Chapter 4 - Abducted

59 11 0
                                    

Chapter 4 - Abducted

Ryu’s Point of View :

Pumunta ako sa direksyon kung saan ko naaamoy ang halimuyak ng magandang dalaga na hindi ko man lang alam ang pangalan. Dala dala ko ang tatlong pulang rosas na ibibigay ko sana sa kanya. Dahil isa akong bampira, mabilis akong nakarating sa lugar kung saan andun siya.

Kaso..

WTF?! (O.O) *nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko*

QWERTYUIOPASDFGHJKLZXCVBNMp&()&%%$# ##%%^ &U*&*() (^$$##% ^T%o?!

Nakita ko siyang may kayakap na isang lalaki na mukhang samurai at isang batang babae, asa tabi sila ng ilog.

Grrr…. >:/

Mukhang inaagawan pa ata ako ng lalaking to ah!?!

ANG KAPAL KAPAL NG MUKHA NG MANYAKOL NA TO. KUNG MAKACHANCING SA KANYA WAGAS! MAY PAYAPOS YAPOS PANG NALALAMAN! May araw ka din sa aking hayop ka!!--- masama akong nakatitig sa kanila at sa sobrang gigil ko, kinuyom ko ang palad ko at nadurog ang mga rosas na hawak ko.

“HINDI!  HINDI AKO MAKAKAPAYAG!!! PARA SA AKIN LANG SIYA! AKIN LANG!” sabi ko sa sarili ko sabay binato ko ang dala dala kong mga nadurog na rosas sa sahig.

Masama ang loob kong bumalik sa palasyo at lahat ng humarang sa dinadaanan ko ay nadamay sa galit ko at nakatikim sa akin ng  tigiisang sapok sa mukha.

--- End of POV

Korei’s Point of View :

Wow! Sa wakas nagkapoint of view na din ako! Salamat author ha. Di ba nakakahiya naman sayo? Yung karibal ko na sa ngayon ay di ko pa kilala, may POV na agad. Ako ngayon pa lang nagkaron?! Tss. (,--)

Kasumi (author) : Pasensya ka na ha. Ganun talaga yung flow ng story eh! hahaha *bhelat* :P

Saka, Wag ka ng magalala makikilala mo na din siya.

Can’t wait. I swear, hihiwain ko siya sa gitna gamit itong napakatalas na espada ko! *sabay labas sa espada at wasiwas nito sa hangin*

Kasumi (author): Oyyy… easy. Wag ka na ngang warfreak diyan!  Magpatuloy ka na sa POV mo kundi sige ka, ibibigay ko na si Katy sa karibal mo.

Hehehe. Hindi, joke lang. To naman, di na mabiro. Peace tayo author! ^^,).v. *sabay kindat at peace sign*

Kasumi (author): Magsimula ka na nga sa POV mo at naiinip na yung mga readers oh! Okay? Bye (^^,)/”)

***************************************************************************************************

Naglalakad na kami pauwi ni Katy at Carousha sa bahay namin.

Oo na. Nakakahiya man aminin pero.. Hinahangaan ko nga si Katy.

Lahat kasi ng hinahanap ko sa babae nasa kanya na :

Maganda, Matalino, Mabait, Di natatakot ipakita sa iba kung sino ba talaga siya, Masayahin, Maaalahanin, Maalaga, at higit sa lahat.. isa syang totoong kaibigan.

Kaya nga nagalala talaga ako kanina nung akala ko, wala na siya.

Natakot talaga  ako…

Di ko kayang tanggapin ang ideya na mawawala siya sa akin habambuhay.

Dun ko lang narealize na mahalaga pala talaga siya para sa akin ---

“Yes!!! Sa wakas nakauwi na din! giniginaw na ako sa lamig” sambit ni Carousha sabay takbo papasok ng bahay.

Papasok na din sana kami ni Katy sa bahay ng may narinig kaming parang may nasitsit sa di kalayuan..

“Pssst.”

Hmm. Sino kaya yun?

“Pssst..”

Luminga linga kami ni Katy sa paligid pero wala naman kaming nakitang ibang tao.

“Pssssst…..”

“Lumabas ka diyan kung saan ka man nagtatago!” asar na sambit ko sabay hugot ko ng espada sa tagiliran ko.

Inisa isa ko ang likod ng mga puno dahil base sa tunog ay malapit lang sa amin kung sino man ang nangloloko at nasitsit sa amin.

“AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!” narinig ko na lang na sigaw ni Katy.

Pag lingon ko sa likod ay nakita ko si Katy na buhat ng isang nakataklubong na lalaki.

“Bitiwan mo siya!” sigaw ko habang patakbo sa direksyon ng kinaroroonan nila.

Kaso.

*SWOOOOOOOOOOSHHHHHHHHH!!!!!*

kasabay ng pagihip ng hangin, sa isang iglap lang ay mabilis silang nawala sa paningin ko.

“D..di kaya isang bampira ang dumukot kay Katy?” bigla ko na lang nasabi sa sarili ko.

May napansin ako na kumikinang sa damuhan, mukhang nahulog ito mula sa dumukot kay Katy. Maaaring makatulong din ito sa akin sa paghahanap sa kanila.

Pinulot ko ito at matamang pinagmasdan.

“I..imposible!”

---End of POV

****

Daddy ni Ryu to. Yung Vampire king. Ang nasa gilid

Lost in the Land of Damned CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon