ANGELITA
WRITTEN BY: MERVIN CANTA
EPISODE 1: KWARTO
Nagkalat ang mga gamit
Napuno ng ingay ang kwartong yun
Napuno ng maling pagmamahal ang kwartong yun
Gusto kong tumakbo, pero hindi ko makagalaw ang katawan ko
Simisigaw ako, pero parang walang nakakarinig sa akin
Wala akong magawa
Babae lang ako
At mahina.
Ako si angelita
Ako yung may-ari ng kwartong yun
Ako yung gustong tumakbo pero di makagalaw ang katawan ko
Ako yung sumisigaw pero parang walang nakakarinig
Ako yung walang magawa
Ako yung babae
At ako yung mahina.
May boyfriend ako si jayson
5 taon na kaming magkasintahan
At kahit kelan hindi kami nagkakaroon ng problema
May kunting tampuhan pero kaagad naming naaayos.
Nakita ko si jayson sa kwarto ko
Umiiyak at parang litong lito at parang may kinakausap ito
Nakita ko na nagkalat ang mga gamit
At nakita ko ang katawan ko doon sa kama ko.
Sira-sira ang damit
Gulo-gulo ang buhok
At naliligo sa sarili nitong dugo.
Patay na ba ako?
(tanong ko sa sarili ko)
Narinig kong kinakausap ni jayson ang katawan ko
“mahal ko anung nangyari sa iyo?”
“sinong gumawa sa iyo nito?
“magsalita ka, magsalita ka mahal ko”
Gusto ko syang yakapin
Pero hindi ko magawa
Gusto ko syang halikan pero tumatagos lang ang katawan ko sa katawan nya.
Bumulong ako sa tenga nya at sinabi
“mahal na mahal kita jayson”
At parang may himala na nangyari parang narinig nya ang sanabi ko
“mahal na mahal kita angelita”
Sana patawarin ako ni jayson
Sa ginawa ko, sana maintindihan nya na hindi ko ginusto ang nangyari sa aking ito.
Alam ng dyos
Nakikita nya lahat ng mga ginagawa natin
At alam nya kung anu ang tama
At alam nya kung sino ang may sala.
Sana tanggapin ako ng dyos sa kaharian nya
Kahit na marami akong naging kasalanan nagawa noon
Sana mapatawad nya ako
At sana bigyan pa nya ako ng pangalawang pagkakataon.
Para makasama ko pa ang mahal kong si jayson.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
One Shots Stories
RomanceOne Shots Stories written by wackymervin Compilations of one shots and short stories by yours truly :) Hope you like it guys.