Chapter 04
......Troy POV....
"hey Troy chill ang init agad ng ulo mo eh" sabi ni Gian sa akin.
"eh sino ba naman kasi ang hindi iinit ang ulo kailangan ko pang umuwi dito sa pilipinas para lang sa negosyo,niya for god sake im just 21 at hindi pa nga ako tapos sa pag aaral.
"ayan ba talaga ang dahilan o baka na mimiss mo lang kaagad si bella?"
"ewan ko sayo ang titino niyo kausap pare" tiningnan ko sila isa-isa. si Sean bussy kakalikot sa cellphone niya, si Mico kakatingin sa mga chicks, si Kenneth naman bussy sa kausap na babae, habang si Gian wala naman kwenta ang lumalabas sa bibig.
Andito kami ngayon sa THE 5 STAR BAR kaming lima ang may ari nito. mahilig kasi kami mag bar dati sa New York kaya ito ang naisipan namin gawin negosyo dito sa pilipinas. kung gugustuhin namin pwede kaming mag tayo kahit ilang bar pa yan pero mas pinili namin na isa lang para mag kakasama pa rin kami kung baga ito ang tambayan namin ng barkada.
"siya nga pala pare anong balak mo dun sa babaeng nambato sa iyo ng libro?" tanong sakin ni Gian.
"ewan ko pare,pinanganak yata na may kakambal na swerte ang babaeng yun eh ilang beses na bang nakalusot yun sa ganti ko. pero may araw din sa akin ang babaeng yun and this time ako naman ang kikilos"
"ano naman ang gagawin mo? pare naka ilan plano ka ba na laging nalalampasan ng babae na yun. nung una inutusan mo pa si janine para ma lock sa loob ng banyo si Chanelle pero anong nangyari? si janine pa ang na lock-an imbis na siya."
tama si Gian naka ilan plano na ako para sa babaeng yun pero walang nangyari. nung una si janine nga pero palpak. yung sumunod naman balak ko sana siyang ipa dukot dun sa dalawang binayaran ko na lalaki para sana takutin pero laging sumasabay sa kaibigan niya. kung ano anu pa yung inutos ko pero laging palpak. at nitong huli nag palagay ako ng daga sa locker niya pero anong nangyari? kinuha ba naman ung daga at binilan pa ng kulungan. ang labis kong ikinagalit eh yung pangalanan daw ba yung daga ng Liam, adik yata yung babaeng yun eh asar.
"bakit hindi na lang ikaw ang kumidnap kay Chanelle pare? tiyak na tiba-tiba ka dun pag nagkataon, makinis na, maganda at higit sa lahat ang sexy- aray naman pare maka batok ka wagas ah" sabat ni Kenneth sa amin,batukan ko nga ang dumi ng utak eh.
"sira ulo ka kasi kung ano anu yang pumapasok sa utak mo! hindi ko type ang babaeng yun."
"manhid lang walang type sa babae na yun eh mas maganda at sexy pa yun kay bella-"
"hoy pare anong nangyare sayo natahimik ka yata diyan? tanong ko dito kay Kenneth parang tanga lang eh bigla nalang natulala.
"speaking of sexy? there she is." turo ni Kenneth sa entrance ng bar.
sinundan ko yung tinutura niya dun sa entrance "what the hell is she doing here?"
"wow pare ang sexy" sabay na sabi ni Gian, Mico at Sean. halos yata lahat ng lalaki dito sa bar tumingin sa kanila.
"it's SHOWTIME mga pare" sabi ko sa kanila.
Chanelle POV
kararating lang namin dito sa bar ang daming tao at halatang pang mayaman talaga ang gaganda kasi ng mga suot nila halos lahat class A.
buti nalang bago kami pumunta dito dumaan muna kami sa bahay nila ashley para daw makapag bihis. pinahiram niya ako ng dress at pinapili sa mga collection niya ng sandals, si jaime naman ang nag ayos ng buhok namin and a little bit of powder and lips stick ready to do na ang peg.
"grabe ang beauty natin teh halos lahat ata ng mga kalalakihan dito tumingin sa akin, i mean sa atin pala" sabi ni jaime na hindi matigil ang mata sa kakaikot sa loob ng bar.
"hoy ang kapal naman ng mukha mo bakla baka kay Chanelle lang mga tumingin."
"Ash, Jaime ayos lang ba talaga tong suot ko? nakakailang kasi ung mga tingin nila baka naman hindi bagay."
"ay nako bakla wag ka nga mailang diyan inggit lang sila sa beauty mo."
"Oo nga bessy inggit lang yung mga yan. tara order na tayo ng maiinum."
"eh kasi naman ang sama ng mga tingin sa akin nung mga babae."
"3 glass of margarita please!" order ni jaime sa bartender.
"here take this para mawala yang hiya mo." abot sa akin ni ashley ng wine glass na may lamang alak.
"ang pait naman nito best? sigurado ka bang margarita to?" inisang lagok ko lang akala ko kasi margarita.
"oo naman bessy narinig mo naman yung inorder ni jaime diba?"
"para kasing pumait lalo ung lasa"
"baka naman nanibago ka lang sa lasa? here!" abot ulit sa akin ni jaime ng alak.
kinuha ko na lang ulit yung inabot sa akin ni jaime at ininum hanggang sa naka ilang shot na kami kaya nakaramdam na ako ng hilo.
"girls tara sayaw tayo!" yaya sa amin ni jaime
"sige kayo na lang muna, sunod na lang ako sa inyo punta lang ako sa restroom" nahihilo na kasi ako kaya gusto kong pumunta sa banyo.
"sige best hintayin ka namin sa dance floor ha?" tumango na lang ako kay bessy at pumunta na sa restroom.
malapit na ako sa cr ng may humarang sa akin na lalaki.
"hi miss beautiful" sabi nung lalaki. may itsura sya at malaki ang pangangatawan.
"hello" ngumiti ako sa kanya. hahakbang na sana ako ng humarang siya ulit sa dinadaanan ko.
"do you need something? kung wala baka pwedeng dumaan, i have to go to the restroom."
"oh not that past sweetheart, I'm paulo and you?" sabay lahad ng palad niya sa akin.
"I'm sorry mister but i need to go if you don't mind? excuse me."
"sandali nga!" hablot niya sa braso ko "bakit ba ang damot mo? pangalan mo lang naman ang hinihingi ko ah."
"ano ba bitiwan mo nga ako, a-aray ano ba nasaaaktan ako." pag pupumiglas ko sa kanya.
"eh kung ayoko? alam mo bang kanina pa ako nababaliw sayo pag kapasok mo pa lang dito sa bar and your making me- aw-aray walangya kang babae ka!" sinipa ko siya sa harapan niya. tatakbo na sana ako ng mahagip niya yung buhok ko.
"aray ano ba bitiwan mo sabi ako eh" biglang umikot yung paningin ko, siguro sa dami ng na inum ko kanina kaya nanghihina ako.
"buwisit kang babae ka masyado kang pakipot, wag kang mag alala miss sigurado akong magugustuhan mo ang gagawin ko sayo." isinandal niya ako sa pader habang hawak ang dalawa kong kamay na itinaas niya sa ulunan ko.
"ano ba? bitiwan mo sabi ako eh, tulong! tulungan niyo ako." sigaw ko pero wala man lang dumadaan na mga tao at sa lakas ng music siguradong walang makakarinig sakin. tinangka niya ako halikan sa labi. tumulo na ang luha ko sa sobrang takot.
"let her go or i will kill you?" narinig kong sabi ng lalaki.
"hoy lalaki humanap ka nga ng sayo, wag kang mangialam dito"
"i said let her go because she's mine"
bigla niyang hinila yung lalaki at sinuntok sa mukha. gumanti siya ng sapak pero naka iwas ung nag ligtas sa akin, sinuntok niya ulit yung lalaki na bumalandra sa sahig susugurin niya pa sana ito ng may umawat na sa kanila.
"pare tama na, sean tumawag ka ng guard para ilabas ang taong to." utos nung lalaki na umawat sa kanila.
"hey are you okay? " tanong ng nag ligtas sa akin. tinulungan niya akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko. "hush now baby your safe stop crying." tapos niyakap niya ako.
"thank you" sabi ko ng binitiwan niya na ako tumingin ako sa mukha niya " Troy? " tapos bigla na lang dumilim yung paningin ko. ang huling narinig ko na lang ay may tumatawag sa pangalan ko.
-JC-