Wedding #6: Islander Mariano

152 5 0
                                    

Author's Note: This a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

Copyright © xxColdAsYou, 2014

All rights reserved.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raegan's POV

"Anong agenda mo dito?" diretsuhang tanong ko kay Clarity.

Kahinahinala kasi 'tong pag-aaya niya. Kung sina Demi at Emiko hindi napansin, pwes, ako napasin ko.

Body conscious kasi 'tong babaeng 'to at wala sa bokabularyo niya ang 'restaurant' kaya nakakapagtakang nag-aya siya sa ganitong lugar.

"What do you mean?" pa-inosenteng tanong nito.

Kung hindi ko lang kilala 'to, maniniwala akong hindi niya talaga alam pinagsasasabi ko.

Pero psh, si Clarity 'to, best actress of the year.

"Alam kong alam mo ibig kong sabihin." sambit ko na ikinangisi niya ng mahuling may pakay siya dito.

"Nabalitaan kong gwapo yung owner kaya chinecheck ko." sagot nito. Psh, boy craze. "Pero galing huh, pano mo nalamang may pakay ako?"

"Clary, hindi ako inosente na hindi pag-iisipan ng kahinahinala ang kapwa tulad ni Emiko. At lalong, hindi ako tulad ni Demi na aanga-anga." sagot ko na nakakuha ng atensyon nung dalawa, na nagkwekwentuhan ng kung ano-ano habang nakain.

"Ang mean mo, Raegan. Hindi naman ako ganun eh." depensa ni Emiko.

"Sorry, Ems. Truth hurts" sambit ko na kinatawa ni Clarity.

"Itong babaeng 'to! Kaibigan ka ba talaga namin?" -Demi

"Kung hindi, satingin niyo sasabihin ko ang di totoo?"

"Pero hindi naman ako inosente/aanga-anga!" sabay na depensa nung dalawa na mas nagpatawa kay Clarity, na enjoy ang pagtatalo namin.

"Lokohin niyo lelang niyo." 

Babanat pa sana silang dalawa nang may humintong mukhang model na lalaki sa table namin, na may brunette na buhok at chocolate brown eyes, na nagpatahimik sa tatlo kong kasama.

"Ikaw?" gulat na sambit nung lalaki habang nakatingin sa akin.

Binigyan ako ng nagtatakang tingin nung tatlo na binalik ko sa lalaki.

"Uh? Sino ka?" naguguluhang tanong ko.

Hell, hindi ko siya kilala.

Ngumiti yung lalaki at nagningning ang mga mata nito na akala mo nakahanap ng kayamanan.

Hay naku, gwapo nga lakas naman ng topak.

"Uhm.. mawalang galang na kuya, pero kung tatanga ka lang diyan at ngingiting parang baliw makakaalis kana--aray!" maayos na taboy ko na nakakuha ng tatlong sipa sa ilalim ng table sa tatlong babaeng kasama ko. "Problema niyo?" inis na tanong ko habang hinihimas ang binti ko pero nilakihan lang nila ako ng mata na parang wina-warningan.

Well, si Clarity dahil gwapo yung lalaki habang yung dalawa dahil sa manners ko.

Sinamaan ko sila ng tingin. Mga walang hiya, ang sakit kaya nun.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon