CHAPTER FIFTEEN

3K 74 1
                                    

"Adam, sigurado kaba sa ginagawa nating 'to? hindi kaba natatakot na baka makilala ka ng mga tao diyan sa get up mo?"

makailan ng beses na tanong sakin ni tasha at makailang beses ko na din itong sinagot na wala itong dapat ipag alala.

magde-date kami ni tasha ngayon.. that's right.. ito ang kauna unahang date naming dalawa at ngayon nga pupunta kami nito sa bayan upang mamasyal at kumain sa labas..

gusto ko sanang dalhin si tasha sa isang lugar na mas maganda at sa isang kilalang restaurant kaso alam ko namang walang ganun sa lugar na kinaroroonan namin dahil sa liblib nga ang bayan na'to.

hindi din naman kami puwedeng lumayo ni tasha dahil sa pag aalalang baka may makakilala sakin at mapauwi ako sa manila ng wala sa oras..

so weird right? dati gustong gusto ko ang tumakas para makauwi sa manila dahil sa kasal namin ni Imari.. ngayon naman umiiwas ako sa mga taong makakakilala sakin dahil sa takot ko na masundan ako ng mga paparazzi at mapauwi ako agad sa manila. sa dati kong buhay.. at muling makasama ang fiancee ko pa din na si Imari..

kapag nangyari yun.. ibig sabihin lang nun.. kahit ayoko.. magkakahiwalay kami ni tasha para bumalik sa tunay na buhay ko.. ang bilang isang sikat na modelo na si ADAM LAWRENCE VILLAREAL..

"dont worry pagdating natin sa bayan. sinisigurado ko, walang makakakilala sakin dun promise!"

muli ay saad ko kay tasha nang sa wakas ay makarating na kami sa kalsada para maghintay ng masasakyang tricycle.

"e paano ba namang hindi ako magiisip na baka makilala ka e mukhang halata pa din yang hitsura mo kahit pa man nakasumbrero at shades kana"

patuloy pa din ni tasha habang kinukuha ko ang scarf na nasa bagpack ko.. napa-kunot noo naman si tasha nang makita nitong ibinabalot ko na ang scarf na yun sa buong mukha ko at mga mata ko nalang ang nakikita.

parang eng eng lang diba?

jeeeeezzzzzzzz! sa ngalan ng pag ibig ginagawa ko ito para kay tasha!

ang hirap maging sikat!

"how do i look?"

tanong ko kay tasha kapagkuwan at natawa naman ito sa hitsura ko.

"mukha kang ninja, mata mo nalang kasi ang nakikita sayo e.. ah hindi pala.. kulang nalang sayo baril para magmukha ka ng isa sa mga member ng abu sayyaf sa hitsura mong yan"

tatawa tawang wika ni tasha sakin at maging ako ay ganun din.

"see? i told you.. walang makakakilala sakin dun sa bayan dahil sa get up kong ito.. sa tingin mo, sino ang magaling na tao ang makakakilala pa sakin nito e mata ko nalang ang nakikita sa mukha ko"

"sigurado.. walang wala na talaga"

natatawa pa ding sagot ni tasha. kasabay nun dumating naman ang tricycle na hinihintay namin. habang sakay na kami nun.. tawa pa din kami ng tawa ni tasha dahil sa aking hitsura.

nang makarating kami sa wakas ni tasha sa bayan.. namasyal kami nito sa kung saan saan hanggang sa makarating kami nito sa perya.. bawat madaanan naming tao o makakakita saming dalawa ay napapalingon at napapatingin dahil sa hitsura ko. marahil nagtataka sila.. well.. as long as kasama ko si tasha. wala akong pakiilam kung ano man ang tingin o iisipin sakin ng mga taong yun, basta masaya ako na magkasama kaming dalawa ni tasha ngayon...

*******************************

" FIRST TIME mo lang bang makapunta sa ganitong klase ng lugar?"

tanong ko kay adam habang naglalakad kami nito at tumitingin ng kung anu ano sa perya.

"hindi naman.. i mean, nung bata ako madalas akong dalhin ni lola sa ganitong klase ng lugar para libangin ako.. para ipasyal ako at saka... para sumaya kahit papaano"

Kidnapping The Hot BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon