His Family

89 48 10
                                    

Hindi agad ako nakatulog kagabi, iniisip ko parin kasi yung pagpunta ko sakanila ngayon. Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko, masaya at the same time kinakabahan ako. Mukha pa akong bangag ngayon dahil sa puyat.

Tinignan ko yung phone ko dahil alam kong may magtetext sakin, si Ian na laging may morning text message sakin. Hindi naman ako nagkamali dahil meron nga.

Ian♡

Goodmorning prinsesa ko, kumain ka bago umalis ng bahay ha? Please be safe. Iloveyouuuuuu<3
#gwapoko

Oh ano kayo ngayon? Sweet ng boyfriend ko diba? Medyo "GGSS" nga lang, gwapong-gwapo sa sarili. Anyway, kahit hindi na niya i-hashtag, alam ko namang gwapo talaga siya-sa paningin ko. Nagreply naman ako kaagad dahil baka magtampo pa.

Goodmorning din Prinsipe ko. Opo kakain po, ikaw din take care. Iloveyoutoooo<3 Oo na po gwapo kana.

Then sinend ko na sakanya. Kahit nung hindi pa kami, yung unang ginagawa namin paggising sa umaga ay yung magmessage sa isa't isa. Gusto namin na, ang isa't isa ang unang makakausap namin sa umaga at huling makakausap bago matulog.

Bumangon na ako atsaka tumungo sa banyo para maligo na. Habang naliligo, hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang mangyayare mamaya.

"Lizzy, hindi kapa ba tapos? I need to pee" Ay wow, nage-english stepmother ko. Broken Family kami kaya may stepmom ako obviously. Dito kasi ako nakatira sakanila ni papa, dahil si papa yung nagpapaaral sakin.

"Saglit lang po" sabi ko tska na pinagpatuloy yung ginagawa ko hanggang sa matapos ako, lumabas naman ako agad .

"Anong oras ba pasok mo ngayon?" Bungad niya sakin. Actually wala akong pasok ngayon, sa ibang lugar po ako pupunta hehe

"9 po" sabi ko tska na dumiretso ng kwarto para mag-ayos. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay natapos na din ako. Maganda naman na talaga ako kaya, hindi na kailangang maglagay ng kung anu-ano sa mukha.

Kumain narin muna ako ng almusal bago umalis.
"Alis na po ako" sabi ko sa kung sino man ang makarinig.

"Ingat ka Lizzy" sabi ng stepmom ko. Hindi nalang ako sumagot atsaka na lumabas ng bahay. Naglakad ako papuntang sakayan, buti nalang may nag-aantay na din doong ibang estudyante, kaya may makakasabay ako sa pagsakay.

Hindi naman ako nag-antay ng matagal, dahil may dumaan agad na bus. Sumakay na ako atsaka umupo sa upuan na pinakamalapit sa pinto, para di ako mahirapan sa pagbaba.

Habang papalapit ako sa lugar na napag-usapan namin ni Ian. Mas lalong tumitindi yung kaba ko. Parang any moment lang ay lalabas na yung puso ko sa dibdib ko. Hanggang sa makarating na nga ako sa coffee shop. Bumaba agad ako, atsaka naglakad papalapit sa pinto ng CF, alangan namang mag-antay ako ng magbubuhat sakin para lang makalapit dun diba? hehez corny.

Hindi ko pa nabubuksan yung pinto, nakita ko si Ian na tumayo at naglakad papunta sakin, kaya hindi na ako pumasok at nag-antay nalang sakanya. Transparent naman kasi yung pinto kaya kitang kita ko siya.

"Tara na?" Aya niya, nagpunta siya dito para lang sunduin ako, dahil hindi ko naman alam kung saang lupalop ng mundo ko makikita yung bahay nila.

Tumango naman ako sakanya, tska niya hinawakan yung kamay ko habang naglalakad kami. HHWW ang peg naming dalawa ngayon. Yay!

Sumakay kami ng jeep dahil wala kaming kotse. Kung napansin niyo, hindi kami katulad ng nasa ibang love story na mga rich kid. Yung kapag may pupuntahan yung mga bida nila, nakakotse pa. Hindi kami mayaman at hindi rin naman mahirap. Kumbaga nasa bandang gitna lang yung antas ng pamumuhay namin.

The Story of Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon