THIS STORY IS UNEDITED BUT I WILL REVISE THIS SOON!!! WALA AKONG GINALAW NI ISA KAHIT SPELLING!! SO EXPECT WRONG GRAMMARS AND TYPOS!!
Kay Duke naman tayo. Haha!
***
Duke's POV:
BORINGGGG!
Yan ang definition ko ngayong araw. Pano ba naman?
Walang magawa.
Walang gimik.
Walang gadgets.
Walang chiks!Kinuha kasi ni Mama yung xbox ko tapos kinuha naman ni papa yung credit card ko. Buti nalang hindi kinuha yung kotse ko.
Alam ko na!
Pupunta nalang ako kanila Pete ngayun. Libre kain dun eh. Ang dami kaya pagkain don at ang bait din ni tita May. Si tita May pala yung mama nila Pete at Mary.
**
Habang nagdadrive ako papunta kila Pete. Dumaan muna akong Leona's para bumili ng cake. Masarap kasi ang cake sa Leona's.
"What's your order sir?" Sabi nung cashier. Chiks siya ah! Haha.
"Ahm? One carrot cake and one red velvet please, and oh your number too. *wink*" Haha nagblush naman si miss cashier. Pogi ko talaga hooo!
"Ang cute mo naman sir. Hihi. Here's your carrot cake and red velvet pala sir." Pacute niyang sabi sakin.
"Thankyou miss pretty *wink*" tsk! Nagblush na naman. Makaalis na nga.
**
"Tao po? Tita, Pete!"
"Sandali lang!"
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito ugok?" Magandang bati sa akin ni Mary.
"Wow. Goodafternoon din Mary. Hindi mo ba ako papapasukin?" Sarcastic kong sagot sa kanya.
"Tss."
**
Mary's POV:
Ang sarap ng dalang cake ni Duke ah? Infairness.
"Bakit ka pala andito?" Tanong ko sakanya. Baka kasi makikikain naman yan dito. Eh may pagkain naman sila sa kanila. Mas mayaman pa nga yan samen eh.
"Boring kasi sa bahay." Tipid nyang sagot. Nako sinabi nya pang boring eh ang totoo naman ay 'walang chiks this week'. Yan, yan ang totoong rason.
"Ang sabihin mo 'wala kasing chiks ngayung week eh huhu' yan yung sabihin mo hindi yung naboboring ka."
"Oo na, oo na. Ikaw na tama."
Naks! Ang galing ko talagang manghula mwahaha."Salamat pala sa cake ah? Ang sarap. San mo pala to binili?" Tanong ko. Ang sarap kasi nung cake eh. Gusto ko din bumuli sa binilhan niya.
"Ah yan? Dun sa babaeng manlilimos kanina. Naawa kasi ako kaya binili ko nalang. Wag kang magalala malinis DAW yan sabi NIYA. *evil smile*"
Habang sarap na sarap ako sa pagsusubo nitong cake. Para akong nabulunan sa nadinig ko. PUTANGINA MO PO DUKE GOMEZ!
"Ang laki mong puta! Pakyu ka sagad Duke Gomez! Tangina mo po!" HUAHUAHUA.
Pano kung may germs pala to nung manlilimos na binilhan niya? Huhu kayo napo bahala sakin lord. Sorry nalang talaga sa mga nagawan ko ng kasalanan. Mukhang mamamatay naman ako ngayon dala ng germs na nasa cake huhu. Kaya dali dali ko itong niluwa."JOKE!" sigaw niya.
Kaya dali dali ko siyang pinaghahampas, pinagsisipa, pinagsusuntok at kung ano ano pang mga abuse.
"Mama! Papa! Tama na Mary! Aww! Fuck! Tama na! Tita May si Mary po oh! Ahh! Pete pare!" Sigaw lang siya ng sigaw. Tama lang yan sakanya. Hindi maganda ang prank na yun noh. Lalo nat pagkain paman din yun.
"Umuwi kana sa inyo! Hayop ka wag kanang babalik dito! Alis! Alis!" Pagpapaalis ko sakanya.
"Oo na. Aalis na." Paalam niya.
Hmmp! Buti di lang yun ang dinanas niya. Kapag talaga nagtagal yun hindi na siguro yun makakauwi ng buhay! Jk! Hindi naman ako ganon kasama noh! Makatulog na nga lang.
***
Haha! Yan kasi.
YOU ARE READING
The Murderer Me
Horror(UNDER REVISION) I wake up in the morning with my hands covered with blood and corpse around me. [Crdts: Pinterest]