Wedding #7: Reecillus University

151 4 0
                                    

Author's Note: This a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

Copyright © xxColdAsYou, 2014

All rights reserved.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raegan's POV

"Demetria D'Angelo, umayos ka nga at lumakad ng matino!" utos ko sa nasa zombie state kong hampaslupang bestfriend, habang patuloy 'tong kinakaladkad papuntang office para kunin ang schedule ko. Tapos na namin kasi kunin yung sakanya.

"Waah! Ayokong pang pumasok! Bakit kailangan matapos agad ang sembreak?" ngulngol nito na mas nagpaparindi sakin.

Natapos na kasi ang sembreak at start na ngayon ng 2nd semester namin.

At bakit kasi sa ibang school pa pumapasok sina Emiko at Clarity? Edi sana, hindi ako mag-isang namrumublema sa saltik na babaeng 'to.

"Lintek, Demi! Isa pang angal diyan, susupalpalin na kita!" inis na banta ko dito na kinanguso niya.

"Eh, kasi naman.."

"Kasi ano? Kabwiset lang Dems, kung tinatamad ka lang din naman sana nag-stop ka na lang. Hindi yung sinasayang mo yung pinaghirapang pera ng magulang mo." pangaral ko dito na nagpatahimik na ng tuluyan sakanya.

Nagpatuloy akong maglakad at kaladkarin si Demi hanggang marating namin ang Dean's Office ng Psychology Department.

"Raegan Kane Mercado." sabi ko dun sa secretary ng dean namin na nagbibigay ng schedules for 2nd semester.

"Here." sabay abot ng isang pirasong papel kung saan nakalagay ang klase namin.

"Thank you." at saka kami umalis.

"San tayo?" tanong ni Demi.

"Tambayan."

"Ge."

---

"Waah! Ang hangin talaga dito!" masayang sambit ni Demi sabay open arms nito at pikit para mas madama ang simoy ng hangin.

Andito kami ngayon sa tambayan, ang rooftop ng building kung saan kabilang ang course namin.

Lumapit ako sa dulo ng roof top at kumapit sa railings.

"Wala pa rin pagbabago." bulong ko sa sarili habang patuloy pinagmamasdan ang campus.

Maganda at malaki ang Reecillus University. Style private japanese school ito with touch of american. Puro mayayaman rin ang mga nag-aaral dito. Bilang mo nga lang ang mga commoner kung saan kumuha lamang ng scholarship para makapag-aral sa unibersidad na 'to. At sa grupong 'to ako nabibilang. Isang commoner, isang scholar bago pa man kami kupkupin ni Nicholas.

"Raegan.."

Napalingon ako kay Demi na ngayo'y nakatingin ng seryoso sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko. "At anong pagmumukha yan? Wag kang trying hard magseryoso, hindi mo bagay." biro ko para ilighten ang mood.

Hindi kasi ako sanay sa seryosong Demi dahil once in a blue moon lang yun sumasapit.

"Wag mong ibahin ang usapan. At umamin ka nga, may problema ka ba?" seryosong tanong nito dahilan para maging seryoso na rin ako.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon