"O..M..G Lizzy! Ang ganda mo, siguradong luluwa ang mga mata ng groom mo kapag nakita ka
niya. Nakakainggit ka naman friend!" Ani Gracia na nanggugulo sa kwarto habang ako ay inaayusan. Kanina pa siya paulit-ulit kakapuri sa itsura ko ngayon. I am wearing an elegant sheer lace-up long sleeve backless wedding gown na binagayan pa ng silver bridal shoes.Pagkatapos ng maraming pagsubok at hirap na dinanas naming dalawa ni Ian, now is the day for us to settle down. Ito na yung araw na pinakahihintay naming dalawa.
"Darating din yung nakatadhana sa'yo Gracia. Just wait!" Sabi ko sakanya sabay ngiti.
"Ang daya mo kasi, hinanap mo agad si Mr. Lifetime" Pagmamaktol niya, napailing nalang ako habang natatawa dahil sa kalokohan niya. Hindi ko naman hinanap si Ian, kusa siyang dumating. Our love is really unexpected.
"Congrats Lizzy, ikakasal kana! Huy, ninang ako ah?" Untag sakin ni Kate na kakarating lang sabay upo sa may couch at nagparetouch sa isa sa mga make up artist na nandito.
"Ninang agad?" Natatawang tanong ko sakanya. Ngayon palang kami ikakasal nag-eexpect na kaagad sila ng baby.
"Eh bakit? Gagapangin ka din ni Ian pagkatapos ng kasal niyo no" pangloloko pa niya, kaya natawa naman ang iba pang mga kasama namin dito. Maliban sakin na hiyang-hiya na sa sinasabi nitong kaibigan ko.
"KATE! Pinagsasabi mo?" Nahihiyang saway ko sakanya. Bwisit kasi, masyadong private yung ganun.
"I'm just stating the fact ma' friend" sabi niya sabay ngiting pang-asar. Batuhin ko kaya 'to ng box ng make-up kit.
Inirapan ko lang siya kasabay ng pagdating ni mama.
"Ma!" Tawag ko sakanya. Ngumiti naman siya at saka lumapit sakin para mayakap ako.
"I'm so happy for you anak, you have grown into a fine lady. Ikakasal ka na—"
"After 9 months may apo kana tita." Sabat ni Kate.
"Kate! Moment ng mag-ina yan wag ka ngang sumabat" saway ni Gracia kaya tumahimik naman si Kate.
"Wag mo nalang intindihin si Kate Ma." Tumango naman si mama at saka ako nginitian.
"Hindi naman malayong mangyare yun anak. As long as inaalagaan ka ni Ian, then it's fine with me. Remember anak, nandito lang ako lagi para sayo. I love you." Aniya at saka ako hinalikan sa noo.
"Ang swerte ko naman sa inyo ma. Salamat po sa suporta. Tandaan niyo lang din ma.. na nandito lang ako, kami ni Ian para sa'yo. I love you too." Sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama.
Saglit siyang napasulyap sa relos na nasa kanang kamay niya bago magsalita. "Hindi ka ba tapos ayusan anak? Maganda ka na eh, baka malate ka pa sa kasal niyo."
Tumango naman ako at saka na tumayo para ayusin ang sarili ko. Ayoko namang ma-late sa napaka importanteng araw ng buhay ko.
Lumabas nakami ng hotel para puntahan yung sasakyan na gagamitin ko papunta sa church. Nakita ko namang nandoon si papa habang naghihintay sa amin.
Hindi man nagkabalikan si mama at papa, nagkasundo naman sila na.. silang dalawa ang maghahatid sakin sa magiging kabiyak ko. They are happy with their separate lives, kaya tinapos na nila ang kung ano mang issue na meron sila noon.
"Napakaganda mo ngayon anak." Bungad samin ni papa at saka ako niyakap.
"Ngayon lang Pa?" Pabirong tanong ko sakanya kaya natawa naman siya.
BINABASA MO ANG
The Story of Us [Completed]
RomansaTheir Love Story was unexpected. Full of trials. How can they surpass it? Magagawa ba nilang maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na pagdadaanan nila hanggang sa huli? --- FICTION/ShortStory Copyright© gorgeousancestor, 2017