Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

TDHU 3: Confused

286K 8.4K 1.1K
                                    

TDHU 3: Confused

DEVI PARKER

"New face. New student?" tanong nito. Tumango-tango lang ako.

Kinuha niya ang sabon at ikinuskos sa kamay. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko at kumuha rin ako ng sabon at ginaya siya. Sadyang naprapraning lang talaga ako at binabantayan ang bawat kilos niya dahil baka bigla siyang humugot ng kutsilyo at saksakin ako.

"Hindi ko alam na tumatanggap pa pala ang university ng mga bagong estudyante sa kalagitnaan ng semester. As far as I know, after the school year, saka lang ulit nagkakaroon ng mga bagong mukha." Tiningnan niya ako na parang nagtataka. "So, tell me, pa'no ka nakapasok?" Kunot-noong tanong nito.

Napakunot din ako ng noo. Anong klaseng tanong 'yan? Don't tell me hindi niya alam kung paano siya nakapasok dito? Nag-Google Maps lang naman ako at nag-search about sa university kaya alam ko kung paano magpunta rito. Nagka-problema nga lang nang mawalan ako ng signal.

"Hindi ko alam kung paano, basta ang natatandaan ko, may maliit na pintong bumukas at doon ako dumaan," sagot ko at hindi na sinabi pa kung paano ko nahanap ang university. Lahat naman kasi ng mga tanong mahahanap at masasagot sa Google kaso kung hindi mo naisip 'yon, hindi mo talaga malalaman kung paano makararating dito.

"Really? Then, alam mo kung pa'no makalalabas sa impiyernong 'to," saad niya matapos maghugas at ipinunas lang ang kamay sa shorts.

"Hindi. Matapos kong makapasok sa loob ay nawala na ang butas na pinasukan ko. Ang sabi nung babaeng nakausap ko, umiikot ang university every 12 hours kaya't walang makaaalam kung nasaan ang daan palabas," sagot ko at tinapos na rin ang paghuhugas ng kamay. Ilang minuto ko na rin palang hinuhugasan ang kamay ko.

"Kayo ba? Pa'no kayo nakapasok?" balik na tanong ko sa kanya. Imposible kasing hindi man lang sila nag research bago makapasok dito.

Biglang may nahulog na panyo mula sa bulsa niya. Bago pa ito mahulog ay may kung ano siyang kinukuhamula rito. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang ihulog ito dahil nahawakan pa niya ang panyo, o 'di kaya ay hindi niya namalayan. Agad ko na lang itong pinulot dahil basa ang sahig. Napatingin ako sa puting sapatos niya nang mapansing may bahid din ito ng dugo.

"Thanks," sambit niya nang maiabot ko sa kanya ang panyo. Binalewala ko na lamang iyon. Baka siguro nasugatan lang siya at natuluan ng dugo ang sapatos niya. Pare-pareho lang kami ng sapatos, parehong puti, pareho ang disenyo.

"There's this secret website called TDHU Web that targets stupid students to visit the site. And I'm one of those students who visited the website. It's like an advertisement na basta-basta na lang lumalabas while you're using any kind of social media. At first, I was not interested but most of my friends visited the website and got excited. Kaya't tulad nila, nag-dive na rin ako roon," mahabang litanya nito. Sumandal siya sa lababo habang nagpapaliwanag at habang pinupunasan ang natitirang basa sa kamay gamit ang panyo.

"It shows a picture of another world where we can live our lives without any limitations. We can transcend. We got so excited. There's a part of me na gustong mag-aral dito kaso may part din na hindi dahil sobrang nakaka-excite at pakiramdam ko, mamamatay ako rito dahil sa sobrang kasiyahan. At totoo nga. Bago ka mamatay, mababaliw ka muna hanggang sa ikaw na mismo ang pumatay sa sarili mo. You'll lose control over everything. Sinisira ng university na 'to ang utak ng mga estudyante," dagdag pa niya na para bang galit na galit sa mga namumuno sa university. Kitang-kita ko 'yon dahil sa pinupunasan niyang kamay ibinubunton ang galit niya. Maputi siya kaya't napansin ko na agad ang pamumula nito.

"Then the day after I visited the website, may isang puting van ang nakaparada sa labas ng bahay namin. Pagkababa ko, nagpipirmahan na ang parents ko at ang mga taong sakay ng van. I got confused kung paano nila nalaman kung saan ako nakatira then suddenly, nalaman ko na once you visit the TDHU website, they can already track and get information about you. Once na nalaman nilang qualified ka sa katangian ng isang mag-aaral ng Devil's Hell University, they will contact your parents and persuade them to enroll you in their university. They were looking for students na walang alam gawin sa buhay kundi ang magpakasaya."

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon