Chapter 4
Gulantang pa din kami sa nangyari. Tapos na kaming magLunch & Dinner. Ngayon ay nakaupo na kami sa isang square na table. Sa isang side, magkatabi sila Nerichelle & Almera. Sa isang side naman si Harvey & James. At ako lang mag-isa sa isang side.
Merong kandila sa gitna ng lamesa kaya naman nakikita na namin ang isa't-isa. As usual wala pa ding kuryente. Walang nagsasalita. Tahimik ang lahat. Iniisip pa din namin yung nangyari kanina. Si James medyo inaantok-antok na. Paubos na din yung kandila sa harapan namin. Nang biglang may kumatok..
*tok tok tok*
"Guys, teka lang ha. Sisilipin ko lang kung sino yung kumatok." - Neri
Pagkatayo niya, sakto namang naubos yung kandila. Wala na kaming ilaw. Hindi na naman namin nakikita ang isa't-isa. Narinig ko si Neri na bumalik na sa upuan niya.
"Wala naman eh."
"Ah ganun. Sige teka lang kukuha lang ako ng kandila."
Tumayo na ako para pumunta sa kusina. Binuksan ko yung aparador namin dun. Dahil nga madilim, kinapa-kapa ko lang. Ayun! Kinuha ko na yung kandila at posporo saka bumalik na sa lamesa. Pagkasindi ko ng ilaw...
BUMALIK SI NERICHELLE SA UPUAN NIYA..
"WALA NAMAN EH."
"Paulit-ulit lang Neri!?" - Faye
"Huh? Excuse me! Kakabalik ko lang noh. Remember sinilip ko yung kumatok."
"Huh? Pero... SINO YUNG....?"
HARVEY'S POV
Kanina ko pa pinipigil yung ihi ko dito. Pero teka, baliw na ata 'tong si Faye. Sabi niya bumalik na daw si Neri bago maubos yung kandila. Eh kakabalik nga lang niya eh. Ah basta! Naiihi na talaga ako, di ko na kaya 'to.
"Guys! Naiihi na talaga ako. CR lang ako ah."
Pumunta na ako sa CR. Magpapasama sana ako kay James kaya lang tulog na siya. Nasa dulo ang CR nila, bale pader na lang yung katabi nito. Pero bago pa man ako makapasok sa banyo, nagulat ako sa nakita ko..
may puting hindi ko maipaliwanag na dumaan sa harap ko at tumagos sa pader. Sa sobrang takot ko, umurong yung ihi ko at nagkulong ako sa CR. hindi ako lumabas, natatakot ako baka pagbukas ko ng pinto may kung anong bumungad sa harap ko.
Matagal-tagal na din akong nakakulong dito sa banyo kaya naririnig ko na yung mga kaibigan ko na hinahanap ako.
"Where's Harvey? Ang tagal niya ah!"
"Hanapin na natin. Baka naligaw na yun. Sa sobrang laki ba naman ng bahay niyo."
"Tara. Let's go upstairs. Baka andun siya sa taas."
NO! Andito lang ako sa baba. Wag kayong umakyat. Wag niyo ako iwang mag-isa dito sa baba!! Maya-maya'y may narinig akong katok. Katok dito sa banyo..
*tok... tok... tok...*
Hindi ko ito binuksan. Paanong may kakatok? EH NASA TAAS SILANG LAHAT DIBA? Lalo akong nanginig sa takot. Naihi na ako a pantalon ko. Nang may kumatok ulit...
*tok tok tok* "Harvey, anjan ka ba? Si Faye 'to. Kung anjan ka, lumabas ka na oh."
Narinig ko ang boses ni Faye. Siya nga yun. Kaya lumabas na ako ng pinto. Hay salamat. Nawala yung takot ko. Eversince natatakot na talaga ako dito sa bahay nila Faye. Basta, may nafiFeel ako dito sa bahay nila. Parang may mali, PARANG MAY IBA PA SILANG KASAMA DITO SA BAHAY NA ITO.
BINABASA MO ANG
DOPPELGANGER (one shot)
HororAng akala niya, Isang 'advanced' get together ng Barkada ang nagaganap... Pero lingid sa kaalaman niya na nagsasaya siya, ng MAG-ISA.