TDHU 10: Mr. Lewisham
DEVI PARKER
Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng kirot. Sinubukan kong bumangon kaso masakit lahat—lahat ng parte ng katawan ko—lalo na ang mukha ko. Pakiramdam ko lumobo ito at hindi ako ganoong makakita dahil naniningkit ang mata ko.
"Ms. Devi Rivera, I can feel your pain, so I recommend you to take this."
Napabangon ako nang isang nurse na lalaki ang nahagip ng mata ko na nakatayo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Napatulala ako nang makita ang hitsura niya. Napakaaliwalas niyang tingnan. Mestiso at kayumanggi ang kulay ng buhok. Maganda rin ang hubog kanyang mukha. May kung ano siyang iniabot sa 'kin at kinuha ko naman ito. Nakapagtataka lang dahil malamig at may mga matigas na bagay sa loob.
"You have to put that thing on your face to lessen the swelling." Sambit niya saka umalis. Halos lahat ng mga tauhan dito sa school na 'to ay English speaking. Hindi naman sila mga mukhang foreigner.
Napatingin ako sa salamin na katapat ko ngunit hindi ko pa makita ang hitsura ko dahil nakaupo pa ako sa kama. Tumayo ako para tiningnan ang sarili sa salamin dahil hindi ko maintindihan ang sinabi ng nurse.
Halos manlumo ako nang makitang lumobo ang labi ko at may sugat pa ito. Namamaga rin ang buong mukha ko at may pasa ako sa left eye. Napahawak ako sa mukha ko. Hindi naman ito malala kaso nag-iba talagang ang hitsura ko.
Unti-unting nababasa ang mukha ko sa luhang tumutulo mula sa mga mata ko habang direkta pa ring nakatingin sa salamin. Naaalala ko kung anong mga nangyari. Naaalala ko na. Totoo ang lahat. Deb almost k-killed me. Pero bakit? Hindi ko maintindihan. Bakit ako nagawang saktan ni Deb nang ganito kalala? Akala ko ba mahal niya ako na kakambal niya?
Napapikit na lamang ako at humagulgol na sa harapan ng salamin at napapasuntok na lamang sa pader na kinakapitan ng salamin. Nabitawan ko na rin ang telang may laman na yelo sa loob.
Oo nga pala. Deb Parker ang pangalan niya. Isa siyang Parker. Isang lalaking Parker. Syempre mas mahalaga ang buhay niya. Sino ba naman ako? Sino ba namang magmamahal sa babaeng Parker na tulad ko? Baka nga binuhay lang talaga ako para gamitin sa hinaharap, para may pakinabang, pero papatayin din pala kapag wala nang silbi.
Ayoko mang isipin na totoo 'to pero all my life, nasaksihan ko kung anong mayroong ugali sila. Nagbulag-bulagan lang ako dahil mahal ko sila at pamilya ko sila.
Biglang may humawak sa balikat ko at iniharap ako sa kanya. Nagulat ako nang makita si Demon kaya't umabante ang mga luha kong tuloy pa rin sa pagtulo.
"You're crying, again." Pinunasan niya ang basang mukha ko using his bare hands kaso umiwas ako nang mapagtantong si Demon ang kaharap ko.
Ano bang ginagawa niya?! Nagkukunwaring walang alam?! Na wala siyang kasalanan dito?!
"It's because you're an asshole! I hate you!" I exclaimed at his face. Napakuyom lang ang mga kamay ko. Hindi ko siya magawang suntukin. "Hindi ba dapat magpasalamat ka pa sa 'kin?! Look, that guy almost killed you because he's selfish, he's devil!" sigaw rin niya kaya't hindi ko napigilan ang sarili na mapasinghal.
"Wow! Eh anong tawag mo sa 'yo?! Anghel?!" sarkastikong tanong ko sa kanya.
Anong karapatan niyang sabihin 'yan sa ibang tao kung katulad niya rin ang mga 'yon? Siya ang dahilan kung bakit nagiging demonyo ang mga taong naririto. Siya ang puno't dulo!
"Just shut the fuck up or I'll make you shut up!" bulalas niya dahil natamaan siya sa sinabi ko.
"Bakit? Anong gagawin mo?!" sigaw ko pa pabalik sa kanya. Nakatingala ako para lang magawa siyang sigawan.
BINABASA MO ANG
The Devils Hell University (Published under Bliss Books)
Mystery / ThrillerLIMITED TIME: Read now for a chance to win Coins! See full details in the newest chapter. Limited Time: 40% off paranormal stories 🐺🖤 October Sale Alert! Embrace the darkness with these paranormal reads. Unlock now until Nov 3! ** The hidden daugh...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte