Slumnote
(A True life Story)
WRITTEN BY: MERVIN CANTA
Chapter 1: MARC DE GUZMAN (transferee boy)
Ako po si Eric, 13 taong gulang, second year highschool student
Sa isang pampublikong paaralan dito sa taguig.
Mahilig akong gumawa ng mga Autograph, Scrapbook, At Slumnote.
Dahil dito nalalaman ko ang mga impormasyon ng mga kaibigan at
Mga magiging kaibigan ko palang.. tulad ng kanilang birthday.
Kung anong paborito nila pag-kain, colors, likes and dislikes
At higit sa lahat sino ang crush nila.
May bestfriend ako si abegail, halos kasing edad ko rin sya pero hindi katulad ko
Sya marami ng experience sa buhay, may mga naging kasintahan na kaagad sya.
At marami pang nag-aabang.
Maganda kasi si abegail…bukod sa kagandahan, matalino na at magaling pang kumanta
Parang lahat ata ng talento na binigay ng dyos kinuha na nya.
Kaya nahuhumaling ang mga lalake sa kanya.
Hindi katulad ko isang hamak na mahinhin, tahimik at mahiyain
Pero magaling rin naman ako sa eskwela.
Oo aminado ako isa akong bading
Kaya siguro walang nagkakagusto… kaya hanggang tingin nalang ako :’(
Hanggang isang araw….sa school
May isang pamilya ang pumasok sa guidance office
Narinig namin na may magtatransfer raw na isang estudyante.
At marc ang pagkakarinig namin sa pangalan nito.
Nagbell na…
Oras na para pumasok sa classroom
Nagulat kami ng pumasok sa loob ng classroom namin si mrs. Garcia
Kasama ang isang lalake.
Isang lalakeng gwapo, matanda, chinito at mabango.
“hello good morning to all of you class”
(sabi ni mrs. Garcia)
“may bago tayong estudyante sya si marc david de guzman
Kasing edad nyo rin sya at simula ngayon dito na sya papasok sa eskwelahan natin”
(kumpletong sinambit ni mrs. Garcia)
“hello good morning to all of you nice meeting you all”
(bungad sa amin ng gwapong si marc)
“sige marc dun kana umupo sa dulo doon ka tumabi kay De Ocampo”
(Sabi ni mrs. Garcia)
Nagulat ako dahil ako si de ocampo, ibig sabihin magiging seatmate ko si marc?
At sobrang cute nya talaga!
At I think I like him na kaagad!
(sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan sya)
Itutuloy…
BINABASA MO ANG
One Shots Stories
RomanceOne Shots Stories written by wackymervin Compilations of one shots and short stories by yours truly :) Hope you like it guys.