CHAPTER SIXTEEN

2.9K 74 0
                                    

"GOODNIGHT" wika namin ni adam sa isa't isa pagkatapos niya akong halikan ng mariin sa labi ko.. nag-enjoy talaga kami nito ngayon sa FIRST DATE namin at masayang masaya kaming dalawa ni adam na kasama ang isa't isa..

"i love you" malambing na wika ni adam sakin.

"mahal din kita adam.."

nakangiting wika ko din dito sabay binuksan ang pintuan ng kuwarto namin ni troy.. bago ko tuluyang isinara yun.. nag-ngitian muna kami ni adam bago ko sinara ang pintuan..

pagkasarang pagkasara ko ng pintuang yun at ngayon ay nakasandal ako dun.. kay laki ng aking ngiti habang dinadama ng aking mga daliri ang labi ko..

hindi pa din ako makapaniwala na may boyfriend na 'ko ngayon. may first kiss na 'ko.. sino ang mag aakala na ang isang katulad lang ni tasha na mahirap ang buhay at hindi pa nakatapos ng pag aaral e magkakaroon ng kasintahang sikat na sikat at mayaman.

pakiramdam ko ang suwerte ko talaga. hindi dahil sa sikat o mayaman si adam.. masuwerte ako dahil kahit ganito lang ako. nagawa pa rin niya akong mahalin..

ngayong nakahiga na ako sa higaan namin ni troy.. si adam pa din ang nasa isip ko. aaminin ko.. masayang masaya talaga ako ngayon dahil sa kaniya.. sana lang talaga kahit pa anong mangyari samin ni adam. sa bandang huli kami pa din ang magkasama.. haaaaayy.. ano nalang kaya ang magiging reaction ni donya esmeralda kung sakaling malaman niya na hindi na matutuloy ang kasal nina Imari at Adam dahil sakin?

ano kaya ang iisipin ng lola ni adam sakin kapag nalaman niyang kami na ng apo niya? hindi kaya, sakin din magalit ang lola ni adam? at kagaya ng ginawa niya kay imari.. ilalayo din niya sakin si adam dahil hindi nito ako gusto para sa kaniyang apo?

agh! tantanan mo na ang kakaisip ng kung anu anong negative tasha.. malay mo naman.. tanggapin ka ni donya esmeralda para kay adam kahit na ganyan kapa diba? pero.. paano nalang kung hindi? paano kung magalit din siya sakin at ilayo din niya sakin si adam?

ah letse ka tasha! matulog kana dahil maaga ka pang gigising bukas para magluto ng almusal..

makalipas ang ilang mga minuto siguro.. nakatulog din naman agad ako.. yun nga lang nakatulog akong pilit iwinawaksi sa isipan ko ang mga pangambang naiisip at nadarama ko.

KINAUMAGAHAN...

Alas singko palang ng umaga.. agad na akong bumangon para magluto ng almusal. pagkatapos kong magsepilyo at mag-ayos ng sarili ko.. pagpunta ko ng kusina.. kagaya ng dati, binuksan ko muna ang bintana roon..ngunit ganun na lamang ang gulat ko. dahil pagbukas ko nun.. sumalubong sakin ang nagdadamihang kislap ng mga camera!.. agad kong isinara ang bintana at kulang nalang atakihin ako sa puso sa aking pagkagulat talaga!

DIYOS KO! NASUNDAN KAMI NG MGA MEDIA AT PAPARAZZI NI ADAM!

"ate, ate may naririnig akong ingay sa labas.. ano yun?"

nagtatakang tanong sakin ni troy pagdating niya sa kusina. halatang nagising ito dahil sa ingay ng mga paparazzi at media sa labas..

huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong na yun ng kapatid ko..

"nasundan tayo.. nandito sila"

kabadong sagot ko kay troy.

"sinong sila? hindi ko maintindihan"

naguguluhang tanong ni troy at nang akmang bubuksan nito ang bintana. maagap ko itong pinigilan sabay humarang pa ako sa bintanang yun..

"tasha, ano yung naririnig kong ingay sa labas?"

salubong na tanong din ni adam at malamang narinig din nito ang ingay ng pag uusap namin ni troy.. maging ang mga media at paparazzi nitong nasa labas ng kubo ngayon.

Kidnapping The Hot BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon