OKAY LANG.
Mapapansin mo ba ang tulad ko? Kahit na sa sulok lang ng iyong mga mata.
Ito ang lagi kong tanong sa tuwing nakikita kita sa school. Mailang beses mo na ba akong nabangga? Pinulot mo pa ba yung papel na hawak-hawak ko na siyang nabitawan ko noong nabangga mo ako. Kaso tinignan mo lang ako, pero okay lang kahit papaano nakita ko yung mga mata ko na nakatingin sa akin. Saglit man yun, okay lang. di ka man ngumiti, pero yung mga mata mo pa lang ngumingiti na. okay na.
Siyempre kinilig ako nun. Sobra! Sobra akong kinilig. Napakagat labi pa nga ako sa sobrang pagtatago ko ng kiligness ko sa sarili kong iyon. Kaso… kaagad itong napalitan ng inis noong Makita ko yung mukha mo na mas nakangiti pa kesa kanina noong Makita mo yung babaeng sinasabe nilang nagugustuhan mo. Ewan ko, alam ko naman na wala akong karapatang masaktan in the first place dahil sa wala naman tayo. At napaka-gaga ko naman kung iiyak ako dahil lang doon sa nakita ko. Tae! Ngiti lang iyon, ningitian niya lang din yung babae ano ka ba? Ikaw nga ningitian ka rin niya. Kaso pahapyaw nga lang. Nagtatalo ang isip ko at ang puso ko.
Kaso malakas talaga ang pakiramdam ko na di lang sila magkaibigan, more than that pa. kung makaakbay siya parang may malisiya. Kung makangiti siya wagas. Ako naman itong si Assumera. Nasasaktan. Nasapok ko nalang ang ulo ko ng hawak kong folder. Mabuti pa yung folder ko nadikitan ng kamay niya, ngunit ako? Kahit dampi lang sana okay na. kaso wala talaga, ang hirap-hirap niyang marating.
Minsang akong nag-aantay sa may sakayan ng dyip, at hawak ko ang cellphone ko. Nang napatingin ako sa gilid ng mga mata ko. Naroon ka. Kaagad na tumalon ang puso ko noong nakita ko ang mga mata mo. Di ka man nakatingin sa akin okay lang. halos di ako makahinga ng minutong iyon na di ko maintindihan. Napakalapit lang natin sa isa’t isa. Isang lupa lang ang tinatapakan nating dalawa. Isang hangin lang ang hinihingahan nating dalawa, para narin pala kitang na hahalikan sa pamamagitan ng hangin.
Ilang minuto tayong nakatayo roon kasi ilang minuto din atang walang dyip na umiikot sa paligid na iyon. Kaya ewan ko, kahit na alam kong mapapagalitan na ako ng guro ko dahil sa sobrang late na ako ng oras na iyon. Okay lang . kasi kasama kita. Nakita kita.
Kinuha mo ang cellphone mong tumutunog sa pantalon mo. Sinagot mo ang tawag na ito, at saka ka napangiti, hindi e tumatawa ka. Kasabay ng pagtawa mo ang pagtawa din ng mga mata mo. Shemay. Ang sarap titigan. Alam kong krimen na itong ginagawa ko kung mayroon man. Pero… ang sarap reypin ng mga mata mo. Noong sa wakas ay may dyip nang dumating, wala naman laman yung dyip kundi yung driver lamang. Nauna kang pumasok sa loob, at ako? Nagdadalawang isip pa kung susunod ako sa iyo. Kaso tinanong ako ng driver kung sasakay raw ba ako, kasi traffic at mamaya paraw susunod yung isa pang dyip na kasabay na, nastock sa traffic. Wala akong choice, biro lang. sa totoo lang, parang destiny ang mga nangyayari. Di ko expected na makikita kita ngayon, at isa pa. di ko rin expected na makakasabay kita sa loob ng dyip sa araw na ito. Minsan ang sarap ding pasalamatan ng traffic. Di ako umupo sa harapan mo kasi baka marape ko na talaga yung mga mata mo sa kakatitig ko sa iyo.
May kung anong dinukot ka sa bulsa mo at maya-maya inabot mo ang baryang bayad mo sa akin. Emhergeddddd nahawakan ko na ang kamay mo. Sa wakas. Sa wakas. At isa pang sa wakas. At nakangiti ka bilang bayad mo sa akin sa pag-abot ko s bayad mo ng oras na iyon.
Minsan kitang nakita, na kumaway sa akin. At ako naman itong nag-aalangan kung ako nga ba talaga iyong kinakawayan mo pero patuloy ka parin sa pagkaway sa akin na parang tinatawag mo ako. Kaya lumapit ako sa iyo… kaso noong halos malapit na ako sa iyo. Yung babae naman na lagi mong kasama ang lumapit sa iyo at hinampas ang balikat mo. Ang masama pa rito, binangga pa ako noong babaeng nililigawan mo. Sa sobrang inis ko gusto kong sambunutan… sambunutan yung sarili ko. Kasi napaka-napaka… napaka… assuming ko. Nasaktan na naman tuloy ako.
I was about to forget you. Pero di ko talaga kaya. Sa tuwing nakikita kita, di ko maiwasan na di mainlove sa mga ngiti mo. Sa pagtitig mo. Di ko kasi napigilan ang puso ko. Di ko mautusan kung sino o kanino pwedeng tumibok ito. Kasalanan ko ba? Oo nga kasalanan ko nga. Kasalanan ko ng na nagmahal ako sa isang taong parang anino lang naman ang turing sa akin. Kasalanan ko kasi, sa dami-rami ng pwede kong magustuhan ikaw pa.
Okay lang naman.
Okay lang naman.
Kaso tang-ina! Ang sakit!
Ang sakit-sakit.
Ayokong mag-assume kaso yun lang ang kaya ko. Ang mag-assume na isang araw ako naman itong papansinin mo, ako naman itong kukulitin mo, ako naman itong mahahalin mo.
Okay lang. okay lang talaga.
Masakit pero OKAY LANG
BINABASA MO ANG
One Shots Stories
RomanceOne Shots Stories written by wackymervin Compilations of one shots and short stories by yours truly :) Hope you like it guys.