Wedding #8:The Chancellor

122 3 0
                                    

Author's Note: This a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

Copyright © xxColdAsYou, 2014

All rights reserved.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raegan's POV

"Anak ng tipaklong, Demetria! Bilisan mo pang tumakbo diyan, wag kang pagong!" sigaw ko sa lamang lupang babae sa likuran ko na ang kupad tumakbo.

Late na kami sa welcome ceremony dahil ang layo ng building namin dun at nasa rooftop pa kami.

At bakit ako aligaga? Ma-dedetention lang naman kami pag napansing wala kami dun at masisira ang record ko bilang dean's lister.

"Takte, ito na pinakamabilis kong takbo! Wag kang demanding, hindi mo ko tulad na kabayo!" hingal na pangangatwiran nito at sinubukang bilisan ang takbo, pero bumalik lang sa dating bilis.

"Aba, hindi ko kasalanan puro ka tulog at higa. Hindi ka kasi mag-exercise para mawala yang mga taba mo sa katawan!" point out ko na kina ismid niya.

"Hoy, sexy kaya ako!"

"San banda, Dems? Hindi ko makita."

"Sa lahat, Raegan. Bulag ka ba?"

"Hindi. Ikaw Dems, bulag ka ba?"

"Ay, ewan!!" inis na sigaw nito at nanahimik na.

Good. Karindi eh.

---

"Ge, kita na lang tayo ng vacant at lunch." paalam ni Demi pagkarating ng auditorium na kinatango ko. At naghiwalay na kami ng landas.

Ako, sa psychology classmates ko na nasa kanang banda. At siya, sa music classmates niya na nasa kaliwang banda nakaupo.

"Ui Raegan, bat ngayon ka lang?" bungad na tanong ni Sheryl Marquez, classmate ko at ang kaisa-isa kong close sa psychology department ng batch namin, pagkaupo ko sa tabi niya.

"Nasa tambayan kami ni Demi nung nag-announce. Alam mo namang ang layo ng building natin dito sa auditorium." sagot ko.

"Buti na lang nakahabol kayo."

"Buti nga." agree ko sakanya. "Tapos na ba checking ng attendance?"

"Hindi pa, nasa G palang." sagot niya na kinatango ko.

Salamat naman.

"Kyaaah!!" biglang sigaw ng mga malalanding kababaihan at bakla dito sa auditorium.

Napatingin kami sa harap. Pero partida, hindi ko makita. Nakalimutan ko pa lang isuot contacts ko.

"Kyaaah!" pakikisama sa pag fa-fangirl ni Sheryl.

Anong meron?

"Ui, anong nangyayari? Sino yun?" tanong ko habang pilit inaaninag yung form ng lalaki sa harap na may hawak na gitara.

"Si Brick Enomoto ng music department!" kinikilig na sagot ni Sheryl with hampas-hampas effect pa sakin. Wow ha, di masakit. "Kyaaah! Ang cute niya talaga! Talented pa!"

Napakunot noo ako. Sino yun? Bakit parang ngayon ko lang siya narinig?

"Ui, bat di ka kinikilig diyan?" -Sheryl

"Bakit sikat ba siya?" -Ako

Biglang nanlaki mata nito sa gulat. "Saang lupalop ka ng school nagtago, Raegan?" exaggerated na reaksyon nito.

"Ah? Hindi kita gets." naguguluhang sagot ko.

Ano bang big deal?

"Jusko Raegan, si Enomoto-san ay isa sa Exquisite na grupo ng limang pinaka gwapo at mayamang hearthrob ng school. Siya rin ang lead vocalist ng Corrupted na sikat na banda dito at sa iba pang mga universities." explain nito.

Aahhh.. "Ok?"

"Pero sana, pati si Yeriel andito."

Huh? Sino na naman yun?

Mukhang nabasa nito ang expression ko na nakakuha na naman ng exaggerated na reaksyon sakanya, "Yung totoo, Raegan? Taong bundok ka ba?"

"Hindi, taong gubat." inis na pamimilosopo ko. Kabwiset na kaOA-yan niya eh. "Kabadtrip na She, kung sinagot mo na lang ako?"

Napanguso naman 'to. "Ang mean mo talaga. Pano kita ulit naging kaibigan?"

"Bat hindi mo tanong sa sarili mo?"

"Ewan ko sayo, Raegan."

"Ewan ko rin sayo, She. Kaya sumagot ka na diyan bago ako mas mabadtrip sayo."

"Well," umpisa nito at dreamy na napangiti. "Si Yeriel Peigne Cortez, isa rin siya sa Exquisite at ang pinaka popular na singer/songwriter sa showbiz ngayon."

Sus, yun lang pala.

"Thank you." rinig naming papasalamat nung Brick na kakatapos lang kumanta, na nakatanggap ng malakas na palakpakan at may kasama pang sigawan sa mga estudyante.

Pagsikat ka nga naman.

"Wah! Tapos na?" gulat na bulalas ni Sheryl at tumingin ng masama sa akin. "Kasalanan mo 'to eh, kundi mo ko dinaldal!" sisi nito sakin na kinakibit-balikat ko lang. Aba, sumasagot siya eh. "Wah!!" iyak nito at pinaghahampas ako sa balikat.

Sadistang babae.

"Aray ah! Feeling mo naman di masakit? Ang bigat kaya ng kamay mo." daing ko habang hinihimas balikat ko. Sakit.

"Thank you for the wonderful performance, Enomoto-san." pasasalamat ng isa sa dalawang emcee, ang student council Vice President.

"Well moving on, let's welcome our new university chancellor." umpisa ng kasamang emcee ni Vice President, ang student council President, na nakakuha ng palakpakan."He's the well known son of Mrs. Dallen Reese, the founder and former chancellor of Reecillus University, who graduated last year in B.S Business Management as the suma cumlaude. He's also part of the group Exquisite and the last year student council president. So ladies and gentlemen, let's give around of applause to Mr. Kendall Reese!" introduce ni Pres. na nakakuha ng masigabong palakpakan at umaalingawngaw na tilian sa mga babae at binabae na nandirito sa auditorium habang gulat na expression sa akin.

What the heck!? Reese? Mga Reese ang may ari ng university?

"Thank you for the warm welcome." monotone na umpisa nung bagong chancellor na kinatahimik at kalma na nang lahat. "I hope, you all enjoy your stay and semester here. Blah blah blah blah blah blah.."

Hindi na ako nakinig sa speech nung Kendall Reese, na familiar ang boses, bagkus nagpapanic na lumingon ako kay Sheryl. "She, peram ng salamin dali!" pakiusap ko sabay lahad ng palad ko sakanya.

Reese.. Reese.. masama 'to!

Agad naman tinanggal ni Sheryl, na mukhang natunugan panic ko, ang salamin niya at binigay sakin.

Sinuot ko yung salamin at napanganga sa nakitang lalaki sa harapan, a.k.a ang bagong chancellor, a.k.a..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Impaktong Shrek!?"

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon