A'N: I made few changes here. May dinagdag lang ako. Hahahaha. But more importantly, I am now back! 😂
Pupungas-pungas akong naglalakad pababa ng hagdan nang may magsalita.
"Enrolled ka na."
Agad akong napatingin sa direksyon ni Papa na prenteng nakaupo sa sala habang nagbabasa ng newspaper.
"Po?" wala sa sariling turan ko atsaka humikab.
Kagigising ko lang at ayaw mag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Papa. Lutang pa rin ang isip ko dahil sa matinding sakit ng ulo dulot ng mahabang biyahe.
Kararating ko lang kasi kahapon galing sa probinsya namin. I stayed there with my grandmother for 2 months. Mindanao ang probinsya ng Lola ko sa Father side kaya 3 days and 2 nights din ang naging biyahe ko bago makarating dito sa Manila.
Ayoko kasing sumakay ng eroplano. Hindi ko alam pero parang may phobia ako kapag sumasakay ako roon. Kaya kahit mahirap ay mas pinili ko nalang ang mag-trucking para makapag-bakasyon man lang sa Lola ko bago ako mag-kolehiyo.
Kaya kahit nakabawi naman na ako ng tulog kagabi ay tila parang kulang pa kumpara sa dalawang gabing wala akong tulog dahil sa sobrang lamig. Paano'y aircon ang nabiling bus ticket ni Lola kaya dalawang gabi rin akong walang tulog at nagtiis sa sakit ng tiyan dahil sa matinding lamig.
Sa loob kasi ng dalawang buwan na pananatili sa probinsya ay nasanay na ang katawan ko sa init ng temperatura roon at walang electric fan kahit isa.
At heto, kagigising ko lang at may nakakagulat na agad na balita ang bumungad sa akin.
"I already enrolled you in GFA," simpleng turan ni Papa na sandali akong sinulyapan at agad rin'g ibinalik ang paningin sa newspaper na hawak.
"What?!" gulat na tanong ko.
Biglang nagising ang antok na diwa ko at nanlalaki ang matang tumingin kay Papa.
"Sinabi ko na ng dalawang beses. Ayoko nang ulitin pa."
Mabilis akong naglakad papalapit kay Papa at umupo sa tabi niya.
"Pero bakit mo 'yon ginawa, Papa? Diba, sabi ko, ako na ang magpapa-enroll sa sarili ko? And besides, gusto kong sa isang public university lang mag-aral," turan ko at hinawakan siya sa braso. "Pa, why did you do that? Akala ko ba okay lang sa inyo na sa public school ako mag-aaral?"
Ibinaba niya ang hawak na diyaryo at tumingin sa akin.
"Hindi ako makatanggi kay Mr. Faulkerson, anak. He insisted to enrolled you there."
"Pero----"
Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin nang hawakan ako ni Papa sa kanang braso ko.
"Anak, I'm sorry. Pero nakakahiyang tanggihan si Mr. Faulkerson at alam mo ang rason kung bakit."
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso ni Papa at humugot ng malalim na buntong-hininga. What am I going to do now?
"Maganda naman doon. Doon nagtapos ang mga Kuya mo and Mr. Faulkerson also wants to finish your degree there."
Napanguso ako at wala sa sariling napatango nalang. Wala na akong magagawa. Enrolled na ako at hindi na pwedeng mag-welga pa, atsaka wala pa akong lakas para mag-welga ngayon. Masyado pang matamlay ang katawan ko dahil sa mahabang biyahe.
"Next week na ang start ng class sa GFA. Nabasa ko sa website kagabi."
Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ni Kuya Liam. Nakasabit sa kanang balikat niya ang suit niya at nakapamulsa naman ang kaliwang kamay niya. Tumayo ako at mabilis siyang niyakap.
"Waaaaah! I missed you, Kuya. Kumusta?" tanong ko at pinanggigilan ang mga pisngi niya.
"A-Aray. Masakit, bunso." ani Kuya. Agad naman akong huminto sa pagpisil ng pisngi niya nang sabihin niya 'yon.
"S-Sorry, Kuya. Na-miss lang kasi talaga kita. Hehe," sabi ko sabay peace sign. "How's your business?"
"Okay lang, wala namang problema sa business ko. Magaling ako mag-handle ng business, eh." may bahid ng pagmamayabang na sabi niya.
Inirapan ko siya. Tsk, hinawaan na ni Kuya Carlo!
"So, sabi ko nga kanina, next week na ang start ng class sa GFA and I suggests that you should visit their website. Malaki ang GFA kaya dapat ngayon pa lang, kabisaduhin mo na ang bawat sulok nito. May nakalagay na map sa website." ani Kuya at ibinigay ang iPad niya sa akin.
"Mamaya na. Kagigising ko pa nga lang, eh." angil ko at ngumuso.
"Okay. Good luck to your college life, bunso." nakangising sabi niya at pinisil ang kanang pisngi ko 'tsaka dumiretso na sa kusina.
Great! Now, I have no freaking choice but to study there weather I like it or not. Never in my life that I imagined myself being surrounded by those elites. I can't imagined myself dealing with those spoiled brats. What a life!
Well, mind you! This is not destined to be happened. This is just part of my challenges in life. Nothing more, nothing less. Destiny doesn't exist! And I'll prove it to you someday.
BINABASA MO ANG
Destined To Be
Fiksi RemajaMeet Megan Pearl Hernandez, a jolly yet fast talker girl. The one and only girl who strongly doesn't believe in destiny. Naniniwala siya na ang tao ang mismong gumagawa ng sarili nilang kapalaran. She doesn't believe that God is the one who decides...