Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

TDHU 1: The Devils Hell University

448K 9.1K 2K
                                    

TDHU 1: The Devils Hell University

DEVI PARKER

4 months later

Please check your network connection and try again.

"Seriously? Don't tell me walang ka-signal-signal sa lugar na iyon? Peste!" napabuntong-hininga na lang ako at itinapon sa backseat ang cellphone ko.

Itinabi ko sandali ang kotse sa gilid ng kalsada. Ni isang sasakyan walang dumadaan dito at kung dederetsuhin ko pa, baka mapadpad ako sa kagubatan. Unti-unti nang sumisikip ang kalsada at natatakpan ng mga nagtataasang puno. Bumaba na ako ng sasakyan dahil mukhang nawawala na ako. Nawalan ako ng signal kaya't yung paggamit ko sa Google Maps, nag-disconnect. Kaso ang sabi kanina, ilang metro na lang ang layo ko sa University. Wala pa naman ako sa gitna ng kagubatan para hindi magkaroon ng signal. Para bang hinihigop ng lugar na 'to ang signal ng cellphone ko.

Tumingin ako sa pinanggalingan ko. Inabot ako ng ilang oras bago makarating dito at hindi na sapat ang gas ng kotse para makabalik sa condo. It's either I'll live or I'll kill myself. Once na bumalik ako, Mr. Parker will surely kill this pathetic girl standing right next to a very dangerous forest. Hindi ka pa man nakatatapak sa kagubatan, kusang tataas ang balahibo sa buong katawan mo. Dahil sa paglayo ng paningin mo, unti-unting nawawala ang liwanag na para bang sinusundo ka na ni Kamatayan.

I shrugged my shoulders at niyakap ang sarili dahil sa takot. Seems like The Devil's Hell University is waiting for me.

"Wow!"

Nang iangat ko ang ulo ko para tingnan ang kalangitan na unti unting dumidilim, nahagip ng mga mata ko ang napakataas na pader na natatakpan din ng mga nagtataasang puno. Pakiramdam ko malapit lang ako sa Great Wall of China. Sing-taas siya ng pader sa The Maze Runner, 'o mas mataas pa 'to. Parang ibang parte na 'yon ng mundo kung saan nakapaloob lahat ng masasamang elemento. 'Yon na siguro ang The Devil's Hell University na tinutukoy nila, where demons and monsters live.

Sumakay ulit ako ng kotse saka pinaharurot ito patungo sa kinatitirikan ng mataas na pader habang nakaukit ang ngiti sa labi. Dineretso ko lang ang kalsadang unti-unting nawawala habang lumalapit ako sa University. Na-e-excite ako na kinakabahan. Pakiramdam ko may something sa University na 'to para magkaroon ng mataas na pader na para bang walang basta-bastang tao ang pwedeng lumabas o pumasokdito. I'm so fucking excited.

Nilinga-linga ko ang paligid ko at sinilip kung mayroon bang gate o 'di kaya ay isang maliit na pinto para makapasok kaso wala akong makita. Tanging pader na plain black. Wala bang doorbell? O door knob?

"Huh! So, nasaan ang gate? Don't tell me kailangan kong lumusot sa mataas na pader na 'to o 'di kaya kailangan ko 'tong akyatin para lang makapasok? My gosh. Sana naman in-inform nila ako about this thing."

Bumaba na lang ako at kinuha ang mga gamit ko sa likod ng kotse. Nagpahid muna ako sa balat ko ng proteksyon dahil mukhang susunugin ko ang gubat na 'to nang mag-isa. Alam kong may gate ito at nakatago lang sa kung saan kaya hahanapin ko 'yon. Ganyan katapang ang isang Devi Brooklyn Parker. Bakit ako matatakot? Maybe I was sent here to prove my worth and how brave I am as a Parker.

Mysterious huh. Bakit pa kailangang itago ang gate? Bakit kailangan ng mataas na pader? Bakit maraming takot dito? Bakit the Devil's Hell University ang pangalan ng university na 'to? Napaka-unique and at the same time walang sino man ang magkaka-interes na pumasok dito. But based on my research, almost 40% ng mga estudyante sa buong Pilipinas ay dito nag-aaral at napakalaki at napakaraming estudyante na 'yon para sa isang university. In addition, 2 girls out of 10 people lamang ang naririto. It only means, mas maraming bilang ng mga lalaki ang nag-aaral dito kaysa sa mga babae. Hindi naman kaya gawin akong sex slave rito?

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon