"Move on"
Napaka daling sabihin pero napaka hirap gawin.
Bakit ganon no? Kahit hindi kayo, kahit walang namagitan.. nasasabi mo yung salitang MOVE ON sa sarili mo? Nasasaktan ka kahit wala kang karapatan. Nag seselos ka kahit wala ka sa lugar para mag selos.
Bakit ba natin ginagawa ang "moving on" ...
Napakaraming dahilan. Minsan para ito sa ikabubuti natin o kaya naman sa ikabubuti ng iba. Masakit ito sa simula at mahirap, pero kailangan mong i-endure lahat ng pain kasi hindi yan moving on pag hindi ka nasasaktan.
Paano ba mag move on? Naranasan mo na ba masaktan na ng sobra kaya nasabi mo sa sarili mo na kailangan ko na mag move on?
Umiyak ka na ba sa isang tao na kahit kailan e hindi naman nag bigay importansya sayo?
Nag mahal ka na ba ng tao na hindi man lang ito nasuklian kahit sa mga simpleng bagay lamang?
Nagka gusto ka na ba sa isang tao na hindi ka naman kilala pero minahal mo siya?
Umasa ka na ba sa isang pagkakaibigan na akala mo ay magiging MAGKA-IBIGAN kayo?
Umasa ka na ba na akala mo mamahalin ka din niya tulad ng pag mamahal mo sa kanya?
Umasa ka ba na kala mo ay magiging kayo?
Lahat nang sinabi ko, may katumbas na moving on yan.
Kailangan ang puso at isip ay mag tugma kung gusto mo mag move on. Gusto ng utak mo mag move on pero ang puso mo hindi, paano yan? Kung marami ng na isakripisyo tapos walang bumalik, itigil na. Matagal na at walang nangyayari? Wag ng umasa pa.
Maraming tao sa mundo na makikilala mo pa at makikilala niya pa. Malay mo hindi naman pala kayo nakatadhana para sa isa't isa. Wag natin ipilit ang sarili natin sa isang tao. Dahil hindi natin alam na minsan ay may nasasaktan din tayo.
Napaka hirap mag move on, walang biro. Kailangan mo lang tatagan ang puso mo sa mga bagay na mangyayari.
--------------------------------------
Kamusta naman yung ka dramahan ko ng alas dos ng madaling araw di ba? Di naman talaga ako nag momove on. Napasulat lang ako ng wala sa oras kasi yung isa jan natatawa na ako sa kanya :)
To someone..
Alam ko minahal mo siya, pero oras na para pakawalan siya dahil sa huli ikaw din masasaktan. Maging inspiration na lang siya, kasi pag minahal mo siya di niya kayang suklian yan.
Iyak ka na dali :)
Tulog na nga ako :) Salamat sa pag babasa ng ka dramahan ko. Pasensya na. Minsan talaga bigla bigla na lang ako inaatake ng baliwan ko :D
Mox♥
All Rights Reserved
Friday, December 30, 2011 2:30AM