"Godkings/queen VS gods"
Jishikafu's Arena
Jhap's POVHi kamusta? Hahaha na miss ko kayo :)
Naghahanda na ako dahil sa pinagbigyan kami ni Jishikafu ang may ari ng arena na gawing 5v5 ang labanan namin sa Man to Man pumayag naman kasi ang kalaban namin kaya ayun ngayon malilintikan tong mga kalaban ko
Ilang minuto na lang ay magsisimula na kaya naghanda na ako sinuot ko ang set na nakita ko lang sa invent ko gift siya at galing kay Mercurial pati may bow siya na binigay
Ang set ay tinatawag na Black Reverend all black siya na may balabal da bandang kwelyo isa itong cloak like suit na hanggang tuhod at ang manggas ay sobra kunti sa siko at sa lahat ng dulo ng suit ay may parang balabal na malambot, may gloves na makapal pero nahihinat siya pero may pagka masikip at ang sapatos ay combat shoes na itim at maganda siya sa paa, ang bow naman ay tinatawag na Fallen Bow lahat daw ng fallen godkings ay meron nito pero depende sa class mo katulad ni Wu katana ang sa kaniya kasi Samurai siya black ito na bow curve tapos ang string ay may pag ka dark blue
Maya maya ay dumating na ang apat na kasama ko wow ah ang gaganda ng suot malalaman talaga na godking sila pero ang kinatataka ko sino ba tong Empress na to at parang napakapalakas niya godqueen kaya siya? Dahil parang kapantay ko ang lakas niya hhhmmm malalaman natin mamaya
"Tinatawagan ang sampong kalahok sa field dahil malapit nang magsimula ang labanan, salamat"
Tinatawag na kami ng announcer"Oh tara na, makakaganti na ako sa mayabang na yun"
Sabi ni Dark na walang kaba dahil sa galit sa Sin god"Galit ka pa rin pala dun?"
Tanong ko na natatawa"Tss maski kayo alam kong naiinis kayo sa lintik na yun"
Sagot nito na tingin ko naman ay tama pero pumasok sa isip ko yun Baphomet's Wrath napakalakas ng atake na yun halos maubusan ako ng mana at buhay dun pero tingin ko ay kaya kong ikansel yun hahaha may natutunan akong bagong skill bigay sakin ni Thresh ewan sa kaniya binigay niya at umalis agad haysNaglakad na kami palabas at paglabas namin ay
******
3rd Person POVPaglabas ng dalawang grupo ay rinig ang hiyawan ng mga tao isinisigaw nila ang pangalan ng mga pambato nila
"Panda"
"Panda"
"Dark-sama galingan mo I Love you"
Sigaw ng isang seksing babae na katabi nila Bear(Mylene)Kaya naman napailing lahat dito
Pagtingin dito ni Jhap ay napansin niya agad si Mylene kaya napatawa siya pero napansin niyang may kausap ito na lalaki
"S-sino yun?"
Sabi ni Jhap na nagulat"Naku patay tayo nito"
Sabi ni Dark dahil napansin niyang nawawala ata sa pokus si Panda
![](https://img.wattpad.com/cover/96571880-288-k230088.jpg)
BINABASA MO ANG
Granddivinity Online: World of gods (Completed)
Fiksi IlmiahAng Arcanum Incorporation isang inkorporasyon na naglabas ng isang laro na natatanging sa Asia lamang nalalaro. Si Jhap Orehcah Oyort isang binatilyong adik sa MMORPG's lalo na sa VRMMORPG (Virtual Reality Massive Multiplayer Online Role Playing Gam...