MOVE ON

308 9 2
                                    

MOVE ON

Paano nga ba mag-move on?

---

Kring... kring... kring...

"Hala! Alas onse na! Lagot na naman ako kay Mama." Sabi ko sa sarili ko nang mamalayan kong late na pala ako sa pagpasok sa school. Kaagad na akong tumayo at tumakbo papunta sa may kusinan't nagsipilyo, habang hawak-hawak ng kanang kamay ko ang tootbrush at binabrush ang ngipin ko ay busy naman ang kaliwang kamay ko sa pag-ba-browse sa facebook account ko.

Nang halos lumuwa ang mga mata ko ng mabasa ko ang isang post ng isang malapit na kaibigan ko.

"Emily, change her status from in a relationship to single!" napatigil ako sa pagtutootbrush ko ng minutong iyon at kaagad kong tinawagan si Emily. Sinagot naman niya ang tawag ko ng minutong iyon. Tinanong ko siya kung talaga bang totoo ang nabasa ko sa post niya sa status niya. At pinatotoo nga niya ang pangamba ko ng minutong iyon. Totoo. Totoong break na sila ng boyfriend niyang si Shau Marc. Pero kaagad din niyang ibinaba dahil sa wala raw siya sa mood na pag-usapan kung anong nangyari.

Nalungkot naman ako sa nangyari. Alam ko kung gaano kamahal ni Emily si Marc, nagbubulag-bulagan lang siya kahit na marami siyang naririnig na hindi maganda tungkol sa kasintahan niya, pero ipinaglaban parin niya ito. Kaya nga nagtataka ako kung anong nangyari?

Pero sa totoo lang, may kaunti akong saya na naramdaman ng minutong iyon. Hindi dahil alam kong nasasaktan ang kaibigan ko, ngunit dahil alam kong nakalaya na siya sa lalaking hindi naman talaga pinapahalagahan ang pag-ibig na ibinibigay niya. Dahil alam kong deserve ng isang babaeng katulad ni Emily ang mahalin ng totoo at iyon sana ang gusto kong ibigay sa kaniya.

Oo. Matagal ko nang lihim na iniibig ang kaibigan ko. Pero, natatakot kasi ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya, hindi ko kasi alam kung parahe ba kami ng nararamdaman. Hindi naman kasi pupwede na ako lang itong nagmamahal, para naman kasing nakakagago iyon hindi ba? Mahal ko siya oo, pero natatakot ako na baka itong pagmamahal ko ang maging dahilan para lumayo siya sa akin. Kaya kahit na kating-kati na akong sabihin sa kaniya na gusto ko siya, na matagal na siyang tinitibok ng puso ko, ay tinatago ko nalang. At mukhang wala na ata akong kailangang gawin kundi ang itago ito.

Ngunit dumating din naman iyong pagkakataon na sinapian ako ng tapang ni Adonis, at naglakas loob akong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko, kaso epic fail. Ewan ko, sa tuwing dumarating ang oras na iyon ay natatameme ako, at nagmumukha akong gago. Pero nang oras na iyon, naging isang malaking gago ako.

Imbis na kasi na sabihin ko na gusto ko siya, iba ang nasabi ko. Nasabi ko na gusto siya ni Shau Marc. Na kung saan ay alam ko na oras na iyon ay gustong-gusto niya ito. Naging close sila, at hanggang sa humantong na niligawan na nga ni Marc si Emily. Napaka-laki kong gago hindi ba? Pero, okay lang. Kasi sa mga panahon na iyon, lagi kong nakikitang masaya si Emily. At wala naman akong gustong mangyari kundi ang lagi siyang nakikitang masaya.

Pero iba na ngayon.

---

Pag-uwi ko galing sa school ay hindi kaagad ako dumiretso sa bahay, pumunta ako sa bahay nila Emily at nakasalubong ko ang si Tita Tisay, ang Mommy ni Emily. Na nangangamba at natatakot na sa ginagawa ni Emily na hindi pagkain at hindi paglabas sa loob ng kwarto nito. Sinabihan pa ako ni Tita na kausapin ko raw ang kaibigan ko at papayagin na kumain na dahil baka ikasama niya ang hindi pagkain ng ilang araw na. Kaagad na akong dumiresto sa loob at pumunta sa kwarto ni Emily, kumatok ako ng ilang ulit ngunit hindi siya sumasagot. Ngunit lumipas ang ilang segundo ay sumagot kaagad ito, akala niya siguro ay ang Mommy parin niya ang kumakatok at kinukulit siyang kumain o lumabas na nang kwarto. Nang nagsalita na ako ay doon ko na naramdaman ang mabibigat na yakap papunta sa harapan ng pintuan ng kwarto niya, maya-maya ay bumukas na ang pintuan at sumilip siya.

One Shots StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon