After 4 years...
"Congrats baby, I'm so proud of you!" Bati sakin ni Ian. Finally, natapos ko narin yung limang taong paghihirap ko sa kursong Engineering. Samantalang si Ian naman last year pa gumraduate sa kursong Bussiness Administration.
"Thank you baby" sabi ko sabay yakap namin sa isa't isa. Ang saya ko dahil nandito ang pamilya ko at ang lalaking pinakamamahal ko para suportahan ako ngayon sa pagtatapos ko.
"Congrats anak/ate" sabay sabay na bati ng pamilya ko sakin, kaya naman niyakap ko sila ng isa isa.
Mas naging masaya kami ni Ian ngayon, dahil wala ng humahadlang sa love story namin. Malapit narin naming maabot ang mga pangarap namin sa buhay. Kasama na dito ang magkaroon kami ng isang masayang pamilya.
Pagkatapos kong kausapin ang pamilya at kakilala ko, lumingon ako kay Ian na pinapanood lang kami sa likuran ko.
Nagulat ako ng biglang may nag-abot sakin ng isang boquet ng pulang rosas. Kinuha ko naman ito, at saka inamoy ang mga bulaklak. Hinanap ng mga mata ko ang lalaking siguradong nagpabigay nito, subalit hindi ko siya makita.
"Nakita niyo ba si Ian Ma?" Tanong ko kay mama, kasabay nito ang pagtugtog ng isang awitin na nakapagpatahimik sa lahat ng tao dito sa Auditorium.
"You would always ask
me those words I say,And telling me what
it means to me.Every single day,
you always act this way.For how many times I told you
I love you for this is all I know"Awit ng isang lalaking naging dahilan para mas maging matatag ako. Ang lalaking laging nagpapakilig at nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Naglakad siya papalapit sakin, kasabay ng mahinang tili ng mga taong nakapaligid samin. Animo'y kinikilig sa nasasaksihan.
"Come to me and hold me,
And you will seeThe love I give
For you still hold the key.Every single day, you always act this way.
For how many times I told you
I love you for this is all I know."Hindi ako makapaniwala dahil yung lalaking mahiyain at never pang kumanta sa harap ng maraming tao.. ay nandito ngayon para surpresahin ako. Wala akong pake kahit na hindi maganda yung boses niya, atleast sinubukan niya parin para lang ako ay mapasaya.
Nang makalapit siya kinatatayuan ko, hinawakan niya yung kamay ko at inabot sakin yung stuff toy na pinaghirapan kong kunin sa claw machine, 4 years ago. Tuwang-tuwa ko naman itong kinuha mula sa kanya pero speechless parin ako.
Kaya pala hindi ko siya nakuha noon kahit na pinagsikapan ko pa, dahil may magbibigay pala sa'kin nito ng kusa ngayon. He is just laughing at my back before, pero ngayon siya na mismo ang nagbigay sakin ng bagay na ninanais ko.
"I'll never go far away from you,
Even the sky will tell you that I need you so,
For this is all I know,
I'll never go far away from youI'll never go far away from you,
Even the sky will tell you that I need you so
For this is all I know,
I'll never go far away from you."Pagkatapos niyang kumanta, nagulat ako dahil bigla nalang siyang lumuhod sa harap ko. Kahit hindi pa siya nagsasalita naluluha na yung mga mata ko dahil sa saya. Maging yung mga taong naging saksi sa araw na ito ay natutuwa at may kanya kanya ng hula sa kung anong susunod na mangyayari.
"Naalala mo ba yung pangako ko sa'yo na pagkatapos nating mag-aral ay papakasalan kita?" Tanong niya sakin habang nakaluhod parin. Mahina naman napatili ang ilan sa mga kamag-aral ko.
Tumango naman ako, habang pinipigilang mapaluha dahil sa galak.
"Marami ng sumubok sa relasyon na binuo nating dalawa, at sa bawat pagsubok na napagtatagumpayan natin ng magkasama, lalo tayong nagiging mas matatag. Naging mas responsable at nagkaroon ng silbi yung buhay ko ng dahil sayo. You never leave my side, you are always there para maging liwanag ko sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa. I am so blessed because I have you in my life. Tanga nalang ako kung papakawalan pa kita. Hindi ko ma-imagine kung anong klaseng buhay meron ako kapag nawala ka pa sakin. Kaya ngayon, gusto kong tuparin yung mga pangako ko sayo at yung mga pangarap nating dalawa"
Tuluyan ng tumulo ang luha mula sa mata ko dahil sa sayang nararamdaman ko sa pagkakataong 'to. Kanina ko pa gustong sumagot ng 'Yes' kahit na hindi pa siya nagtatanong, pero ayoko namang sirain yung moment niya dahil lang sa atat akong maging fiance niya.
"Lizzy, Baby, My Forever Queen and Love of my Life..will you marry me?"
"Y-yes!" Masayang sagot ko sakanya kaya tumayo naman siya at saka ako hinalikan at niyakap. Kasabay nito ang malakas na hiyawan ng mga tao dito sa Auditorium.
Hinila niya ako palabas ng Auditorium at saka ako dinala sa garden na halatang inayos 'din. There's a mini table na may nakalagay na pagkain at drinks. I think magkakaroon kami ng date ngayon dito sa garden na 'to.
Hindi ko inexpect na magiging ganito kasaya ang araw na 'to. Kung dati ay napapanood ko lang ang mga ganitong pangyayare sa TV, ngayon ako na mismo yung nakakaranas. That is because of Ian, the love of my life.
"Thank you baby for this wonderful day!" Sabi ko sakanya at saka siya muli niyakap.
"A queen like you.. deserve this. So pinaghandaan ko talaga yung araw na 'to, I love you future wife" he never fails to make me feel so special.
"I promise to love you more than anyone can do, future husband" sagot ko naman sakanya. He pulled me closer as he grab my lips and we shared a deep, passionate kiss for a few seconds.
Pagkatapos no'n ay sumigaw siya ng pagkalakas lakas.
"I LOVE YOU LIZZY!"
"I LOVE YOU MORE IAN!"
We shouted at the top of our lungs. Animo'y hindi iniintindi ang mga taong maaring makarinig sa'min. We just enjoyed the day and cherish all the moments together.
--
BINABASA MO ANG
The Story of Us [Completed]
RomanceTheir Love Story was unexpected. Full of trials. How can they surpass it? Magagawa ba nilang maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na pagdadaanan nila hanggang sa huli? --- FICTION/ShortStory Copyright© gorgeousancestor, 2017