"ate, ate. Pabili nga po'ng milk tea? Ung may pearl." hingal na hingal na sabi ni Twelve sa kahera ng Fruity Froyo
Sino ba namang hindi hihingalin kung 6:30am e utusan kang bumili ng milk tea, at anlayo pa ng tatakbuhin para lang makapunta dun sa store tapos 7am klase na! since honor student si Twelve, bawal siyang magka tardy para maka graduate siya with flying colors. Oha oha!
Well. Sino pa ba ang magpapahirap kay Twelve? Walang iba kung hindi ang butihin nating bida na si Rain!
Pasaway talaga oh!
Buti nalang nga, nakarating si Twelve sa school ng 6:59!
Muntik na talaga siyang malate!
Pawisan siya ng pagdating dun at ng iabot na kay Rain ang milktea e sabi ni Rain, ay…
"Ay twelve, sorry, may klase na kasi e, bawal nang inumin yan, itapon mo nalang. Sorry talaga! Bayaran nalang kita."
Nang narinig naman ni Twelve yun, imbis na magalit siya, ay ngumiti nalang siya. Kasi siyempre mahal niya e, tsk. Tsk. Pag-ibig nga naman.
"ah sige. Tapon ko nalang, wag mo nang bayaran, ok lang." sagot naman ni Twelve.
Hindi lang yan ang mahirap na pinagawa ni Rain sakanya habang nagliligawan sila!
Well, sorry, kung inaasahan niyong kikiligin kayo, pwes. Ewan ko nalang, haha!
Isang beses pa nga, ganito ang nangyari. Nung breaktime nila..
"Uy! Twelve, pde mo ba akong ikuha ng Mangga dun sa puno sa tapat ng school?"
"Ngayon na talaga kailangan?"
"oo e! gusto ko talaga ng mangga! Namimiss ko na kumain nun, tas kanina nakita ko na hinog na ung mangga dun sa tapat, kaya please??"
"di pwedeng maya nalang Rain? "
"Ay, ganon? Ayaw mo? Sige wag nalang *fakesadfaceandpout*"
E bawal lumabas ng school nila, so napaisip si Twelve kung pano niya gagawin yun, kasi baka pag nahuli siya e lagot siya!
Hmmmm..
"uhm.. Sige na nga Rain, kukuha na ko, wait ka lang ha? ^___^"
Kahit na parang mejo labag sa kalooban niya ay ginawa pa din niya para lang kay Rain. Talk about martyr.
So ayun ang ginawa niya, umakyat siya sa puno na sobrang lapit lang sa back gate, tapos tumalon na siya palabas. Mejo nabalian siya sa paa kasi mali ang bagsak niya. Pero hindi niya parin ininda ang sakit na nararamdaman niya. So tumawid na siya at pagdating niya naman sa harap ng puno ng mangga…
Sa kasamaang palad..
Wala nang prutas ni isa. Nagtanong siya sa may babae na nagmamay ari nung puno, at sinabi sakanya na hinarvest na nila.
Pilit na humihingi si Twelve ng mangga, ngunit ayaw siyang bigyan nung babae, kasi daw kailangan daw ng ate niyang buntis ung mangga. Kaya ayun. Hindi na nangulit si Twelve..
Ang problema naman ngayon ay….. Paano siya papasok sa school uli? Ni hindi niya man lang naisip yun kanina nung lumabas siya.
Hay nako. Kawawang Twelve.
Nag cutting nalang siya, hindi na siya nag risk na pumasok pa uli, kasi mahigpit ung bantay nila sa gate, tinext niya nalang si rain ng…
From: 12
Rain, sorry kasi wala na daw mangga, para daw un sa buntis na nakatira dun,
Bilhan nalang kita, antayin kita mamaya dito sa labas ng gate hanggang uwian ha? :)
Uhh. Ang sweet pa din naman ni Twelve, kahit na ganon na ung sitwasyon niya. At nakakangiti pa din siya. Edi siya na!
-------------------------------------------------
\(^_____^)/ COMMENT VOTE BE A FAN ADD TO LIBRARY \(^_____^)/
if you liked it.
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge.
Teen FictionI believe that fairytales do come true, people are just too ignorant to see it or just too excited not knowing that they might prevent ending up HAPPILY EVERAFTER.