Chapter 1 - A Different World

85 11 0
                                    

Chapter 1 – A Different World

 

 

Katy’s Point of View :

 

 

“Binibini ayos ka lang ba?” pagmulat na pagmulat ng mga mata ko ay isang gwapong lalaki ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng damit pang samurai, mahaba ang buhok niya, at may espada siya sa tagiliran.

“T..teka, asa langit na ba ako?” tanong ko sa gwapong nilalang na nasa harapan ko.

“Hahaha! Palabiro ka pala! Wala. Andito ka lang sa bahay ko.” sagot niya habang tawa ng tawa.

Eh?

BAHAY NYA?! (O.O)

Tinignan ko ang sarili ko. Ibang damit na ang suot ko. Ang huling natatandaan ko ay hinigop kami ng whirlpool sa Bermuda triangle at nakasuot ako ng itim na tshirt at pantalon. Bakit nakakimono na ako ngayon at himalang nabuhay pa ako?

“Umamin ka, may ginawa ka bang masama sa akin?!” tanong ko sa kanya habang nakacross yung arms ko sa dibdib ko.

“H..ha?! Ako? Grabe ka naman binibini tinulungan na nga kita dahil nakita kitang malapit sa dalampasigan na walang malay at duguan. Wag ka nga pala magalala, di ako ang nagpalit ng damit sayo, yung babaeng kapatid ko na si Carousha.”  malumanay na sambit ng lalaki.

“Sabihin mo, saan ka nanggaling at bakit natagpuan kita sa ganung kalagayan?” dagdag pa niya.

“Ang huling natatandaan ko ay dapat patay na ako. Nilamon kasi kami ng buhawi sa karagatan at hindi ko maintindihan kung pano pa ako napadpad dito sa inyo. Galing ako sa Pilipinas.” matapat na sagot ko sa kanya.

“Kaya pala kakaiba ang iyong kasuotan, nanggaling ka pala sa isang malayong lugar. Hindi ko alam ang lugar na yun dahil tatlo lang ang mga pulo dito sa amin- ang Dominicus, Euphrates, at Covelandia. Kung gusto mo ay dito ka muna manuluyan sa amin hanggang di ka pa nakakakita ng maaaring daan pabalik sa inyong lugar. Ano nga pala ang iyong pangalan?”

“Salamat ah! Ako si Katy. Ikaw ba? Saka asan ako?”

“Ako si Korei. Andito ka ngayon sa lupain ng Dominicus. Anuman ang iyong kailanganin ay tawagin mo lamang ang aking pangalan.” aniya sabay ngiti.

Dominicus? Jusko. Wala yun sa mapa ng Earth! (>.<)

Tumayo ako at lumakad papunta sa pintuan ng bahay nila. Bubuksan ko sana ito ng bigla akong hinawakan ni Korei sa kamay at pinigilan.

“Wag na wag kang lalabas ng gabi dito. Baka makuha ka ng mga bampira.” seryosong saad niya sa akin.

Binawi ko agad ang kamay ko sa kanya. Para kasing nakuryente paghawak niya.

“A..ano may mga bampira dito sa inyo? (O.O)” di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Oo kaya wag na wag kang lalabas sa gabi. Ingatan mo ang sarili mo.” babala niya pa sa akin.

Grabe! Ano bang lugar ito? Mukhang mga Japanese yung mga tao tapos may bampira pa sa gabi? Ang wirdo ng lugar na ito.

“Sumunod ka sa akin. Ipapakita ko sayo ang magiging tulugan mo.” aniya.

Sumunod ako sa kanya at pumanhik kami sa hagdan ng bahay niya na gawa sa kahoy. Pumasok kami sa isang kwarto na may dalawang higaan. Sa kaliwa ay bakante, sa kanan ay may nakaupong isang mukhang 10-12yrs old na magandang batang babae na nakapuyod ang buhok at nakakimono.

“Ate! Gising ka na!” salubong sa akin ng batang babae habang nakangiti.

“Katy, Ito ang nga pala ang nakababatang kapatid ko na si Carousha, Carousha, ang ate Katy mo.” pagpapakilala ni Korei sa bunsong kapatid niya.

“Kamusta Carousha?” bati ko naman sa kanya.

“Ayos lang po ako ate. Ate! Buti na lang at nagising na kayo. Ang ganda ganda nyo naman. Bagay kayo ng kuya ko. Ate, pwede bang ikaw na lang ang maging mommy ko at si Kuya Korei na lang ang daddy ko?” nakangiting tanong ng bata.

Napatingin ako kay Korei. Napatungo naman siya sa sinabi ng kapatid niya.

“Masyado kang madaldal Carousha, ang maigi pa ay matulog na lang tayo at lumalalim na ang gabi. Pagpasensyahan mo na siya Katy, bata pa lang kasi kami ng mamatay ang mga magulang namin. Napatay sila ng mga bampira. Kaya ganun na lang ang pagkasabik ng kapatid ko na magkaron ng mga matatawag na magulang.” mahabang paliwanag ni Korei sa akin.

Napatingin ako sa mga mata niya. Naawa ako sa aking nakita-- ang hirap, sakit at pait na dulot ng maagang pagpanaw ng mga magulang nila. Siguro ay nahihirapan siya lalo na at magisa siyang nagpapalaki at nagtataguyod sa kapatid niya. Buti na lang ako, buhay pa ang mga magulang ko. Hayy.. Kamusta na kaya sila?

“Mommy Katy goodnight! *Mwuah*” nagulat ako ng bigla akong kiniss sa pisngi ng batang si Carousha.

“Daddy Korei, night night. *Mwuah*” sambit din ng bata habang kiniss din sa pisngi ang kuya niya.

Nagkatinginan kami ni Korei.

“Pasensya ka na..”

“Okay lang” pambabasag ko naman sa sinasabi ni Korei. “Naiintindihan ko naman eh. Hayaan mo nang tawagin niya tayong mommy at daddy. Tawag lang naman niya yun eh.”

“Salamat sa pangunawa Katy.” sambit ni Korei.

“Walang anuman, salamat din sa lahat lahat.” sagot ko naman sa kanya.

“Humiga ka na sa kama ko, dito na lang ako sa lapag.” aniya habang naglalatag ng banig sa pagitan ng dalawang kama.

“H..ha? Nakakahiya naman! Ako na nga nakikituloy sa inyo, ako dapat ang andiyan sa lapag!” awat ko sa kanya.

“Hindi na, ayos lang ako dito. Sige ka, tatabihan kita dito sa lapag pag nagpumilit ka pa hehehe.” pagbibiro nya.

“Ay eh.. *kamot ulo* sige dito na ako, Salamat.” sabi ko na lang sa kanya.

Nagsimula na siyang humiga sa banig at humiga na din ako sa kama. Napatingin ako sa kabilang kama. Nakita ko si Carousha na bahagyang nakangiti habang natutulog.

Napangiti din ako.

“Lord, salamat po dahil mababait ang mga kumupkop sa akin habang di pa ako nakakauwi sa amin. Gabayan nyo din po ako para makauwi pa sa amin” dasal ko sa maykapal.

---End of Point of View

****

Si Korei nga pala yung asa gilid :)

Lost in the Land of Damned CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon