Chapter 2 – The Mysterious Guy
Katy’s Point Of View :
Bumalikwas ako ng gising. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa kabilang kama ay wala na doon si Carousha. Pagtingin ko din sa sahig ay wala na dun si Korei at ang papag nya. Saan kaya yung magkuya?
Bumangon na ako, nagayos, nagsuklay ng buhok at bumaba. Hinanap ko sila sa buong kabahayan. Wala talaga. Tapos nakita kong may sulat sa hapagkainan at may pagkain pa na nakatakip.
Binasa ko yung nakalagay :
Katy,
lalabas lang muna kami saglit upang mamili ng tanghalian. Kumain ka muna diyan ng almusal at hintayin mo kami okay?
Korei
Inangat ko yung takip ng pagkain. May lugaw pala silang hinanda para sa akin. Kinain ko yun, hinugasan ko ang pinagkainan ko at lumabas.
Hmm .. Ano bang klaseng lugar ito? Hindi ko alam kung saan dadaan papunta sa pamilihan at sa bayan. Paglabas ko puro damo at puno ang bumungad sa akin. Naglakad ako ng konti padiretso sa mistulang gubat.
5 mins. later
Hmm. Wala pa din akong matanaw puro puno at damo pa din. Pataas pa ng pataas pa yung mga talahib ng damo.
Biglang may kumaluskos sa malayong parte ng talahiban.
“Sino yan?” tanong ko.
Walang sumagot.
Biglang may kumaluskos ulit. Palapit ng palapit sa akin yung direksyon ng gumagalaw sa talahiban.
Tumayo ang balahibo ko.
“AAAHHH!” Sigaw ko habang tumatakbo ako pabalik.
**BOOGSH!**
Bigla naman akong may nakabanggang lalaki na nakatakip ang buong mukha at katawan. Nadulas kaming dalawa at ang pwesto namin pagkabagsak? Awkward (“)(“) Napadagan siya sa akin ng di sinasadya. Bahagyang nakita ko ang mukha niya. Naalis kasi yung tela na tumataklubong sa mukha nya at..
Wow. (O.O)
Ang pogi niya. Sobra.
Bakit niya kaya tinatago yung napakagwapo niyang mukha? Siguro hinahabol kasi siya at pinagaagawan ng mga babae dito. hahaha ;D
Tumayo naman agad siya at tinakpan ulit ng tela ang napakagwapo nyang mukha at inabot ang kamay niya sa akin upang alalayan akong tumayo. Inabot ko naman ito, anlamig ng kamay niya.
“Ayos ka lang ba binibini?” tanong ng misteryosong lalaki.
“Ayos lang ako. Pasensya ka na. Sa pagmamadali ko ay nabunggo tuloy kita.” nahihiyang paumanhin ko sa kanya.
“Ayos lang yun. Ingat ka sa paguwi ha.” pagmamalasakit naman niya sa akin.
“Salamat.” tugon ko sa kanya.
Naglakad na ulit ako pauwi sa tinutuyan ko. Mahirap na, baka may makabunggo na naman ako pag tumakbo na naman ako ulit eh.
Ilang saglit pa, natanaw ko na ang bahay nila Korei at Carousha. Pinagmasdan ko to ng mabuti. Wow. Parang Japanese style house, may mga nakasabit na burloloy pa na parang mga beads sa bawat pinto at bintana at nakasulat dun ang kakaibang alpabeto. Pinagmasdan ko maigi ang mga nakasulat na letra at...
HINDEEE !
HINDEEE KO MAINTINDIHAN (Y.Y)
Wala ako sa Japan. Yun ang natitiyak ko. Nawala tuloy ang pagasa ko na makauwi. Kakaiba ang alpabeto dito. Malayong malayo sa alpabeto sa Japan.
BINABASA MO ANG
Lost in the Land of Damned Creatures
Vampir[Categories]: Vampire, Romance, Mystery/Thriller, Adventure & Fantasy Isang babae ang aksidenteng napadpad sa isang kakaibang lugar na kahit kailan, hindi niya pa naririnig at hindi man lang sumagi sa isip nya na isang araw ay mapapadpad siya dito...