This is us

26 2 2
                                    

It was after school. Patuloy padin sa pag tunog ang bell sinyales na tapos na ang klase. Lahat ng estudyante palabas na ng school. Maliban sakin. Nakatayo lang ako sa may school gate naghihintay sa best friend kong si Clyde.  Pagkalagpas ng ilang estudyante sa wakas nakita ko na din ito. Kumaway ako sa kanya at paglapit nya sakin agad nyang kinuha ang dalaga kong hand bag.

Lagi nya yung ginagawa, he is a gentleman. Napansin ko habang naglalakad kami na may sugat ito sa gilid ng kanyang bibig. Hininto ko sya at pumunta ako sa harapan nya. At dahil matangkad sya kinailangan kong mag tiptoe para makita ko kung sugat na nasa bibig nya.

"Best? Nakipag suntukan ka nanaman?" pag usisa ko sa kanya.

"Hindi" umiling si Clyde "Tinuruan ko lang sya ng leksyon" patuloy nito at muli syang naglakad.

Muli ko syang pinigilan, "Teka lang," hinabol ko ulit sya at naglabas ako ng panyo at idinampi ko iyon sa sugat na medyo may dugo.

Hindi na sya nakapalag at hinayaan nya nalang ako. "Tara na" inaya ko sya at nagpatuloy nakami pauwe araw-araw nya akong hinahatid pauwe sa bahay. Minsan mag iistay pa ito para lang hintayin si mama. Itinuturing ni mama si Clyde na parang anak nya na rin. Madalas ma late sa pag uwi si mama dahil sa trabaho nya. Kaya mabuti nalang na nandito si Clyde may makakasama ako kapag wala pa si mama.

Pagdating namin sa bahay nakapatay pa ang mga ilaw. Wala pa si mama. "Hintayin ko na si tita" ani Clyde ng makapasok kami sa bahay at tumango ako sa kanya. Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng pagkain.

"Best! Gagawa ako ng merienda!" sigaw ko. Pagbalik ko dala ko na ang merienda na inihanda ko para samin. Dala ko na din ang first aid kit.

"Best eto na, kain na tayo" inilapag ko ang pagkain sa coffee table na agad namang kinuha ni Clyde.

"Oh bat dala mo pa yan?" anito na nakanguso sa first aid kit na dala ko,  "Bakit ayaw mo?" malambing kong tanong.

"Galos lang naman ito" aniya. Nagkunwari akong nalungkot sa sinabe nya at tumalikod ako.

"Sige na, wag ka nang mag tampo jan" mahina nito sabi. Agad akong humarap ulit sa kanya at tinabihan ko sya sa upuan. Nanood kami ng t.v habang nag mimerienda. At pag tapos naming kumain agad ko din naman niligpit habang si Clyde nagrelax sa upuan. Hindi ako matangihan ni Clyde sa lahat ng bagay. Pero kapag ayaw nya maging ako hindi ko sya mapipigilan.

Pagbalik ko sa sala nakita ko na nakapikit na si Clyde. "Napagod siguro sa ginawa nyang gulo" sabi ko habang paupo ako sa sahig katabi ng upuan kung saan ito nakahiga. Agad kong binuksan ang kit, marahan ko nilinis at binigyan ng gamot ang sugat niya. Hindi naman ito masyadong malaki. Cut ito marahil nagmula sa suntok. Madalas na mapaaway si Clyde minsan nga sa loob pa ng school. May mga pagkakataon nga na ako na mismo ang sumusuway sa kanya, minsan sumusunod sya minsan naman hindi.

"Ayan malinis na meron na ding gamot, lalagyan ko nalang ng  band aid" marahan kong nilagay ang maliit na band aid sa gilid ng kanyang labi. Bahagya ito namulat at nginitian ako.

"Salamat Amy" aniya. Alam kong sincere ito dahil tinawag nya ako sa pangalan ko, mdalas ang tawag nya sakin Best o kaya naman hoy lang. Tatayo na sana ako para ikuha ng kumot si Clyde pero hinila nya ang kamay ko at natumba ako sa kanya.

"Oh Best bakit?" sabi ko.

"Dito ka muna" mahina niyang pagsabi.

"Naku nagpapalambing nanaman itong Best friend ko. . Sige na nga" tumabi ako sa kanya at nahiga ako sa dibdib niya.

Dinig ko ang heart beat nya, ang sarap pakingan. Malaki yung upuan kaya kasya kami, yun lang naman kasi yung upuan sa sala. Ilang minuto bago ako tuluyang makatulog naramdaman ko ang kamay nya yumakap sa ulonan ko. Normal samin ang ganito. Kahit pa nga sa mga taong nakapaligid samin alam na ganito kami.

MyBestFriendMyLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon