Long Wait is Over

103 45 9
                                    


Sa halos 6 months na paghihintay, finally magkikita na kami ulit. I'm going back to my father's place.

Nung sinabi ko kay Ian na babalik na ako, alam kong sobrang saya niya. Sinabi pa nga niyang susunduin niya ako sa MOA. I'm so glad, dahil sobrang excited talaga siya na makita ako. Pati rin naman ako excited na makita siya.

Agad ko ng inayos yung mga gamit na dadalhin ko, at saka na nagpaalam kay mama. Sa kabila ng excitement na nararamdaman ko, nalulungkot din ako dahil iiwan ko nanaman si mama.

"Ma, wag kanamang malungkot. Para namang hindi mo na ako makikita ulit eh" sabi ko kay mama. Alam kong ayaw niya na bumalik pa ako don. Syempre dahil makakasama ko doon yung pinalit sa kanya ni papa.

Kahit na madami akong ibang nanay na makasama, she will always be the best mama for me. No one can replace her, here in my heart.

"Mag-ingat ka ha? Magtext ka sakin pagkarating mo doon" paalala sakin ni mama, kaya niyakap ko naman siya. Hindi ako ganun kalambing dati sa mga magulang ko, pero simula nung napalayo ako sa kanya ng mahigit isang taon, narealize ko na dapat lang na maging malambing ako sakanya.

Hinatid na ako ni mama sa sakayan at saka na din siya umuwi. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. How I wish na parehas ko nalang sana silang makasama.

--

Nang makarating ako sa MOA, hinanap ko na agad si Ian dahil kanina pa siya naghihintay sakin. Tinawagan ko nalang siya para mas mabilis ko siyang mahanap.

Nakailang tawag na ako, hindi niya parin sinasagot. Saan na kaya yun? Tsk umupo lang muna ako sa isa sa mga bench dito, habang nag-aantay.

Ilang saglit lang nakita ko na siya habang hawak yung phone niya. Kaya tinawag ko kaagad siya.

"IAN" di ko siya tinawag na baby dahil ang lakas maka eskandalo non. Nakita naman niya ako agad kaya lumapit siya sa akin.

Niyakap ko siya kaagad nang makalapit na siya, dahil sa sobrang pagkamiss ko sakanya.

"Namiss kita baby" bulong niya sakin habang nakayakap parin. Napangiti naman ako, dahil namiss ko din yung boses niya.

"Namiss din kita baby" sagot ko naman sakanya kaya lalong humigpit yung yakapan namin. We obviously don't care kahit na marami nang nakakakita samin. We miss each other so much.

Nang kumalas na kami sa yakap, agad na kumapit ako sa braso niya. Mahirap na, baka biglang tumakbo.

"Bakit lalong gumwapo ka ata baby?" Tanong ko sakanya sabay ngiti. Ang gwapo gwapo niya kasi, tapos ang bango bango pa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na amuyin at titigan siya.

"Syempre naman baby" kahit kailan talaga napaka ggss nito. Hindi man lang nagpahumble. Hindi rin naman kami nagbago, kahit na sobrang tagal naming hindi nagkita, sobrang sweet parin namin sa isa't isa.

Bago kami sumakay ulit ng bus, bumili muna kami ng pagkain, dahil gutom na kaming dalawa. Habang naglalakad hindi ko maiwasang mapatitig ng bigla sakanya.

Nagustuhan ba talaga ako ng lalaking 'to? Seryoso? Grabe ang swerte ko pala. Napakagwapo na nga niya, ang bango bango pa. Ay, inulit!

--

Hindi ko alam kung malaki na ba talaga yung pisngi ko, o talagang trip niya lang akong kurutin. Kanina pa kasi siya pisil ng pisil sa mukha ko, simula nung makasakay kami ng bus.

"Ehh, hayaan mo na akong pisilin pisngi mo" para siyang batang nagmamaktol para lang maipilit yung gusto niya. Hindi naman mataba yung pisngi ko eh.

"Eh masakit na kasi pisngi ko" sabi ko sakanya, kaya bigla naman siyang nalungkot "Fine, oh ayan pisilin mo na, ang kulit mo eh" napangiti naman siya ulit. Napaka-isip bata niya talaga. Pagkatapos non ay sumandal siya sa balikat ko.

"Salamat at nakasama na ulit kita baby. Lord knows how much I miss you" sabi niya sakin. Alam na alam niya talaga kung paano ako pakiligin.

"Sus, mas namiss kita baby" sagot ko naman sakanya kaya agad niya naman akong pinupog ng halik sa pisngi "I love you! I love you! I love you!" Napapangiti nalang ako dahil sa kasweetan ng baby ko.

"I love you more." Sagot ko naman kaya tumigil na siya, sa paghalik sakin. Biglang naging seryoso yung mga tingin niya sakin.

"Bakit?"

"Baka nanlalake ka dun sa inyo ha?"aniya, pinisil ko naman yung pisngi niya, kung anu-ano ba naman kasi yung sinasabi.

"Wala baby, ikaw lang lalake ko no" sagot ko naman at mukhang naniwala naman siya. Dapat lang no, yun naman kasi ang totoo.

"Akala ko nga hindi tayo magtatagal eh, kasi sa anim na buwan na naging tayo, hindi man lang tayo nagkasama" seryosong saad ko habang nakatingin sakanya.

"Alam mo-kahit gaano pa katagal tayo paglayuin ng tadhana, hinding hindi kita iiwan, mag aantay lang ako sayo hanggang sa bumalik ka" sobrang saya ko dahil nasasabi niya yung mga ganyang bagay. Kahit walang kasiguraduhan, atleast kahit papaano meron akong mga pinanghahawakan.

"Bakit ba ang sweet mo ngayon?"

"Ngayon lang ba baby?"

"Fine, lagi na"

Buong byahe lang kaming naglalambingan at nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay bagay dahil sobrang namiss talaga namin ang isa't isa.

Napagdesisyonan naming dumaan muna ng McDo para mananghalian bago umuwi. Yung malapit lang sa tinitirhan namin, baka kasi magtaka sina papa kung bakit ang tagal kong makauwi.

Kaming dalawa na yung umorder, kesa pagtalunan pa naming dalawa. Pagtapos namin umorder, naghanap na agad kami ng mauupuan para makakain na.

"Alam mo yung commercial ng Mcdo? Diba naghiwalay yung magboyfriend dun?" Tanong ko sakanya, naisip ko kasi na baka pati kami maghiwalay.

"Naniwala kanaman?" Sungit niya po.

"Hindi, nagtatanong lang eh" sabi ko sakanya tsaka na kumain at hindi nalang siya pinansin.

"Hindi naman tayo maghihiwalay eh" banat niyang bigla, kaya napatingin ako sakanya.

"Dapat lang" sagot ko atsaka na kami kumain ulit. Hindi na siya gaanong naiilang ngayon sakin. Nakakakain na siya kahit nakatingin ako ,dati kasi hindi.

Pagkatapos namin kumain nakita ko siya niro-roll yung tissue niya.

"Kaya ko 'tong ishoot dyan sa tumbler mo" pagmamalaki niya. Basketball player kasi si Ian.

"Sus. Baka nga?"

"Pustahan pa tayo baby oh?"

"Sige" pagsang-ayon ko sakanya, napangisi naman siya sa pagpayag ko.

"Pag naishoot ko, kikiss ka sakin. Pag hindi, ako kikiss sayo" ano ba yan? Napaka galing naman ng pustahan na iyan.

"Pabor naman lahat sayo eh" sabi ko sakanya, napakaloko talaga ng lalaking 'to. Ayaw magpatalo.

"Ganyan talaga, pogi ako eh" inirapan ko nalang siya sa kayabangan niya "Ah! Isa pa nga?" Ano ba naman 'to? Umirap lang, pinapaulit pa.

"Ih, i-shoot mo na nga lang yan" sumang-ayon naman siya, kaya nilayo ko na yung tumbler sakanya.

Inantay ko lang na itira niya yung tissue at ayun, nai-shoot nga.

"A'right, where's my kiss baby" natawa nalang ako sa kakulitan ng baby ko.

Gaya ng napagkasunduan, kailangan ko siyang ikiss kapag nai-shoot niya. Tumayo ako para bigyan siya ng quick kiss sa pisngi, dahil hindi lang naman kaming dalawa yung nandito.

Ngiting-ngiti naman siya pagkatapos, maging ako ay napangiti narin, tingin ko kasi ang sweet naming tignan.

Pagkatapos naming magpahinga, napagdesisyonan naming umuwi na. Gusto sana niyang ihatid ako, pero tumanggi na agad ako. Malapit lang naman kasi yung uuwian ko, samantalang siya napakalayo pa. Pumayag din naman siya.

-

The Story of Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon