8

5 0 0
                                    



THIS STORY IS UNEDITED BUT I WILL REVISE THIS SOON!!! WALA AKONG GINALAW NI ISA KAHIT SPELLING!! SO EXPECT WRONG GRAMMARS AND TYPOS!!


Mary's POV:

Papasok na sana ako sa main gate ng Crestmoon High, (oh diba? Crest pa, moon pa!) Ng bigla akong harangin ng guard. Teka? Ngayun ko lang siya nakita ah? Baka bagong guard na naman to.

"Teka miss, No ID No Entry na ngayon." Mayabang na sabi ni kuyang guard a.k.a 'kuya kalbs' kasi mukhang na 'kaingin' yung buhok niya. Alam niyo yung kaingin? Yung sinusunog ang mga kahoy. Haha! Panot kasi!

"Sorry kuya kalbs. Naiwan ko yung I.D. ko sa bahay namin eh. *kamot ulo*" sagot ko sa kaniya. Sana maniwala siya dahil totoo naman yung sinasabi ko. Pramis!

"Naiwan mo pa talaga? Sorry miss, hindi na ako maloloko diyan. Been there done that. At teka nga? Bakit kuya kalbs?" Taray ni kuyang kalbs ah? May pa 'been there done that my ass' pa siya.

"Hehe! Peace po boss betlogsxcz *sabay jeje pose* este kuya kalbs. At pramis po. Naiwan ko po talaga yung I.D. ko. Cross my heart! Mamatay ka pa! * habang tinataas ang kaliwang kamay*"

Bakit ba ayaw niyang maniwala? Eh sa totoo naman yung rason ko eh.

"Sige na po kuya kalbs. Late na po ako sa klase ko. Pramis po bukas dadalhin ko na I.D. ko tapos bibigyan pa kita ng home made cookies ni mommy tapos lalagyan ko po ng lason para mamatey na po kayo. Joke!" Sabay takbo at nilampasan siya. Pheww! Pagod nun ah!

"Oy Mary! Bakit para kang hinabol ng baboy ramo sa sobrang bilis mong tumakbo?" Pangbungad sakin ni Thea.

"Eh sa hinarang pa ako ni kuya kalbs eh." Sabi ko kay Thea habang naghahabol ng hininga.

"Hahaha! Tae. Ako nga rin eh. Buti nalang dala ko yung ID ko. At teka nga bakit kuya kalbs? Dahil ba kalbo siya o panot?" Natatawang sabi sakin ni Thea.

"Baliw." Sabi ko sakanya.

"Hahahaha!"

Ayun ang bruha tumawa. Hayy! Punta nalang akong canteen. Gutom na ko eh.

**

"Aray naman!" Ilang beses naba akong nabangga ngayun at ang worst part is hagalpak yung pwet ko.

"Tss. Clumsy." Sabi nung nakabangga sakin. Sabay talikod at naglakad.

Binato ko siya ng sapatos ko. Yessss! headshot! Bwahaha!

"Hoy kuya! Di ka man lang ba magsosorry? At tinawag mo pa talaga akong clumsy ah!"
Sigaw ko sa kanya. Pinagtitinginan na nga kami dito sa canteen. At pagharap niya parang kumulo yung dugo ko.

"Ikaw na naman? Dalawa na atraso mo sakin ah!?"

"What do I care?" Bored niyang sabi. Eh loko pala to eh?!

"Chechewarawarahu!" Sabi ko sabay alis. Hmmp! Nakakabanas ng bangs! Ay wala pala akong bangs, HAHAHA!

***

The Murderer MeWhere stories live. Discover now