CHAPTER 5 (LAST CHAPTER)

156 11 3
                                    

Chapter 5

FAYE'S POV

Nakita na namin si Harvey. Biruin mo, nagkulong ba naman sa banyo? Hay, kalokohan talaga.

"Guys, di pa ba tayo matutulog?"

"Yeah. Let's sleep na. Daming nagyari today." - Neri

"Uhm, kung sa Rooftop kaya tayo matulog this time? Para naman masaya! Saka medyo mainit kasi dito, walang aircon." - Almera

"That's a great idea!" - Neri

"Oh siya, tara na."

"James.. James.. Gising na! Akyat tayo sa taas." - Harvey

"HUH!? Ano na!? Asan na tayo!?" - James

Bangag talaga 'to si James kahit kailan -____-

"HAHAHAHA! baliw! Akyat na tayo! Sa rooftop tayo matutulog!"

Nagtawanan kaming lahat dahil sa kashungahang taglay ni James. :3

Umakyat na nga kami sa rooftop. This time na naming magkakatabi na kami dahil sa liwanag ng buwan. Hay, ang sarap ng feeling. Sana lagi na lang ganito. Kasama ko yung mga kaibigan ko. Nagtatawanan kami. At tabi-tabi kaming matutulog sa ilalim ng buwan.....

3:00AM

Naalimpungatan ako. Sa sobrang lamig siguro. Tinignan ko yung mga kaibigan ko, sobrang tulog na tulog sila. Si Nerichelle humihilik pa. HAHAHA! Pero teka, ang lamig talaga. Sobra. Iba ata yung lamig ah. Bumaba ako para kumuha ng kumot. Hindi ko alintan yung takot dahil antok na antok ako. Nasa kwarto ni Mommy yung mga kumot, ang layo pa naman. Ayan, andito na ako. Kumuha ako ng apat na kumot. Pero nung pabalik na ako sa rooftop, may nakalimutan ako. Lima nga pala kami. Haysh, balik na naman ako. Sobrang dilim, maramdaman ko na yung takot kaya naman binilisan ko ng konti yung palalakad ko.

Andito na ako sa Rooftop dala yung mga kumot. Kinumutan ko isa isa yung mga kaibigan ko. Alangan namang solohin ko 'tong limang kumot? Edi ang init nun. Paglatapos ay bumalik na ako sa higaan ko at natulog muli.

Kinabukasan.....

FAYE'S POV

8:00AM

Nagising ako. Tinignan ko yung mga kaibigan ko. Huh? Wala na sila? Umuwi na!? Loko yun ah! Di manlang ako ginising! Iwanan ba naman ako dito!? Matawagan nga yung mga yun. Ay teka, nasa baba yung cellphone ko. Makababa na nga.

Pagkababa ko. Wala na talagang tao. Iniwan talaga nila ako huh. Hmp! Nakakainis sila >___< Pagkakuha ko sa cellphone ko, nagGroup Call ako. Para sabay sabay ko silang makausap.

"HOY! LOKO KAYO AH! Bakit niyo naman ako biglang iniwan dito!? Di niyo manlang ako ginising bago kayo umalis! Nakakainis kayo! Pero, kamusta? Enjoy ba kauo sa bonding natin? Nag-enjoy ba kayo dito sa bahay? 1 week din yun ah! Ang saya diba? Ulitin natin ha?"

Hahaha. Dinire-diretso ko yung pagsasalita. Tutal di naman sila nagsasalita eh. Gulat na gulat siguro dahil sa galit ko.

Pero ako ata ang nagulat sa sinagot nila sakin... Hindi ako makapaniwala sa sinagot nila.... Dahilan para malaglag yung cellphone ko....

"Huh?! Anung bonding? Lol. Di pa kami napunta jan. Next week pa diba? Anung pinagsasabi mo? Masyado kang excited ah!"

Nahulog yung cellphone sa sobrang pagkabigla. Hindi pa sila pumunta dito? Eh diba andito sila Last Week? Andami pa ngang nangyari. Ang saya saya pa nga. P-paanong nangyaring hindi pa sila pumunta dito?

SINO YUNG MGA KASAMA KO?

Andaming tanong sa utak ko. Hindi ako makagalaw. Pero mas lalong tumaas ang mga balahibo ko nang may biglang nagsalita sa likod ko...

"Faye! Gising ka na pala. Halika, KAIN NA TAYO." - JAMES

Hindi ako lumingon. Nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko. At pagkatapos nun, unti-unti na akong nawalan ng malay. At wala na akong naalala.

- THE END -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DOPPELGANGER (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon