May mga tao kasi na iniingatan yung labi nila na hindi sila papayag na kung sino sino lamang ang pwedeng dumampi dito.
Tulad ng friend ko, for 17 years hindi siya nag pahalik sa labi sa kung sino lang na kaibigan niya dahil wala pa itong boyfriend kahit na may nangligaw ay binusted dahil may hinihintay.
Pero sa isang araw, biglang nawala ang lahat. Yung 17 years niyang iningatan ay nakuha ng isang di kilalang salarin.
Gusto niyo malaman kung paano nangyari?
Nag iinuman silang mag babarkada sa bahay ng friend ko. Tapos medjo tipsy na yung iba dun. Ilan lang silang single, then the rest kasama na yung boy/girlfriend. So dahil sa alak medjo naging mainit ang eksena. May mga nag hahalikan na. Yung iba dahil daw last meeting eh hinahalikan din sa cheecks, yung mga babae sa babae.
Yung friend ko ayaw pumayag na magpa halik sa labi kasi nga iniingatan niya yun. Pinapalibutan siya nung mga babae tapos yung friend niya na lalake na katabi niya sa kainuman na medjo may pagka playboy.
Nung sinimulan siyang i-kiss sa cheeks nung mga friends niya na babae eh tinikom niya talaga yung bibig niya pero nagulat siya nung biglang may humalik sa labi niya. Ang masama pa dito. Nakapikit siya dahil naiiilang nga siya. Kaya hindi niya alam kung sino ang may kasalanan kasi dalawang beses siya nahalikan sa labi. Hindi niya alam kung sino sa mga barkada niya.
Yung lalake kasi na katabi niya ay touchy talaga, ilang beses na siya nito niyakap, inakbayan at kung ano ano pang kalandian.
Yung mga babae hindi niya alam kung trip lang o ano.
...
Yan yung story kung paano nawala. Nanlumo talaga siya ng sobra kasi pinangako niya sa sarili niya na isang lalake lang makakauna sa labi niya pero hindi na ito pwede mang yari ngayon.
Almost one week na ang nakakaraan pero hindi pa din niya kilala kung sino ang gumawa sa kanya nun.
*
Kawawa naman siya no? Hahahaha! Hindi ko alam kung dadamayan o pag tatawanan ko eh. Kasi naman. Feel na feel ko yung pagkalumo niya nung araw na yun, wala sa wisyo at panay ang hawak sa labi niya.