CHAPTER ONE

8.9K 168 6
                                    

Inilapag ni Donya Esmeralda sa tapat ko ang isang malaking travelling bag na naglalaman ng mga personal na gamit ng apo nitong si Adam, pagkatapos namin nitong magkapirmahan ng kontrata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inilapag ni Donya Esmeralda sa tapat ko ang isang malaking travelling bag na naglalaman ng mga personal na gamit ng apo nitong si Adam, pagkatapos namin nitong magkapirmahan ng kontrata. sa pinirmahan naming yun ay nagsasaad na kikidnapin ko ang apo nito dahil sa utos nito yun at hindi dahil sa binalak ko. pati na rin lahat ng gagawin naming plano.

nakasaad din dun na dadalhin ko ang apo nito sa isang lib-lib na lugar, magubat at hindi basta-basta matatagpuan ng kung sino mang tao. ang matanda mismo ang naghanap ng lugar na yun para dun itago at ilayo ang apo sa babaeng pakakasalan nito.

tsk.tsk.tsk pakiilamerang lola lang talaga. biruin mo? nakikiilam sa love life ng kaniyang apo! anyway.. wala na'kong pakiilam sa issue ng dalawang mag lola. basta ako. gagawin ko ang aking trabaho dahil sa matinding pangangailangan. ano pa nga ba? e di pera!

sa tindi ng hirap ng buhay naming magkapatid na si Troy. hindi na kami nagdalawang isip pa na tanggapin ang ganitong klaseng trabaho para kami ay mabuhay. saka hindi naman kami papatay o ano pa man sa gagawin naming trabaho. kikidnap lang naman kami. at ang taong yun ay ang apo lang naman ng donyang nasa harap ko ngayon.

"paano tasha? alam mo naman na siguro kung ano ang gagawin mo? si mang kardo na ang maghahatid sa inyo sa lugar na yun. kung sakaling may kailangan ka. bumaba ka lang ng bayan at tawagan mo'ko agad."

sabi nito sakin at para na itong sirang plaka dahil sa makailang ulit na niyang sinabi sakin ang mga gagawin ko.

"op donya Esmeralda. alam ko na po lahat ang gagawin ko. huwag po kayong mag-alala."

magalang kong sagot kahit pa man naiirita na'ko sa sobrang kakulitan ng matanda. nakilala ko si donya Esmeralda dahil sa kakilala kong isang mayordoma na namamasukan sa kanila. sinabi ng kakilala kong yun na naghahanap daw ang amo nito ng puwedeng magtrabaho dito. kaya naman agad akong nga-apply dahil sa kailangang-kailangan ko ng trabaho.

ngunit ganun na lamang ang gulat ko at dismaya nang sabihin nitong hindi daw bilang isang kasambahay ang kailangan nito, kundi kikidnapin ko daw ang apo niya. sa narinig kong yun ay bigla akong umayaw at sinabi ditong hindi ko matatangap ang ganung klase ng trabaho. ngunit nang sabihin niya sakin ang tumataginting na napakalaking halaga ng perang makakamit ko kapag pumayag ako. bukod pa dun sa kontratang pipirmahan namin ay biglang napapayag ako. wait lang? hindi dahil sa mukha akong pera okay? kailangang-kailangan ko lang talaga ng pera dahil sa sobrang kahirapan ng buhay naming magkapatid.

gusto ko rin naman sana ng matinong trabaho pero dahil sa katulad kong wala namang natapos kundi high school lang at napakahirap maghanap ng trabaho ang isang katulad ko. wala akong choice kundi tanggapin ang alok ng donyang ito. mabuti nga dumating sa buhay naming magkapatid si Donya Esmeralda dahil kung hindi naku! malamang nasa Beerhouse na'ko ngayon at alam na? kahit pa man ayoko!

maya-maya ay ibinigay sakin ng Donya ang litrato ng apo nitong si Adam.

maya-maya ay ibinigay sakin ng Donya ang litrato ng apo nitong si Adam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kidnapping The Hot BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon