Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

TDHU 8: Game

250K 6.1K 1K
                                    

TDHU 8: Game

DEVI PARKER

"King Demon, these are the lists of all students who are not attending their class." Napatigil si Demon sa paglalakad nang salubungin siya ni Mrs. Llamas. Tulad ng nangyari kanina, muli na naman akong nauntog sa likuran niya pero parang wala na naman siyang naramdaman. Manhid yata 'to.

"King Demon, Ms. Rivera should be inside her classroom." Tiningnan ako nito. "Why aren't you giving her light punishment? It will look unfair to the other students."

"Did I allow you to question what I am doing Mrs. Llamas?" Tanong ni Demon habang abala sa pagbabasa sa piraso ng mga coupon na iniabot ng teacher.

Napaismid ako. Bastos!

"You are just the school's administrator and I have given you a particular job. Questioning my decisions is not your concern anymore," dagdag pa nito

Bakit ba ako narito? Bakit ba kanina ko pa sinusundan ang lalaking 'to? He just said to follow him pero kanina ko pa siya sinusundan at para bang wala kaming patutunguhan. Annoying.

Pumasok sila sa isang kuwarto na hindi na glass wall. Pure white na pader ito at isang pinto. Papasok na sana ako kaso agad namang isinara ni Demon ang pinto. Walang hiya! Hindi ko na lang tuloy binalak pumasok at umalis na roon. Lakas ng trip ng gagong 'yon.

"11-Lucifer! You're the worst section ever!"

Hindi pa man din ako nakararating sa klase ko ay umalingawngaw na ang sigaw ng hindi pamilyar na boses. Lumapit ako at tumambad ang katawan na pinako sa dulo sa pader. Wide arms and legs opened. Punong puno ng pako ang buong katawan, maidikit lamang siya roon. Umaagos pa ang dugo nito.

Isa-isa kong tiningnan ang aking mga kaklase at parang wala lang ito sa kanila. Ang iba ay natatawa dahil sa ekspresyon ng guro. Ang iba ay parang wala naming pakialam. Habang ako at ang guro ay hindi na maipinta ang mga mukha.

"Who killed him?" tanong ni Clover na nakatayo sa harapan. Wala ni isa ang may balak na sumagot. Lahat kami ay tahimik na nakaupo. "One thing's for sure, they're more than two," dagdag pa nito na nagpakunot sa noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Fernandez, Rosario, Villar, Casupanan, Mendez, Lewis, De Leon, Paragas, and Dela Cruz, stay. The rest, you may get out for a while," sambit ni Clover kaya't dali-dali kaming lumabas maliban na lamang sa mga apelyidong nabanggit. Halo-halong babae at lalaki ang naiwan sa loob.

Isinara nila ang pinto. Pati na rin ang mga estudyante mula sa ibang classroom ay nakiusisa na rin. Ramdam ko naman ang takot sa mga estudyanteng naiwan sa loob.

Hindi namin naririnig kung anong sinasabi ni Clover kaso kitang kita sa mga mata niya ang galit, tulad ng isang Demon Lewisham.


NARRATOR

"Do you even think na kapag pinagtatakpan niyo ang isa't isa, walang mahuhuli?" Ngumisi ito saka inihampas ang arnis sa lamesa. "Luhod!" Lahat sila ay naalerto at agad na sumunod. Lumapit sa kanila si Clover na sinisipa palayo ang mga silya na nakaharang.

pak

tsug

pak

Lahat sila ay napadaing sa lakas ng pagkakapalo ni Clover sa likuran ng siyam na estudyante. Ngunit nanatili pa rin ang mga ito sa kanya kanyang posisyon at hindi ipinakikitang nasaktan sila.

"Aamin kayo o lahat kayo ay papatayin ng Hell's Devils? Mamili kayo!"

Sa ikalawang pagkakataon, pinalo niya ang mga ito sa dibdib kaya't napahiga ang ilan sa mga ito at halos mangiyakngiyak na sa sakit. "Rosario, Mendez, at Paragas!" sigaw ng babaeng estudyante na ngayon ay habol-habol na ang hininga at lumuluha na.

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon