totoo Po! Ayyy! Ate na kami! " sabay sabi ng dalawa!

Lumipas ang mga araw. Ganap ng malakas si Clarissa. Masaya na silang dalawa ni Zarah sa school na kanilang pinapasukan. Dumami na ang mga kaibigan ni Zarah dahil sa kanyang pagbabago.

"Kampanerang Kuba" ( Book 1 Completed...On Going  Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon