At First Sight | Reaction Paper sa LOVE & RELATIONSHIP (x

346 1 1
                                    

Sa araw na araw na buhay natin may nakikita tayo minsan na hindi naman natin kilala pero nakukuha niya yung atensyon natin. Maaring; gwapo, panget, weird o kung ano pa ang dahilan kaya napansin mo siya. 

Tulad ko, tangina sa inaraw araw na pag sakay ko sa LRT naka ilang kita na ako ng gwapo na kung taga saan :) Ganon talaga malandi ako. Lol. 

Pero minsan sabi nga nila may rason kung bakit kayo nag kakatinginan lalo na yung sinasabi nila na "hindi mo ka niya mahuhuling nakatingin sa kanya kung hindi rin siya nakatingin sayo" basta parang ganyan yung phrase na yan alam ko alam niyo na yan :) Totoo naman di ba? 

Isipin niyo, paano kung yung future boyfriend o asawa mo e nakasalubong mo na pala no? Tapos ni bungo hindi nangyari sa inyong dalawa. Saklap lang :)) 

May nakita kasi ako kanina talaga sa LRT na umagaw ng atensyon ko. Hanggang ngayon e siya laman ng isipan ko kahit gulong gulo na ako kay James na sa araw araw na ginawa ng Diyos e walang nag babago sa amin na dalawa. =))

Love at first sight, yan ang laging nangyayari. Minsan tumatagal lang yan ng 5-10 hours pero pag sobrang gwapo talaga e pwedeng tumagal yan ng 2-3 days tapos pag nakita mo ulit crush mo na, pag nalaman mo name at na search mo sa facebook malamang pag natamaan ka na e mahal mo na yan.

Alam ko halos lahat ng nag basa nitong walang kwentang kalandian ko eh na love at first na din. Gusto niyo try naten ano.. CYBER LOVE? Wahahaha! Tangina. Usong uso yan ngayon. Lol. Pero hindi naman sa sinisira ko pananaw ng buhay ng ibang tao tungkol sa love, payong kaibigan lang.

Wag na wag kang makikipag relasyon kung online lang din naman ito dahil hindi mo alam kung mahal ka talaga nun sa totoong buhay at kung tanggap ka niya. Kung ang relasyon nga na totoo eh nagkakabuhol buhol pa minsan, online love pa kaya? C'mon! 

Isa pa, bakit ang mga relationship ngayon parang hindi na sineseryoso? Putcha lang. Alam mo yun hindi na nga ata uso ang 3 month rule ngayon. Pati ang babata ng mga nag kakaroon ng boyfriend ngayon. Para sa akin hindi magandang tignan kasi minsan for the sake lang na masabi na may boyfriend sige lang, go lang kahit hindi mo naman mahal. Kaya ka nga pumapasok sa isang relationship kasi handa ka sa commitment di ba? Eh bakit ganon parang ang mga nakikita ko ngayon sweet-sweetan lang for a month or week tapos after nun wala na? Ayos a.

Lalake lang ba may problema? Hindi din. Pareho lang. Kasi hindi naman magiging playboy or playgirl yan kung hindi yan nasaktan o kaya minsan may gusto lang i prove sa sarili o kahit ano pang dahilan. Pero may mga babae na din ngayon na hindi ma kuntento sa isa. 

Chaka isa pa, lahat ba dapat based sa looks and vital statistics? Tingin ko isa na yan sa mga standards ngayon when it comes to love which is very bullshit and full of stupidity for me. Kung mahal mo ang isang tao kahit may mali sa kanya tanggap mo, MAHAL MO NGA DI BA? Isa pa hindi tayo dapat mag bago para sa isang tao kasi kailangan niyang tanggapin kung SINO at ANO tayo and at the same time e dapat ganon din tayo sa kanila.

Maraming tanga at nagpapakantanga sa pag ibig, may mga bagay na gini-give up, minsan may friendship na nasisira o masisira talaga pag tinuloy niyo yung "love" na yan. 

Tangina talaga mag mahal e no? Ang daming parusang binibigay. Pero hawak lang tayo at wag bibitaw. ENDURE THE PAIN. Kung walang pain na nararamdaman? Hindi nag tatalo o away? Eh puta walang love yan, tigil niyo na yang katarantaduhan na ginagawa niyo, TAMANG LANDIAN LANG yan :D

Freedom WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon