Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

TDHU 4: The Home for the Devils

277K 7.2K 1.5K
                                    

TDHU 4: The Home for the Devils

DEVI PARKER

Napahawak ako sa ulo ko at sandaling umupo sa kama. Nang maalala ko kung anong nangyari kagabi ay humarap ako sa maliit na salamin ng kuwarto at natatakpan na ang sugat sa leeg ko. S-sinong tumulong sa 'kin?

Take care, you dumbass.

Napakunot naman ako ng noo nang mabasa ang nakasulat sa isang itim na sticky note. Kulay puti naman ang tinta ng ballpen na ginamit dito.

Itinago ko na ang schedule sa bag matapos tingnan ang sunod na subject. "Science," I muttered as I enter 11-Lucifer. Walang katao tao. Napatingin ako sa isang malaking wall clock sa dulo ng hallway and it's morning break time, 10:40 AM.

Pumasok na lang ako saka umupo sa dulo katabi ang glass wall. All the classrooms here don't have any windows, only glass walls, kaya't kitang-kita ang bawat tao sa loob ng classroom. Isinandal ko ang ulo ko saka pumikit.

"Why can't Science explain the reason for human evolution? Humans evolving as evil as satan and as cruel as animals." I asked myself, wondering why people like them exist or how they even evolved like that. "Was there a virus that made them like that? I really don't know why most people are evil and have no mercy."

"Science has nothing to do with it. History does." Agad kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. If I'm not mistaken, he's Clover. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko at sakto namang nagsidatingan ang mga estudyante. Hindi pa nila napapansin ang presensya namin dahil abala silang nag-uusap.

Tiningnan ko ang mga estudyante at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa kabila ng mga kuwento tungkol sa University na 'to, sa kabila ng ugali ng mga hari kuno rito lalo na si Demon, at sa kabila ng nakatatakot na lugar na 'to, bakit kitang-kita pa rin sa mga halakhak at tawanan nila na masaya silang naririto? Samantalang ako na baguhan, gusto ko nang umuwi.

Sino ba namang gugustuhing mag-stay rito? I almost died, I'd been harassed and it was because of that asshole who doesn't even know how to respect women. Wala na nga yatang lalaki sa mundong 'to ang marunong rumespeto. Tinatrato nila ang mga babae na laruan na pagkatapos pagsawaan, itatapon na lang nila nang basta-basta at wala nang magkakainteres pa na pulutin sila dahil marumi sila at nakadidiri. Sounds pathetic but that's the truth.

"You think they're happy? Look at them, closely. They're on drugs. Of course, they're happy. Makahithit ka ba naman ng sandamakmak na droga."

Tiningnan ko ang isa sa kanila. He has these huge eyebags at mamula mula ang mga mata, messy hair, may laway pa ang gilid ng labi, at kusot kusot ang damit. Most of them ay ganito ang set up. They look like zombies trying to act normal, trying to become human again.

Napatingin ako sa labas nang may maramdamang presensya ng tao at halos mapatalon ako sa gulat. May isang babaeng nakatayo at direktang nakatingin kay Clover habang nakangiti. Bakas sa ngiti sa kanyang mga mata na in love siya sa lalaking katabi ko.

I just heard this guy beside me chuckle kaya't bumalik sa kanya ang atensyon ko at binalewala na lang 'yong babaeng parang baliw na baliw sa kanya. Natatawa siya kaso pinipigilan niya lang. Marami sigurong nagkakandarapa rito.

"Almost 40% of the Philippines' student population are here. The Devil's Hell University encourages people to study and stay here for the rest of their lives. The university offers one thing that every teenager wants— and that is freedom. You can do whatever and everything you want. But, of course, there's one important thing that an average student can't do—is to kill. You can physically, mentally, emotionally, and spiritually hurt them but you can't kill them. Putulin mo yung paa niya, sunugin mo yung balat niya, impluwensiyahan mo siya, barilin mo siya, is okay but always remember na wala kang karapatang patayin siya." He looked at me then smiled.

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon