Hindi lang naman lalake ang na babasted eh. Minsan kami din mga babae.
Masakit mabasted ng isang taong gusto o mahal mo. Pero ganon talaga. Hindi naman sa lahat ng oras eh swerte ka na makukuha mo yung matamis niya na "oo".
Curious lang kasi ako kung ano ang nararamdaman ng lalake kapag nabasted eh.
Kapag ang babae nabasted paano ba?
- For sure iiyak yan. Feeling niya eh "forever alone" na.
- Magiging bitter na sa buhay pag-ibig. Yung iniisip eh lahat ng lalake pareho lang.
- Move on ang drama. Syempre kailangan makalimot.
and many many more na girl stuffs.
Kapag ang lalake nabasted paano ba?
- Umiiyak din ba kayo? Kasi hindi kayo sinagot ng taong gusto niyo?
- Nagiging bitter din ba kayo sa love life?
- Uso din ba ang salitang move on sa inyo?
- Iniisip niyo ba na lahat ng babae eh kapareho nung nambasted sa inyo?
Ano ba yung mga nararamdaman o pinag dadaanan niyo?
Para sa amin na mga babae, hindi din naman ganon kadali na mang basted ng lalake. May mga reasons kami kung bakit namin ginawa yun. Hindi naman kami manhid para hindi maramdaman yung pagmamahal or yung effort na pinapakita. Maybe it's intuition or what pero kasi minsan nangliligaw ka pa lang, na iisip na namin kung ano tayo after kita sagutin.
So ayun, super curious lang. Kasi nung binasted ko siya, syempre awkward ang atmosphere namin sa school. Tapos hindi na din siya masyado nakikipag usap sa akin and I think normal lang naman yun. Pero bakit ganon 2 years na nakakalipas, di pa din siya maka move on?