Chapter 1: Top Square

166 6 6
                                    

Once upon a time……….

"RAAIIIIIN!!!!! Hindi mo pu-pwedeng gawin sakin to! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sayo, eto at hihiwalayan mo lang ako! Hindi!!! HINDI! HINDI AKO MAKAPAPAYAG!! "

O mga readers, hindi masyadong maganda ang timing niyo, kasi may kaaway ang bida natin e, baka masira image niya sainyo, oh well mabuti na din na alam niyo diba?

 pero basta itutuloy ko pa din ang kwento ko..

Naway makasama ko kayo hanggang sa Happily Ever After.  ^___^v

"Oh sorry Paolo, I just did." *evilgrin*

"Noooo RAIN!! Don't leave me! Please Rain, Please… I LOVE YOU RAIN, I'LL EVEN DIE FOR YOU! JUST DON'T LEAVE ME PLEASE. PLEASEEE!!!"

Grabe talaga! Lumuhod at kumapit pa ung lalake sa paa ni Rain para lang hindi siya iwan neto, si Rain naman halatang enjoy na enjoy ang nangyayare dahil nagmumuka ng aso yung lalake sa pagmamakaawa. Kawawang Paolo.

"Please your *ss! Tabi nga dyan!"

Kasabay nito ang pag-tulak ni Rain sakanya kaya bigla din siyang natumba sa pagkakaluhod, nakatulala nalang ang lalake sa kawalan.

Nako, si Rain talaga nga naman..

"o ano Rain? Masaya ka na at may pinaiyak ka nanaman, nako nako ikaw talaga!"

"haha masaya talaga ko Alice! Sobra!  Lalo na nung lumuhod pa siya! HAHA! DA BEST UN! Salamat nga pala sa pagvideo mo niyan kanina ah? Da Best ka talaga Alice!"

Eto kasing si Alice, tuwing may pinapaiyak si Rain na lalake e vinivideohan niya pa, oh well. Inutusan lang naman siya ni Rain, kahit na labag sa kalooban niya e ginagawa pa din niya,

Bakit? Malalaman niyo din sa mga susunod na kabanata. Haha!

"Oo na, alam ko, kelan mo ba yan titigilan ha? Halos linggo linggo ka na nagpapaiyak e.. Nauubos na ung memory ng cam ko!"

Sermon netong si Alice  ng nakataas ang kanang kilay at nakapamewang pa.  Si Alice lang pala ang talagang nakaka-kilala kay Rain,

Si Rain naman halatang sanay na sanay na sa sermon ni Alice at hindi nagpapa-apekto! Pasok sa kanan labas sa kaliwa.. Ganon.

"pag napaiyak ko na ang lahat ng lalake sa buong mundo! MWAHAHAHAHA!"

Yan ang nag-iisa at napakasamang pangarap ng bida natin, yan daw kasi ang nagbibigay kaligayahan sakanya e,

"Anjan lang pala kayo Alice at Rain, kanina pa kami naghahanap sainyo e, tsk tsk. Nakakainis talaga kayo, bigla bigla nalang kayong nawawala ng hindi nagsasabi.."

Ang tono ni Kate sa pagkakasabi neto e parang inis na, pero ang totoo nag iinis-inisan lang talaga siya kasi sanay na din siya sa dalawa.

"uy, ano yang pinapanood niyo sa cam ha? Panood naman. Oh?"

nagpopout na sinabi naman netong si Teza, nagpapacute nanaman e,

"Hindi to pwede sa isip bata na tulad mo Teza!"-Rain

Sabay nagtawanan sila Rain, Alice at Kate.

Kawawa naman si Teza, lagi nila siyang bunibully e, nakakatuwa naman kasi,  siya ang parang laruan ng grupo nila, kasi makulit at isip bata talaga siya. Well. Mas bata naman talaga si Teza sa kanila ng isang taon, accelerated kasi to.

"whatever guys.." sabay irap sakanila

Haha pikon nanaman sakanila si Teza, ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang isip bata.

Sweet Revenge.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon