MyBestFriendMyLove - PROLOGUE

135 2 2
                                    

Nakilala ko siya noong  bagong lipat palang kami sa Japan. Papasok ako noon sa school nang may biglang humila sa bag ko at hinala ako papunta sa isang eskinita. Iba ang lenguahe nila, masyadong mabilis, hindi ko maintindihan. Lima sila, tatlong babae at dalawang lalake. Kinuha nila ang bag ko at ikinalat ang mga gamit ko. Ewan ko ba kung anong hinahanap nila. Wala akong maintindihan. Dinuro-duro ako ng isa sa mga lalake.

At nang akmang sampalin ako nito may isang matangkad na lalake ang pumigil sa kanya. Maputi siya at naka uniform ng parang sakin. Kinausap niya sila pero hindi ko parin maintindihan. And the next thing I knew nakadapa na sa sahig ung dalawang lalake dahil sa malakas na suntok mula sa lalakeng nagligtas sakin. Yung mga babae naman nagsitakbuhan na.

Itinayo niya ako at pinulot pa niya ang mga gamit ko na nagkalat roon.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sakin.

Ang gwapo ng mukha niya, mukha siyang bad boy pero malinis at mabangong bad boy.

"Oo salamat ah" sabi ko habang inaabot niya sakin ang mga gamit ko.

"Clyde" pagpapakilala nito

"Amy" sabi ko habang inaabot ang kamay niya

Ganyang ang una naming pagkikita medyo hindi maganda pero nakahanap ako ng kaibigan sa kanya. Sabi-sabi sa school namin goons daw siya, ayaw kong maniwala kasi mabait siya sakin pero minsan gusto ko na ring maniwala dahil kapag papasok kami sa school pansin kong umiiwas sa kanya ang mga students. Everyone thinks that we are together dahil narin siguro sa closeness namin. He is my friend through thick and thin. My night in shining armor. My friend. My kuya. My Pretend boyfriend.

MyBestFriendMyLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon