SLUMNOTE 2:6

149 3 1
                                    

Chapter 2: Love at first Sight

Tahimik sya, halos hindi nagsasalita.

Focus sa mga ginagawa, at tingin ko matalino ito.

Ang ganda mga mata nya, 

Ang tangos ng ilong nya,

At Ang pula ng kanyang mga labi.

Nang napansin nya ako na tinitingnan sya

Ay natakot ako baka magalit sya sa mga pinag-gagawa ko sa kanya.

Pero mali ako di sya katulad ng ibang mga lalake.

Nginitian nya ako at kinausap.

Kinikilig ako sa twing tatanungin nya ako

Noong mga oras na yun ewan ko ba kung bakit namamawis ang mga kamay ko.

Natatameme ako kapag tinatanong nya ako at di ako mapakali sa upuan ko.

Hindi ko maexplain ang feeling ko para akong tanga.

Siguro inlove na ako.

Inlove na ako kay marc.

Parang love at first sight?

Dahil sa mabait sya

At hindi sya nahihiya na kausapin ako kaya nahulog kaagad ang loob ko sa kanya.

11:30 am lunch time

Ikinuwento ko kay abegail ang mga pinagusapan namin ni marc.

Galing pala sila ng davao at lumipat dito dahil sa dito naka-distino ang ama nyang sundalo.

“ano may girlfriend na ba raw sya?”

(tanong ni abegail)

“hindi ko alam, di ko naman naitanong eh, at nahihiya ako no!”

(sagot ko naman sa kanya)

Nang biglang may sumagot…

“wala! Wala pa akong Girlfriend!”

At bigla kaming nagkatinginan ni abegail.

Itutuloy…

One Shots StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon