"From the outside, she looks beautiful and attractive in her own way, her simplicity and friendliness. From the inside, she is a person who has an extraordinary and inspiring personality."
"Kumusta na 'yong nakagat ng pusa?" tanong ko kay Haze noong huli kaming magkita pagkatapos ng klase.
"Okay na. Nothing to worry. Eto nga, halos hindi na mapansin ang pilat ng sugat," sagot niya sa akin kasabay ang isang matamis na ngiti.
Ewan ko ba, kapag ngumingiti si Haze ay mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Ang ganda niya ay hindi nakakasawa. Siya iyong kapag tinititigan mo ay mas lalo pang gumaganda.
Hindi ba may napapansin tayong mga babae na sa unang tingin ay magagandahan agad tayo. Pero kapag tinitigan mo na ay saka mo sasabihing, ah sakto lang pala. Hindi naman pala masyadong maganda.
Pero iba si Haze. Sa unang tingin man o kahit pagtagal na, maganda pa rin siya. Oo, sasabihin ng iba na maraming mas maganda pa rin kay Haze lalo na iyong mga artista. Eh, bakit naman natin siya ikukumpara sa mga artista? Hindi naman siya pabulosa. Hindi nga siya mahilig sa mga kolorete. Maganda siya at kaakit-akit in her own little way. Si Haze ay isang simpleng babae lang. Pero ang kasimplehan niya talaga ang nagdala. Iyong kasimplehan niya ang mas nagpapatingkad sa ganda ng kanyang itsura. At kapag nakilala mo siya at naging kaibigan ay mas lalo mong makikita na hindi lang siya isang magandang babae sa panlabas na kaanyuan. She is naturally friendly kaya madali niyang makapalagayang loob ang sino man. Sa totoo lang, kahit mahilig siyang sumama sa mga rally sa school man o sa kalsada, hindi ko pa siya nakitang makipag-away kanino man. Ang ginagawa niyang pagsama sa rally ay pakikipaglaban para aa karapatan ng iba, ng mga taong maliliit na gusto nigang tulungan sa sarili niyang paraan. Nagsisilbi siyang boses ng mga nauumid at nauutal. Ng mga nahihiya at walang kakayahang ipabatid sa iba ang kanilang mga hinaing at agam-agam.
Iba talaga si Haze. Ibang-iba. Siya iyong tipo na may ekstra ordinaryo at nakaka-inspire na personalidad.
Hindi ka niya pipintasan sa iyong mga kakulangan. Instead, tuturuan ka niyang gumawa ng mga bagay para iangat ang iyong kakayahan. Dahil naniniwala siyang nilikha ng Diyos ang tao na pantay-pantay. Ang kakulangan ng isa sa isang bagay ay maaaring punan sa ibang bagay naman. Parang ganito: kung hindi ka maganda, baka naman sobrang matalino ka. Kung hindi ka magaling sa Math, baka naman magaling ka sa Arts. Tapos sasabihin ni Haze, "Nasa sa'yo na iyon kung paano mo palalabasin sa sarili mo ang nakatago mong talento. At ang mga kahinaan mo bilang tao, huwag mong hahayaang maging kahinaan mo hanggang sa pagtanda mo. Little by little, learn to improve on your weaknesses until such time when these weaknesses become your strength as well without you knowing it."
"Tara na. Uwi na tayo," yaya ko sa kanya. Tumango lang siya at magkasabay na kaming naglakad papunta sa iniuwian niyang apartment. Habang nasa daan ay nakasalubong kami ng isang babaeng namamalimos may kargang anak. Payat ang babae at ang anak nito na tila dalawang taong gulang lang ay napakaliit at mukhang may sakit.
Pagtapat sa amin ng babae ay huminto si Haze at nagtanong. "May sakit po ba ang baby mo?"
Sa una ay parang nag-aalangang magsalita ang babae. Pero sa huli ay sumagot din ito. "Wala po, payat lang talaga siya," sagot ng babae.
"Saan kayo umuuwi?"
Umiling ang babae. "Wala kaming bahay. Natutulog kami kung saan abutin ng gabi. Minsan sa bangketa, minsan sa ilalim ng tulay. Minsan din sa mga overpass. Kaso kapag biglang umulan, kailangan naming lumipat ng puwesto."
Nakita ko ang habag na rumehistro sa mukha ni Haze. Nababasa kong gusto niyang tulungan ang mag-ina.
Binuksan niya ang dalang bag at kinuha sa kanyang wallet ang isandaang piso. "Eto po, ate pambili n'yo ng pagkain. Ingatan n'yo po si baby."
"Maramimg salamat." Tinanggap ng babae ang pera at umalis na ito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Ang bait mo naman," sabi ko sa kanya. "Isandaan talaga?"
"Eh, magkano? Limang piso? Sampu? Beinte? Anong mabibili no'n? At least 'yung isandaan, siguradong makakabili sila ng panghapunan," aniya.
"Pero 'di ba sabi, don't give the man a fish. Instead, teach him how to fish."
"Totoo naman iyon. Kaya nga lang sa itsura ni ate at ng anak niya, kailangan muna nilang kumain bago mo sila turuang magtrabaho para makakain. Nakita mo naman siguro, 'yong baby parang may sakit sa sobrang kapayatan," argumento pa niya.
Nginitian ko si Haze. "Eh, ba't ka affected?"
"Nakakaawa kaya sila. Kaya any help na kaya ko at puwede kong ibigay, hinding-hindi ko ipagdadamot."
Muli akong humanga sa kakaibang ugali ni Haze. Paano mong hindi mamahalin ang babaeng ito na hindi maramot magpakita ng malasakit at pagmamahal sa kanyang kapwa?
"O, nandito na tayo," sabi niya nang makarating kami sa apartment na tinitirhan niya. "Gusto mo bang pumasok muna?"
"Next time na lang, may gagawin pa akong research work."
"Ikaw ang bahala." Nagkibit-balikat siya. "Salamat sa paghahatid sa akin."
Hinintay ko lang na makapasok siya sa loob ng apartment bago ako tumawid sa kabilang kalye para sumakay ng jeep. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko si Haze at ang magaganda niyang katangian na mas lalong nagtutulak sa akin para siya'y mahalin. Napakasuwerte ko. Iilan na lang ang mga tao ngayon na maganda na sa panlabas na anyo ay maganda rin ang kalooban.
"Anak, andyan ka na pala," salubong sa akin ni mama nang makarating ako ng bahay. "Magpalit ka na ng damit at tinatapos ko lang itong niluluto kong hapunan natin. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo."
"Opo, 'ma. Gagawin ko lang po muna itong research work ko. Bukas na 'to isa-submit, eh." Dumiretso na ako sa aking kuwarto para magbihis. Naiwan si mama sa kusina.
Mahal na mahal ko si mama. Mula noong iwanan kami ni papa noong apat na taong gulang pa lang ako ay si mama na ang tumayong ama at ina sa akin. Ginawa niya ang lahat para maitaguyod ako. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. Basta mapagkakakitaan ay ginagawa niya para lang matustusan ang pag-aaral ko at ang iba pang mga gastusin namin dito sa bahay. Ngayon nga ay may dalawang online jobs siya. Sa umaga ay legal transcriptionist at sa gabi naman ay nagtuturo siya ng English sa isang Hapones.
Wala na akong balita kay papa. At hindi ko rin naman siya hinahanap. Iniwan niya kami at tuluyan nang pinabayaan. Hindi naman ako galit sa kanya. Hindi ko lang maiwasang magtanong at magtampo lalo na noong mga panahong nakikita kong umiiyak si mama. Awang-awa ako kay mama dahil alam kong nahihirapan na siya. Ngunit nanatili siyang matatag at hindi sumuko. Hanggang napatunayan ni mama na kaya namin na kaming dalawa lang. Nawala man ang dapat sana ay tatayong haligi ng aming tahanan, pero para sa akin ay hindi siya isang malaking kawalan.
BINABASA MO ANG
Finding The Value Of Ex (Para sa mga Ayaw Mag-move On)
General FictionPara kay Jeffrey Reyes, si Hazel De Dios ang nag-iisang babae para sa kanya. Wala na siyang balak na maghanap ng iba pa. Kaya naman sobrang sakit ang naramdaman niya nang mag-break sila dahil na rin sa kagagawan ng babae. Ngunit ang puso ni Jeffrey...