Chapter 5 – Meet the Father
Katy’s Point of View :
“UWAAAAHHH!!!!!!! Kuya maawa na naman po kayo sa akin. Wag niyo po akong kidnapin. Mahirap lang po kami. Nakikituloy nga lang po ako at wala akong sariling bahay. Wala po kayong makukuha sa amin. Pleaseee nagmamakaawa ako sa inyo! Ibaba nyo na po ako!!!!” pagsusumamo ko sa lalaking bumubuhat sa akin at tumatakbo ng matulin.
Patay malisya naman ang nakabalot na lalaki na bumubuhat sa akin. Parang wala siyang naririnig.. Wala talaga siyang balak na pakawalan ako. Grabe. Kalahi pa ata ng “The Flash” itong si Kuya. Mabilis pa tumakbo kesa sa sasakyan eh. Di kaya superhero ito?---Superhero? Eh kinikidnap na nga ako! Supervillain siguro to na may superpowers at sa kamalas malasan ko ay napagtripan pa ako.
Ilang saglit pa ay tumambad sa mga mata ko ang isang napakalaki at napakagandang palasyo.
Eh? (O.O)
“Kuyang Supervillain na kidnaper? Dito ka nakatira?” di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Binaba na niya ako at ng aktong tumakbo ako ng patakas, agad niya akong nahabol at muling binuhat.
“K..kuya? Ano ba talagang gagawin mo sa akin? Maawa ka naman oh! Pakawalan mo na ako. huhuhu…(T.T)” pagsusumamo ko sa kanya sabay may lumingid na mga luha mula sa mga mata ko.
Napatigil naman siya ng napansing umiiyak ako. Binaba niya ako at pinahid ang luha ko sa mata.
“Tahan na. Ayoko makitang umiiyak ka.” sambit nya pa sa akin.
Teka.. Yung boses na yun.. Pamilyar sa akin yun ah?
Isa isa naman niyang tinanggal ang mga balot sa katawan niya.
“T..teka, IKAW?!” di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Siya nga, yung lalaking laging nakataklubong ang buong katawan na nakabangga ko at nanlibre pa sa akin ng pagkain! Nawala na yung nerbiyos ko ng makilala ko siya.
“Bakit moko dinala dito? Ano ang pakay mo sa akin? Saka… Bakit ganun ka na lang kabilis tumakbo?” sunod sunod na tanong ko sa kanya.
“Dinala kita dito upang ipakilala kita sa aking ama, saka gusto ko sanang dito ka na lang mamalagi sa amin, malalaman mo din kung bakit ganun na lang ako kabilis tumakbo. Ano nga pala ang ngalan mo?”
“A..ako? Titira dito? Bakit? Katy ang pangalan ko. Ikaw ba?”
“Ryu ang pangalan ko. Kinagagalak kitang makilala ng lubos, prinsesa ko.” aniya sabay ngiti sa akin.
HANUDAW?! Ako, prinsesa niya?! May gusto ba siya sa akin? At isa ba siyang..
Bigla namang may dumating na matandang lalaki na may suot na korona at nakadamit panghari na lumapit sa amin.
“Ama. Siya po ang napupusuan ko upang maging kabiyak ko sa tamang panahon, Katy po ang kanyang ngalan.” pagpapakilala niya sa akin sa tatay nya.
Hala.. Ni hindi nga niya alam kung gusto o magugustuhan ko ba talaga siya eh, napakaconsistent naman ng prinsipeng ito! Kung makaintroduce sa akin, para bang nanligaw na siya at sinagot ko na siya.
“Ikinagagalak kitang makilala hija. Magaling pala talagang pumili ng aking anak. Tunay nga na napakaganda mo at maganda din ang hilatsa ng iyong mukha, masasabi kong isa kang mabuting tao.” sabi ng hari sa akin.
“A..ah.. Kinagagalak ko din po kayong makilala mahal na hari. Pero sa totoo lang, kahapon ko lang po nakilala ang anak nyo. Saka, di pa po kami magnobyo kaya nagulat na lang po ako ng binuhat nya ako at tinakbo papunta dito at grabe, ambilis bilis po nyang tumakbo.” matapat na sagot ko naman sa hari.
“Ahahahaha! Hija, masasabi kong galing ka nga talaga sa ibang lugar. Di mo pa pala alam ang patakaran dito? Pag napusuan ka ng isang prinsipe upang maging kabiyak niya kahit di pa kayo magkakilala ng lubos ay dadalhin ka niya sa palasyo, doon ka ititira, gagawa siya ng iba’t ibang paraan upang mahulog ang loob mo sa kanya at pagkatapos ng isang taon, hahantong ka sa pagpapasya kung natipuhan mo na din sya at kung oo, ipapakasal ka namin sa kanya.” mahabang paliwanag ng hari.
A..ako?
Bakit ako?
Sa dami talaga ng magagandang dilag dito ako pa ang napusuan ng prinsipe?
Hanep. Haba ng hair ko :O
“Alona, ihatid mo na ang dalaga sa kanyang magiging kwarto.” narinig ko na lang na utos ng hari sa isang katiwala.
Napatingin ako sa mukha nya at namukhaan ko sya. Teka, ito yung babaeng masama kung tumitig sa akin na sumundo kay Ryu kahapon ah.
“Sumunod po kayo sa akin!” marahas na wika niya.
Sumunod ako sa kanya at hinatid niya ako sa isang malaki at napakagandang kwarto kung saan halos lahat ng kakailanganin ko ay andun na.
“Diyan ka titigil, Impokrita! Di ako naniniwalang nagustuhan ka ng prinsipe. Di ka naman kagandahan! Malamang ay ginayuma mo siya!” mataray na sambit sa akin ng babae sabay tulak sa akin.
“Aba’y talagang salbahe ka ah at di lang yun insecure pa! Halika nga dito!” naiiritang sambit ko sa kanya sabay sapok ko sa mukha niya.
*PAK!*
Tumalsik siya sabay talikod, pagharap niya sa akin ay nagiba ang itsura niya. Pumula ang mata niya at nagkaron siya ng pangil.
“I..isa kang bampira?!” di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“Obvious ba, kaya nagkakamali ka ng kinakalaban mo!” aniya sabay aktong susunggaban na niya ako.
Napapikit ako. (“)(“)
1 second
2 seconds
3 seconds
Teka.. Bakit di pa din niya ako inaano?
Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko si Ryu na may pangil din at namumula ang mata, sakal sakal si Alona habang tinataas nya ito sa ere at aktong papatayin na niya.
“Ikaw hayop ka! Di ako makapapayag na saktan mo ulit ang aking prinsesa! Papatayin na kita!!” gigil na sigaw ni Ryu.
“Ganyan ka naman eh. Mula pagkabata matapat ka na naming pinagsisilbihan pero walang awa mo lang kaming sinasaktan at pinapatay.” sagot naman ni Alona habang naiyak.
“Ryu! Tama na. Hayaan mo na sya!” pagaawat ko naman sa kanya.
Ayaw makinig sa akin ni Ryu, bagkus ay hinigpitan nya pa lalo ang pagsakal kay Alona.
Niyapos ko na lang si Ryu mula sa likod upang tumigil na sya.
Unti unti niyang binaba si Alona at tumakbo ito paalis habang naiyak.
Humarap naman si Ryu sa akin at sa pagkakataong ito ay wala na ang pangil at ang pamumula ng mata nya.
“B..bampira ba lahat kayo sa kahariang ito?” tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya.
“A..anong gagawin nyo sa akin? Magiging hapunan mo ba ako?” mangiyak ngiyak na tanong ko ulit sa kanya.
Niyapos naman ako ni Ryu na para bang sinasabi nyang okay lang ang lahat at wag na akong matakot sa kanila.
“Wag kang matakot.. Dinala kita dito hindi para kainin kundi para alagaan ka, pagsilbihan at mahalin. Hindi ako papayag na may manakit sa iyo. Katy, mahal kasi kita at lahat gagawin ko para mahalin mo din ako.” matapat na sambit ni Ryu sa akin.
---End of POV
****
si Alona tong asa gilid. ;)
BINABASA MO ANG
Lost in the Land of Damned Creatures
Vampire[Categories]: Vampire, Romance, Mystery/Thriller, Adventure & Fantasy Isang babae ang aksidenteng napadpad sa isang kakaibang lugar na kahit kailan, hindi niya pa naririnig at hindi man lang sumagi sa isip nya na isang araw ay mapapadpad siya dito...